That Girl

50 4 0
                                    

Ang ingay ng klase. Normal naman yun kasi first day. Kakabalik lang nilang magbabarkada galing sa bakasyon. Tapos may mga bago pang kaklase. At kahit pa halos araw-araw namang magkasama si Lester at si Brian nung bakasyon, iba pa rin yung first day feels. Pero iba tong first day na 'to sa mga nakaraang first day.

Habang pinagpapatuloy ni Lester ang pagpalakpak para sa new student biglang bumilis ang tibok ng puso niya at naramdaman niya yung malamig na hangin na parang sadyang umihip sa batok niya. Bigla siyang kinabahan. Unti-unti parang nauubusan siya ng hininga, halos hingalin sya. Nasa magkabilang dulo sila ng classroom pero kitang-kita niya si Andie as she slowly curled her lips upward into a smile. That sweet smile. She even tried to raise a hand to cover her face and yet, she didn't. Naki-ride siya sa trip ng buong klase at nag-bow. Ang layu-layo ni Andie kay Lester, pero parang nai-focus lahat ng atensyon nito sa bagong kaklase. Bawat galaw ni Andie, nakasunod ang mata ni Lester. Naiwan pa siyang nakanganga habang pinagmamasdan niya kung paanong sumasayaw sa mga balikat ni Andie ang kanyang buhok. He sees Andie's details as she pursed her lips to stop herself from laughing while giving them her showmanship. Hanggang sa halos sumabog ang puso niya nung nawitness niyang unti-unting lumaki ang ngiti ni Andie tapos bigla siyang tumawa.

...SILENCE...

Mas mabagal pa sa pagslow-clap niya kanina ang paggalaw ng mundo niya ngayon.

...SHOCK!...

Mamamatay na ata ako, naisip ni Lester.

At dahan-dahang dumampi sa mga tenga niya yung tunog ng tawa ni Andie. Kahit malakas ang pagpalakpak ng buong klase mas matingkad pa rin ang tawa ni Andie sa lahat ng ingay. Halos mabingi si Lester sa tunog nito pero gusto pa niyang marinig ito nang paulit-ulit. Forty students sila sa Alexandrite, pero nung oras na yun, para kay Lester , dalawa lang sila.

             *****          *****          *****

Ilang araw na rin nung una niyang makilala si Andie. Well, hindi talagang kilala as in kilalang-kilala pero atleast nalaman niya yung pangalan nung babaeng tinitigan niya sa hallway. Dapat gugulatin niya yung girl sa tapat ng classroom kaso baka hindi siya friendly o baka naman taekwondo black belter sya at masaktan si Lester sa first day o kaya naman ma-guidance sya pag biglang umiyak yung bagong studyante. Kaya imbis na mangulit, he opted to stand beside her. Iniisip din kasi ni Lester nun kung ano yung tinititigan nung babae at kung magkaklase sila eh bakit hindi pa siya pumasok sa classroom? Naalala ni Lester yung feeling habang nakatayo siya sa tabi ni Andie. 

Ayos pala yung ganto no? Pinapanood mo yung ibang tao. Naisip ni Lester habang inoobserbahan din yung mga kaklase at barkada niya sa loob ng classroom. Makikipagkilala na sana siya kaso naunahan siya ni Ms. Chan. 

Naalala niyang inaya niya pa si Andie para pumasok ng classroom at kung gaano kablangko ang mukha ni Andie nung tinignan sya nito. Ni hindi na nga siya pinansin ni Andie pagpasok nila ng classroom.

Pero ang pinaka hindi makakalimutan ni Lester? Yung ngiti at tawa ni New Girl. Oo, New Girl. Yan na ang tawag nila madalas kay Andie. Manghang-mangha kasi sila sa kanya. First time nilang ma-experience yung specie na katulad niya. Hindi rin alam ni Lester kung anong meron pero parang lahat sila nagayuma. Mula kasi nung first day, pag nandyan na si Andie halos hindi sila magkandaugaga para batiin siya, para tanungin ng kung anu-ano.

Sa almost one week niyang nakakasama si Andie sa classroom, medyo madami na ring napansin si Lester. Weird lang kasi normally hindi naman observant si mokong.

Iba si Andie samin. sabi ni Lester sa sarili.

Totoo naman yung hinala niya. Tahimik si Andie. Hindi siya yung tipong conversation starter. Actually, hindi nga siya nagsasalita kapag hindi siya kinakausap. Tsaka the way she acts in class, halatang matalino talaga siya. Active siya sa lahat ng subjects eh, tapos kapag recitation alam mong alam niya kung anong sinasabi niya. At masasabi mo sa sarili mo na nag-advance reading siya. Ang matindi pa, wala siyang pinipiling subject, mapa science, math, comm arts o kahit P.E. pa yan merong bala si Andie.

Physically, hindi siya maarte. Sa limang araw nila sa klase, dalawa palang ang nakikita niya hairdo ng bagong kaklase. Nakalugay o naka-ponytail. Hindi katulad nung iba na parang may experiment na ginagawa sa buhok nila. Araw-araw iba-iba ang hairstyle. Pero kahit napakasimple niya, sobrang lakas ng dating ni Andie. 

Ay! Bakit ko ba iniisip 'tong mga 'to? puna ni Lester sa linya ng pag-iisip niya. Ano bang meron sakin?

Pero ang pinakanakakabilib kay Andie? Hindi siya namimili ng kakaibiganin. Kahit sinong lumapit, basta may baong topic, kakausapin niya. Sa panonood ni Lester sa kumpol ng mga kabuteng nakapaligid kay Andie, magaan siyang kausap. Hindi madaldal, pero may sense ang sinasabi. Isa pang nakakatuwa sa kanya, kahit sa batuhan ng jokes, meron siyang baon. Astig diba?

Meron lang napansin si Lester na kakaiba. 

Kapag mag-isa si Andie, wala siyang buhay. Para siyang manika, hindi gagalaw kapag hindi mo sinusian. Tipong parang ibang tao yung Andie na nakikipagbiruan at nakikipagkulitan kesa sa Andie na nakikita niyang mag-isa.

"Ano kayang iniisip niya?" bulong ni Lester habang pinapanood na naman si Andie sa malayo. Medyo kabisado na rin niya kung saan tumatambay si Andie kapag mag-isa ito.

Nakaupo si Andie sa pinakasulok na table sa may mini garden sa likod ng faculty. Yung pwesto na hindi nakikita kasi natatakpan nung lagoon. Gaya nung ibang araw, wala na naman siyang kasama. At tulad din nung mga nakaraang araw, nakapasak ang earphones sa mga tenga niya. Nasa lamesa ang walkman, katabi nung notebook na lagi niyang pinagsusulatan. Ilang beses nang nagtangka si Lester na lapitan si Andie. Para makipagkilala nang maayos? Para makipagkilala uli? Gusto niyang malaman kung ano yung pinapakinggan ni Andie, kung ano yung mga favorite niyang banda o genre ng music. O kaya itanong kung ano ba yung sinusulat ni Andie. Teka, masyado na atang personal yun. Pero basta. Gusto lang naman niyang makipagkaibigan.

"But I guess it's too late" nasabi na lang niya.

Kitang-kita kasi ni Lester nung lumapit yung junior na lalake kay Andie. Maloko nitong hinablot yung earphones. Magagalit sana si Andie pero para siyang sinapak sa gulat nung ngumiti si Andie dun sa lalake. Yung ngiting matamis, yung ngiting lagi niyang inaantay.

Eleventh - LESTER - 1st Of The Eleven (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon