Chapter 11:I found FAMILY

4.8K 167 25
                                    

Copyright © scanvengerian, 2013

Chapter 11:

[A/N: Seth photo sa side, sa multimedia --->]

Matapos ng class namin kaninang hapon kay master kiria, di na naalis sa isip ko si zion, sabi sakin nila ash, sya daw ang destroyer, tinawag daw syang destroyer dahil sa espesyal na kakayahan nya, ang mang higop ng kapangyarihan ng ibang elementalists, pero undead elementalist daw talaga sya, lahat daw ng nakukuha nya kapangyarihan ay inilalagay nya sa ibat ibang vessels, tulad ng sing sing, bracelet at kwintas.

Natuklasan ko rin na vessel din pala ang mga sing sing namin, pero channel vessel lang daw eto, hindi katulad ng ginagamit ni zion, ang mga vessel daw na ginagamit nya ay nagiging sisidlan talaga ng kapangyarihan ng ibang elementalist, kung baga pag may hinihigop syang kapangyarihan ng isang elementalist tuluyan etong mawawala sa elementalist at malilipat sa vessel, ang pinaka masaklap pa ay mawawalan din ng buhay ang elementalist dahil pati ang qiangzhi ng elementalist ay kinukuha rin ni zion.

At ang mga vessel na iyon ni zion ay may kakayahan mag bigay ng kapangyarihan kahit sa isang normal na tao.Kpag ginamit eto ng normal na tao magkakaroon din eto ng kakayahan tulad naming elementalist. 

Ang isang tunay na elementalist ay kailangan lang ng channel vessel dahil may taglay na daw talaga kaming kakayahan na gumamit ng elements. kung baga likas na sa amin eto.

Ginagawa ni zion ang pag higop ng kapangyarihan ng elementalist para makaiipon ng maraming vessel at ibigay to sa mga taong iniimpluwensyahan ng kanyang alagad, para din maging alagad nya.

Ginagamit daw ni Zion ang kahinaan ng loob ng mga normal na tao para maging alagad nya eto,

ginagawa nyang parang taotaohan ang mga normal tao, wala syang paki alam sa buhay ng mga eto.

Ganid at Sakim daw si Zion sa kapangyarihan, Wala pa daw sino man ang nakakakita sa mukha ni zion kahit ang mga masters dahil natatakpan eto ng isang maskara. 

Minsan na daw nakalaban ng mga masters si zion. Hindi daw alam ni ashley kung bakit nila nakasagupa si zion noon.

Itinanong ko rin kay ashley, bakit hindi nakuha ni zion ang mga powers ng mga masters, sagot ba naman sakin

'tongoks ka ba? tingin mo sa mga masters natin weak? at tsaka alam ko malupit sa elemental defense

si master fritz, bata lang kung tignan si master fritz pero malakas yun, 15 years old lang yun pero

gifted yun, at tsaka kung di mo alam si master fritz ang may gawa ng barrier ng school na to, kaya di

to agad agad napapasok ng minion ni zion'

kaya nung mga oras na yun, namangha ako kay master fritz, pero may barrier pala ang academy? hindi ko alam yun, atleast now, i know that we are protected.

 

And somehow, my questions were answered.

hay, makatulog nga, kanina pa ako di makatulog sa kakaisip sa zion na to. kailangan ko makapag pahinga para bukas.

****************************************************************************

Pag gising ko, mukha agad ni ashley ang bumungad samin, pinagdikit dikit kasi namin kagabi ang mga kama namin, naalala ko pa nga na ginamit lang ni ash yung powers nya para maurong to.

Nakakatuwa lang na ilang araw palang kaming magkakasama pero feeling ko matagal na kaming magkakakilala.

Ng parang pamulat na ang mata ni ashley ay binati ko agad sya " Morning, sleepyhead"ng nakangiti.

Elementalist Academy (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon