"Hay Ate, kelan ba matatanggal 'tong cast ko?" sabi ni Andie, halata namang naiirita na siya sa sementong suot nya.
"Eh, nakaka- dalawang linggo ka palang. Ang natatandaan ko sabi nung doktor diba nasa 4 to 6 weeks mong isusuot ito? Tsaka lang tayo babalik dun sa doktor pag maayos na yang paa mo." sagot naman ni Saleng.
"It's getting irritating Ate. I can't do anything." Andie replied, defeated. "Tapos ayaw pa pumayag ni Mommy na wag ka nang sumama sa school. Kaya ko naman mag-isa."
"Parang ayaw mo akong kasama." pag-arte ni Saleng, kunyari nagtatampo.
"Hindi naman ganon, Ate. School actually became more fun because of you. Nakakatuwa kasi when I watch you take down my notes and sometimes you even ask questions sa class kaso kasi nakakahiya na. I mean, I can go to school on my own." pagrarason naman ni Andie.
"Ha mo na kase. Pagkatapos naman nito mapipirmi na uli ako dito sa bahay. Mag-isa ka na uli papasok sa school. Hintayin mo lang matanggal yang semento sa paa mo." sabi nalang ni Saleng. "Halika na nga. Male-late na tayo. Mapagalitan pa tayo ni Mommy mo. Gusto mo ba mapalo sa pwet?"
Natawa na lang si Andie. "Kaw talaga Ate. Kaya love na love kita eh."
Andie perfectly understood the reasons why Yaya Saleng needs to be in school with her. It was for her own good but she just can't be happy about it.
When will this end? This endless torture. I feel caged in this cast. I am not this. Andie kept thinking while inside the car.
Pagdating sa school, habang pababa si Andie ng kotse paupo sa wheel chair, she heard a familiar voice.
"You're late."
"Kuya" habang tinutulak ni Yaya Saleng yung wheel chair papasok ng gate. "You'll be the one who's late if you don't go in now." panunukso ni Andie.
"Ha! As if! Bilisan ko lang nang kaunti ang lakad ko mauunahan na kita."
"Psh!"
Natawa na lang si Dexter. They grew up together. He watched as Andie started turning into this girl he's looking at now. And even though she's so charming, she still has that kid inside.
"Hindi naman ikaw ang inantay ko eh." sabay tingin kay Yaya Saleng. "Yaya Saleng, can I ask you out to lunch?"
Sa lakas ng tawa ni Yaya Saleng, napalingon yung guard pati mga estudyante at mga teacher na papasok ng school.
"Ay sorry po. Haha. Ano ka ba kase Dexter? Oo naman pwede kang sumabay samin sa lunch. Madami naman ako laging binabaon para samin ni Andie. Bawal kaya magutom 'tong alaga ko." sabay ngiti sa alaga.
"Eh ate naman eh." pagrereklamo ni Andie.
"Thank you Ate. Medyo naging busy na kasi ako sa school tapos may practice pa after. So, pa'no? I'll see you at lunch Bunso, okay?" tsaka niya ginulo yung buhok ni Andie.
I've missed you. Nasabi nalang niya sa sarili habang nakangiti kay Andie tsaka siya naglakad palayo.
I'm sorry Andie. Sorry kung hindi ako nagpakita sa'yo nang ilang araw. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko pa itatago sa'yo to. Mahal kita. More than a friend and not as a sister. Hindi ko masabi sayo na nagseselos ako na nakikita kong may nagpapasaya sa'yong ibang tao. Na ngumingiti at tumatawa ka dahil sa kanya. Ganto na lang ba tayo? Ikaw si Bunso? Ako, kuya mo? Hanggang kelan tayo ganto Andie?
Hindi na maka-concentrate sa school si Dexter. Araw-araw niyang gustong makausap si Andie pero kahit ilang beses niyang nasusulyapan ang kababata sa school, hindi niya magawang lumapit. Pakiramdam niya sasabog ang puso niya. Takot siyang mawala si Andie sa tabi niya kapag hindi niya napigilang sabihin sa kanya ang totoo.
Time flew by for Dexter. Para syang nagtime skip. Ni hindi na niya maalala yung diniscuss nung Math teacher bago ina-nounce na lunch na. Unang-una siyang lumabas ng classroom, ni hindi na nga natanong ni Aries kung saan siya kakain. Wala pa atang dalawang minuto nandun na siya sa building nila Andie, nag-aantay sa pinto ng classroom.
Nung nakita niyang malapit na yung wheelchair sa pinto, inabot niya yung kamay niya kay Andie. She smiled.
"Tara kuya, dun tayo sa garden maglunch. I wanna feel the sun today." This is a good day. Andie thought to herself. She actually felt better knowing that Dexter is just around. She can't explain it. She knows she wants to be with Dexter but when he's around nowadays, she feels uneasy and sometimes even nervous.
"Ako na Ate Saleng." Kinuha ni Dexter yung hawakan ng wheel chair. Sinuklian nalang siya ni Yaya Saleng ng matamis na ngiti.
"Kamusta ka naman Bunso? Sorry ah. Ngayon lang kita makukulit uli. Busy si Kuya eh."
Her curiosity won her over. "Where have you been anyway? I tried calling you sa house niyo but they always say that you were out."
"Nag-start na kasi kami ng practice for the inter-school competition. You know how big that is for the school, right? Tsaka we're also eyeing one of the national level competitions. Malay mo makasama ako sa mga representative para sa palarong pambansa." Alam ni Dexter na parte nung sinasabi niya eh hindi totoo. Alam niyang tumatawag si Andie, nasa bahay siya kapag tumatawag si Bunso.
"Ganun? Too busy to visit me at home or to return my calls?" she just blurted it out without thinking.
Nagkatinginan sila.
What are you doing to me Andie?
Why do I miss you this much Kuya?
"Ah, ano kase. Madalas ginagabi na kami pag-uwi galing practice. Tsaka minsan magkakayayaan pa maglaro sa computer shop." napakamot nalang si Dexter alam niyang nahalata ni Andie na nakatitig siya. "Sorry na. Bati na tayo."
"Tama na nga yan. Kain na tayo. Baka matapos yung lunch break niyo nang hindi tayo nakakakain." narinig nalang nila si Yaya Saleng.
Binaling nalang ni Dexter ang atensyon sa nakahandang pagkain. "Ano bang baon natin Ate?"
"Hmmm. Meron tayong pasta dito oh, carbonara. Special request yan ni Andie eh. Tsaka itong club house sandwich."
"Ay dapat pala habang nandito si Ate Saleng lagi akong sasabay sa inyong maglunch. Dami kong matitipid nito."
"Ahahah. Ang kuripot mo lang Kuya. Yaya wag mo nang damihan yung baon next time. Mahirap na baka masarapan sya sa luto mo agawin ka niya saken." biro ni Andie.
"Wag ka makikinig dyan Ate Saleng. Lutuan mo lang ako ng baon ah. Babawi ako sa'yo Ate pramis." paglalambing ni Dexter.
"Akin lang si Yaya Saleng no. 'Di ba Yaya? Ako lang love mo?"
Habang nagkakasayahan sila, hindi nila napapansing may mga matang nanonood. May isang taong humihiling na siya yung binatilyong nakaupo sa harap ni Andie, na sana siya yung nakakakita ng mga ngiti ni Andie nang malapitan, na sana siya yung dahilan ng pagtawa nito. Na sana mga tenga niya ang unang nakakarinig ng boses ni Andie. Ngayon, hindi na niya alam ang gagawin sa tsokolateng binili para sa dalagang araw-araw niyang pinapanood sa klase.
![](https://img.wattpad.com/cover/75444031-288-k130138.jpg)
BINABASA MO ANG
Eleventh - LESTER - 1st Of The Eleven (On Going)
RomanceWhen all you experience is heartache. When you have given up on love. When pain debilitates you and you've lost hope. Anger and loneliness seeps in. Pity disarms you and can longer find happiness. There are no happy endings here. Only breakups and p...