Copyright © scanvengerian, 2013
[A/N: pasensya guys kung natagalan pag ud ko, kasi gumawa pa ako ng book cover, dapat kanina pang hapon ako naka pag UD.
Photo pala ni rhian sa side, sa multimedia --->]
Chapter 10:
Kanina ko pa ginagawa yung sinabi ni master kiria pero wala naman paring nagbabago.
Normal water parin ang natitira ko sa magic wall, ni hindi ko nga to ma damage eh,kahit kunti man lang.
Habang yung mga kasama ko tuloy parin ang pag mamaster ng tamang pag sasama ng magic at force.
Eto ako ni hindi man lang maka pagpalabas ng force, sabi sakin ni master kiria dapat daw paki ramdaman ko ang Qiangzhi o force ng katawan ko, inner qiangzhi daw ang tawag sa force ng katawan, outer qiangzhi naman ang sa labas, mga B, A at S class elementalist lang daw ang may kakayahan na gumamit ng outer qiangzhi dahil sa lakas nito, tulad ng mga masters,taga mystical council at mga supreme students.
Sabi ni master wag muna daw yun ang intindihin ko, mag focus daw muna ako sa inner qiangzhi, matutunan din daw naming lahat ang pag gamit ng outer qiangzhi. Dahil nauuna na sakin ang mga kasama ko dito sa elite class, para daw makasabay ako dapat matutunan ko na rin daw ang tamang pag sasama ng magic at qiangzhi.
Dahil nga kanina ko pa di magawang mag palabas ng inner qiangzhi, subukan ko daw muna aralin na paki ramdaman ng maayos ang qiangzhi, at alamin ang pagkakaiba ng qiangzhi sa magic.
Dalawang bagay daw yun na umiikot sa loob at labas ng katawan ng isang elementalist.
Yung natutunan ko daw na pagpapalabas ng magic, yung pakiki ramdam sa element ko, ay pagpapalabas palang daw ng Magic yun,
Para akong nagmemeditate ngayon, nakapikit ako at hinahanap ang qiangzhi sa katawan ko.
Sabi ni master kiria,
Unti unti ko ng nararamdaman ang force na dumadaloy sa katawan ko, unti unti kong tong kinukuhabat sinimulan ko narin itong isama ng paunti unti sa magic ko, ng naramdaman ko na parang pantay
na ang qiangzhi at magic ko, minulat ko ang mata ko at inerelease ko eto at kumumpas na ako,
sabi sakin ni master kiria, lagi ko daw tatandaan "will it", kung gusto ko daw ihulma ang water magic ko sa isang espada, isipin ko lang daw, pero dapat maisakto ko rin to sa
magic at qiangzhi na ilalabas ko. dapat pantay daw ang lahat.
Habang ikinukumpas ko ang kamay ko iniisip ko sa humuhulma ako ng dagger, dahil unti qiangzhi at
magic palang ang kaya kong pagpantayin, isang dagger lang ang magagawa ko.
Ikinumpas ko ang kamay ko para itira na ang water dagger ko, lumabas ang isang maliit na magic circle na kulay blue at lumabas dito ang isang water dagger, ata itinira ko na to ng tuluyab sa padder.
at
at
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah, nagawa ko, nadamage ko ang magic wall, kahit pa paano. nakakatuwa.
muntik na akong mapa sigaw sa tuwa,
nagulat ako ng may nag patong ng kamay sa balikat ko at sabay sabi "magaling nagawa mo rin,
bilib ako sayo dahil pantay ang qiangzhi at magic na nilabas mo, kahit bago ka palang, ipagpatuloy mo lang" ani ni master kiria ng meron magandang ngiti.
BINABASA MO ANG
Elementalist Academy (ON HOLD)
FantasyA journey about magic ,friendship, family and love! :D [A/N : This is not edited yet, Sorry sa mga typo at wrong spelling na words, aayusin ko nalang po sya kapag nag edit na ako , thankies sa mga magbabasa :D ]