KUYA

37 4 0
                                        

Andie really likes silence more. She wants to be left alone most of the time but she also knows that she needs to fit in. She doesn't want to be left out. But during breaks, she tries to free herself from the all the attention and spends time alone. Just having her walkman and pen and paper with her. But not today.

"What the!!!" she shouted as she felt her earphones sliding.
"Easy", the guys said smiling. That sly smile.

And just like that, Andie's face brightened. She saw a familiar face. That someone she equates to safety.

Pero kahit sino naman sigurong babae na makakita kay Dexter na nakangiti sa kanila eh mapapangiti rin pabalik. Matangkad, moreno, matipuno, mabango, gwapo. You can see his super deep dimples when he smiles. Why super deep? Kasi bawat pisngi niya meron dalawang dimples na magkatabi, kaya ang result? Mala-Aga Muhlach na dimples. Maamo pa ang mukha pero pilyo kung ngumiti. Yung parang kapag ngumiti siya alam mong may kalokohan siyang gagawin. Pero harmless naman siya, mabait. Totoong gentleman. Akala mo yan na lahat? But NO, there's more. He's intelligent, athletic, musically talented. Halos lahat na ata ng pwede mong magustuhan sa isang lalaki meron sya. Siya yung tipong gusto mong dalhin sa bahay niyo at ipakilala sa nanay mo kahit hindi naman kayo. Mr. Right kumbaga.

Binalik ni Dexter sa tenga ni Andie yung earphones, na hinila naman uli ni Andie pababa.

"How'd you find me?" tanong ni Andie. Medyo uneasy kasi kanina pa nakatitig sa kanya si Dexter.

"Ilang araw na kaya kitang hinahanap. Pinagtataguan mo ata ako eh" pabirong sagot ni Dexter.

"Uy no. Not like that.I just got caught up with school." pag-eexplain ni Andie habang lumilinga-linga sa paligid. Napangiti siya at napabuntung hininga.

"oh, bakit?" tanong ni Dexter habang umuupo sa tabi ni Andie.

"Everything is just new. I mean, I asked for this. I wanted to be here. I wanted to see how good a co-ed school would be. Alam mo naman yon di'ba?" tapos tumingin siya kay Dexter for confirmation and he nodded. "But you know, I'm scared" Andie confessed, as she stared at nothing, drifting away from the real world again.

"Hey," hinawakan ni Dexter ang kamay ni Andie "stay with me."

"Hmm"

"Hindi mo naman dapat katakutan mga tao dito. Grabe ka. Hindi naman kami nangangagat." sabay aktong kakagatin si Andie.

"EEEK!!" sabay takip sa bibig. "Gahd Kuya you just made me shriek!"

Kuya... "Hindi ka naman pala mahirap patawanin eh."

"Well, last I noticed, I guess not. Ang funny ng mga classmates ko eh. So, it's getting easier and easier to laugh."

"Narinig ko nga. Mukhang sikat ka na sa freshies eh."

"Whut?! Anong sikat ang sinasabi mo dyan? Wala ah. I keep a low profile kaya." naalala ni Andie yung first day, medyo nangingiti na naman siya.

"Wag kang ngingiti ng ganyan. Lalo silang ma-iinlove sayo."

At parang cue, humalakhak nang napakalakas si Andie. She even started slapping her lap. She found it too funny.

"Ahaha. Teeheehee." halos maiyak si Andie sa kakatawa.

"Huy! Ang ingay mo! Nasa tabi tayo ng faculty oh!" saway ni Dexter pero nahahawa na din siya sa tawa ni Andie. Minsan lang din kasi niya marinig na tumawa si Andie, kaya parang ang sarap sa tengang marinig na masaya siya.

"Kuya naman" 

Tinawag na naman niya akong Kuya

"Ang bata-bata ko pa to think of that. Love? Gahd, Kuya! I can't even imagine."

"Kahit nga sa mga kabatch ko, sa juniors? Kilala ka na." medyo pasumbong ang tono ni Dexter.

Andie stopped laughing.

"People know you, Bunso. I guess that's just how it is. Those around you are mesmerized." Katulad ko.

Hindi ko maintindihan si Kuya. Anong sinasabi niya? Pwede ba yun? I haven't even spent a week here, right?

"Oh, natahimik ka na." pansin ni Dexter, medyo nangingiti na siya. Alam niyang bothered si Andie. Sa tagal na nilang magkaibigan, he knows that one thing Andie hates is attention but unfortunately for her, she's a natural magnet.

Andie remained silent.

"Uy, biro lang. Hindi ka pa naman ganun kasikat. Di na mabiro to."

Still silent.

"Bunso, biro lang. 'To naman. Biro lang nga." ulit ni Dexter, medyo worried yung tono.

Silence.

"Uy, Andie" konting nudge "Hala! Binibiro lang kita" Ano ba yan, gusto ko lang siyang makausap naasar pa siya sakin. "Sorry na, Bunso. Sige na. Oh batukan mo na ako. Naiinis ka na eh" sabay alok ng ulo niya sa kababata.

"Hihihihi..." mahinang tawa ni Andie. "Ahahaha. Gahd, Kuya. You're so naive!" pang-aasar ni Andie.

Dexter made face. "Ah, ganyan pala. Ang galing mong umarte talaga no? Ganyan ka eh."

"Kasi naman. Yung itsura mo. Gulat na gulat." sabay tawa uli. Naluluha na si Andie.

"Ah ganon. Sige, tumawa kang mag-isa dyan. Ginawa mo na naman akong laruan." sagot ni Dexter. Naka-pout pa, aktong magwo-walk out.

"Ehsus! Yung Kuya kong damulag nagtatampo." hinawakan ni Andie ang kamay ni Dexter.

Eto na naman tayo. Bakit kasi kelangang ganito? 

"Upo ka na uli Kuya. Minsan na lang kita makausap eh." sabay ngiti.

Sabi sa'yo wag kang ngingiti ng ganyan di'ba?

"Hindi na din pwede Andie oh. Tapos na break time. Balik ka na sa classroom" ngumiti nalang uli pabalik si Dexter.

"Hala. Oo nga no. Ang bilis naman ng oras. Sabay tayo uwi mamaya?" aya ni Andie.

"Uhm" kunyari nag-iisip. Kinunot pa niya ang noo para convincing. "Sure! Ikaw pa." tapos ginulo niya ang buhok ni Andie.

"Yey! Pero we'll walk lang ha."

"Sige ba" Para mas mahaba ang oras na kasama kita.



Eleventh - LESTER - 1st Of The Eleven (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon