Her Second Mother

31 4 1
                                    

Pinauwi na din naman ng doktor si Andie nung sumunod na araw. Pero she had to wear a sling and a cast for about a month more.

Just rest for the rest of the week Andie. No need to rush goin' back to school. Andie remembered her doctor saying with a smile. If anything hurts, you can call me or call my clinic, I'm here everyday. I already gave your prescription to your mom and gave some instructions to your yaya. Most of them are pain meds lang naman para lang hindi ka mahirapang gumalaw-galaw. You take care okay? You can go home this afternoon and hopefully the next time I see you will be when we take those off. Pointing to the sling and the cast.

It was past 9am when Andie woke up. It was only her and the maids at home. 

They didn't even bother to wake me up for breakfast.

But as always, Yaya Saleng was right on time. Dinalhan niya ng almusal ang alaga.

"Goodmorning, Andie" Bungad ni Yaya Saleng sa alaga. "Eto oh, inakyat ko na tong breakfast mo. Bacon and eggs. Paborito mo 'to diba?" Dagdag niya habang nilalapag sa hita ni Andie ang tray, tumataas-taas pa ang mga kilay.

Natutuwa si Saleng na makakasama niya si Andie ng ilang araw. Mula kasi nung naging busy na si Andie sa school eh halos hindi na sila nakakapagkwentuhan. Halos si Yaya Saleng na ang nagpalaki kay Andie.

Masyadong busy sa trabaho si Ma'am Linda. Naisip niya.

Siya ang unang nakarinig ng unang mga salita ni Andie, nakakita ng unang pagdapa, unang pag-up at pagtayo hanggang sa unang mga hakbang. Itinuturing na niyang parang tunay na anak si Andie, wala din naman kasi siyang pamilya. Ulilang lubos at wala ding mga kapatid. Sa mundong ito, ang alaga ang kayamanan ni Saleng kaya nasasaktan din siya sa tuwing naririnig niyang pinapagalitan si Andie para sa mga bagay na hindi naman ginusto ng bata. Bawat sigaw, bawat lapat ng lapis, ruler, sinturon o palad ni Linda ramdam na ramdam din ni Saleng pero wala naman siyang magagawa, yaya lang ang tingin sa kanya ng amo. Kaya naman sa maliit na paraan ay sinusubukan niyang pasayahin ang alaga at ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi niya iiwan si Andie. 

Naalala pa niya nung isang beses na nasampal ni Linda ang anak sa inis dahil hindi na matandaan ni Andie ang inaaral sa sobrang antok, iyak nang iyak si Andie. Humihikbi at halos hindi na makahinga. Hindi napigilan ni Saleng na maiyak sa sinasapit ng alaga sa tuwing lumalapit ang mga araw ng eksamen. Sinisigurado lang niya na nasa tabi siya ng alaga, yayakapin niya ito, hahaplusin ang ulo ni Andie, papatahanin at kakantahan hanggang sa makatulog. Kaya nang ngumiti si Andie sa kanya ngayong umaga, alam niyang nakabawi na ang alaga sa nangyari nung isang araw.

"Kain ka nang marami ha, para lumakas ka kaagad. Natutuwa ako, masosolo na kita ulit. Namimiss na kita eh." sabi ni Saleng sa alaga.

"Thank you Ate." Andie responded,she has a smile-frown on her face and she suddenly burst out in tears.

Katulad nang dati, laging ready ang mga braso ni Saleng para kay Andie. Agad niya itong niyakap.

"Oh, shhhhh tahan na. Anong problema ng alaga ko?" sabi niya habang hinahagod ang likod ng alaga. "Tahan na ah. Andito na si Yaya."

Ngayon na lang uli nakaramdam ng pagiging malaya si Andie. Gusto niyang umiyak nung nasa ospital pa siya kaso nahihiya siyang makita ng mga nurse at mga doktor na umiiyak. Mula kasi makarating ng ospital hanggang sa makauwi siya ng bahay, wala nang ginawa ang mommy niya kundi isisi sa kanya yung aksidente. Laging ipinapaalala sa kanya na kasalanan niya lahat. Pero ngayon, nasa tabi niya si Yaya Saleng. The only person, aside from Dexter who actually listens. Actually she need not say a word. Yaya Saleng knows everything.

"Basta thank you Ate" Andie repeated as she hugged her yaya tight.

"Sus, ito naman parang aders. Kain ka na, lalamig yung pagkain. Specially made pa yan ni Yaya Saleng. O gusto mo subuan pa kita?" biro niya sa alaga.

"Ahahahaha. Ate Saleng talaga. Ito na po kakain na." 

"May iba ka pa bang gusto? Juice? Hot Choco?" tanong ni Saleng habang hinahaplos ang malambot na buhok ni Andie.

"Uhm, for lunch Ate can you cook your Arrozcaldo? Please? Yung madaming chicken?" and Andie gave Saleng her biggest smile. "Tsaka po yung mga books sa shelf na di ko pa nabubuksan palagay po sa bedside table. Ahhhh, tsaka po paakyat nung DVDs ng Harry Potter at Lord of the Rings." Andie clearly had a lot in mind. "Ay tsaka yaya, padala din po nung notebook ko tsaka pen po."

"Hala. Nakabakasyon ka ba talaga? Eh parang ang busy mo pa rin ah." natatawang sabi ni Saleng. Alam naman niya na hindi talaga mapapakali si Andie nang walang ginagawa. Ang sagot lang ni Andie sa yaya niya ang isang napakatamis na ngiti at isang napakalaking subo ng breakfast na inihanda nito. 

Sana dumating ang araw na makita kong totoong masaya ka, Andie. At naramdam ni Saleng ang pagtulo ng kanyang luha habang sinasara ang pinto ng kwarto ng alaga.

Eleventh - LESTER - 1st Of The Eleven (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon