Chapter 1: Letter

7.3K 249 18
                                    

Copyright © scanvengerian, 2013

Chapter 1:

Rhian POV:

Nakakaasar talaga pagwala si Daddy tito dito. Ginagawa akong alila ng mga tao dito sa bahay.

Lagi nalang ako. Kaasar! Hirap maging ampon, porket di ka totoong anak ginagawa ka ng alila.

Sa sobrang asar ko ay biglang nagsigalawan ang mag tubig na sa drum.

Hindi ko alam kung bakit pero simula palang ng bata ako tuwing nakakaramdam ako ng matinding emosyon ay nagrereact ang tubig sa paligid ko, weird diba? para bang nakiki simpatya sila sa akin.

Ako nga pala si Rhian Yemaya, 18 years old na ako. Patay na ang tunay na magulang ko. Sabi ng tito ko.

Asa pangangalaga ako ngayon ng ng tita at tito ko daw. Gaya nga ng sabi ko ginagawa akong alila ng tita at pinsan ko kapag wala si daddy tito dito. Kaya nakakaasar talaga. dapat nagaaral na ko ngayon sa college kaso yung pera na pinapadala ng tito ko para sakin ay di binibigay ng tita ko, Grrr, kaya nakakaasar.

"Rhiaaaaaaaaan" sigaw ng demonyita kung pinsan.

Ano na naman kaya kailangan ng bruha na to? Nako talaga masasaktan ko na to eh!

"Ano ba ang tagal mo pumunta ka dito! may sulat ka"

Sulat? Sino naman magpapadala sa akin ng sulat? baka si daddy tito. Pero impossible , uso na kaya skype ngayon,may nagsusulat pa kaya?

Mapuntahan nga lang ng malaman.

"Eto na saglit" sigaw ko.

***************************** 

Pagdating ko sa salas ay nakita ko ang pinsan ko na may hawak na kulay asul na sobre.

At paglapit ko sa kanya ay inaabot nya eto sa akin.

"yan oh, bilisan mo at marami ka pang gagawin, kaasar yang sulat na yan ah, di ko mabuksan! ano bang glue ginamit dyan, tska kanino ba yan galing?"

"di ko rin alam" 

Pagkahawak ko ng sulat ay nakaramdam ako ng kakaibang lamig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kalerks! ang weird.

Inikot ko ang sobre upang malaman ko kung kanino eto galing,pero selyo lang ang nakita ko.

Selyo na istura bilog na may star sa gitna ang nakita ko at ang mga letra na "E.A"

Mabuksan nga lang ng malaman ang laman nito.

To: Rhian Yemaya,

Congratulation!You are now enrolled at Elementalist Academy!

We hope to see you!

Mr. Adamus will fetch you this afternoon.

See you.

Head Master Kirio

Whaaaaaat? I am enrolled in Elementalist Academy? Ano yon? Anong school yon?

Ni hindi nga ako nag entrance exam dun eh! tska wala akong pera para pumasok dito.

Ano ba to? 

Bumalik ako sa reyalidad ng agawin ng pinsan ko ang sulat. Kahit kailan talaga pang aasar tong pinsan ko.

"Hoy, akin na yan" sabi ko.

Sa halip na ibigay nya eto, tinaasan lang nya ako ng kilay.

"Saglit lang titignan ko lang,! Ano ba naman to wala naman palang sulat to! sino naman kaya baliw magpapadala sayo ng ganto! wala naman sulat"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng pinsan ko.

"Ano? Meron yan! kakabasa ko lang" 

Kinuha ko ang sulat at tinignan.

Wala na nga ang mga nakasulat dito.

Paano? How? Anong nanyare? kanina may nakasulat dito eh! sabi pa nga may magsusundo sakin! ano nanaman ba tong nanyayari.

This getting weirder ah.

Sigurado talaga ako.
 

"Hoy, gising marami ka pang gagawin"

Panira naman tong pinsan ko! Hay, nako makabalik nga lang sa trabaho baka mamaya mapatay pa ako ng pinsan ko.

*****************************
DING dong DING dong DING dong

DANTES!!!

( waah corny ni author! haha! peace guys :D wala na akong magawa eh)

"Rhian, yung pintuan!"

Sigaw na impakta kung pinsan mula sa baba.

"Ikaw na! anjan ka na eh"

Ngayon nga lang ako nakapahinga eh. nako bubuksan nalang pintuan! ang tamad.

"Baba ka dito oh, kakaladkarin kita pababa"

Hala ka! masipag sa kademonyohan pero sa pagbubukas tamad.

"OO na eto na"

Sino ba naman kasi eto, siesta time na eh.

Bumaba ako mula sa kwarto ko papunta sa salas para buksan ang pinto, si impakta, nanood lang ng t.v.
 
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang matandang lalaki na nakasuot ng amerikana. wow si lolo, Bigtime! 

"Ano po yon?"

"Hi, Ms. Yemaya. I am Mr. Adamus! nandito po ako para sunduin ka."

"ha? kayo po ba yung taga E.A? Sir, nagkakamali po ata kayo kasi di naman po ako nagenroll sa school nyo eh, tsaka wala po akong pangbayad dun"
 
"Wala po kayong aalahanin sa bayad ms.Yemaya libre po ang lahat dun! piling mga tao lamang ang pinipili ng E.A, mga special na katulad nyo"

"Wait, sige sabihin na natin free sya pero di ako papayagan ng tita ko"

Bigla ko nalang narinig ang boses ng tita ko mula sa aking likuran.

"Sumama ka na! atleast mababawasan ng peste dito sa bahay! nakausap na daw ng tito mo ang head ng school na yan"

Wow, bago to ha! pinayagan ako? sino naman kaya aalilain nila dito pag wala na ako.

Chance ko na to para makapag aral. Grab it na, bago ba magbago isip ng bruha kong tita.

" Sige po Mr. Adamus, Ayusin ko lang po ang mga gamit"

" No need Ms. Yemaya! The academy will provide new things for you"

Wow, kung siniswerte ka nga naman oh! makakaalis ka nga sa impyernong bahay na to! may bagong gamit ka pa!

 Sa sobrang tuwa ko napangiti ako ng todo.

Matapos ng paguusap na iyon isinakay ako ni mr.adamus sa magarang kotse.

Dahil sa haba ng byahe ay nakatulog ako!

MALALAMAN MO NA KUNG SINO KA TALAGA

MALALAMAN MO NA KUNG SINO KA TALAGA

MALALAMAN MO NA KUNG SINO KA TALAGA

Paulit uli ko tong naririnig

hanggang

sa
 

nagising nalamang ako ng bigalang tumigil ang kotse at nagsalita si mr. adamus.

"WELCOME TO ELEMENTALIST ACADEMY, Ms. Yemaya"
*****************************************************
Hope you like it guys! Comment and Vote! Thanks

I need suggestions guys. :D

Elementalist Academy (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon