The End

128 3 1
                                    

"Hindi ko sinasadya"
"Sorry"
"Ayoko na"
"Hindi na kita kailangan"
"I don't love you anymore"
"This isn't working"
"May iba na akong mahal"
"Hindi na kita kayang pakisamahan"
"You are a burden"
"I want you out of my life"

Paulit-ulit...

Araw-araw naaalala ko ito. Iba-ibang paraan, pare-pareho ang sinasabi. Magkakaibang salita pero iisa ang mensahe. Iba-ibang dahilan, isa lang ang pinaparating.

'Iiwan na kita, Andie'

Hindi ko alam kung anong mali. Kung sino. Ako ba o sila?

Oo, alam ko. Hindi ako madaling pakisamahan. Ang dami kong issue sa sarili ko. Pero sinusubukan ko. Para maging normal ang bawat araw. Na parang walang mali.

Mahirap. Masakit. Pabalik-balik. Paulit-ulit. Araw-araw lalong humihirap. Nakakapagod. Sana mawala nalang akong parang bula.

Eleventh - LESTER - 1st Of The Eleven (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon