CHAPTER 11 (2.2)

115 4 1
                                    

Laurice's POV:

 "A-anong ginagawa mo dito?" gulat pa rin ako. Ano bang ginagawa nitong lalaking to dito? 

"Pinahanap ka nila sa akin. Ang tagal mo kasing bumalik, yun pala andito ka lang at naglalasing." Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Sa halip, tinuloy ko na lang ang pagtagay ko.

Iinom na sana ako nang agawin niya yung bote at deretsuhang ininom. "Ano ba?!"

Tumingin siya sa akin at nilapit ang mukha niya ng kaunti. "Alam mo bang masama sa babae ang uminom ng marami? Lalo na't nag-iisa? Palibhasa kasi feeling niyong mga babae kaya niyo na ang sarili niyo. Porke't may dala lang ang iba sa inyo ng Pepper Spray o kaya naman marunong ng self defense, eh kaya na ang mga loloko loko sa mga tabi tabi." 

Kumunot naman ang noo ko. "So? Anong pinapahiwatig mo?" 

Bumalik siya sa kaninang pwesto niya. "Wala naman."

    Tss. Inirapan ko na lang siya. Ewan ko sa kaniya! Tch. Ang daming alam.

"Kababae mong tao, ang lakas mong uminom. Manager ka pa naman ng isang sikat na banda, ano na lang ang iisipin ng ibang tao sa'yo? Alam mo bang pwedeng ikasira yan ng banda?" Tumabi siya sa akin at inilagay ang mga kamay niya sa kaniyang bulsa.

"Ano ba ang pake mo? Bumalik ka na nga doon! Nambubulabog ka ng mga nananahimik!" Inirapan ko siya at itinuloy ang pag-inom sa mga inorder ko.

Tumingin siya sa akin ng diretso at seryoso. "Hindi ka naman ganito dati ha?"

Napatigil ako. Binabalik na naman niya ang mga nangyari na. 

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya, at itinuon ko ang sarili ko sa pag-inom.

"Aly..." Tawag nya sa akin.

Nakaka-miss yung boses niyang ganyan. Napaka malumanay. Nakaka-miss yung pagtawag nya ng pangalan ko.

Napahinto ako sa pag-inom. Tumayo ako at dire-diretsong naglakad papalabas.

Kailangan ko ng hangin.

Hanggang sa nakaabot na kami sa kabilang kalsada. Oo kami. Sinusundan niya ako, simula kanina pa.

"Aly!" Hinawakan niya ako sa braso nang maabutan niya ako.

Tiningnan ko ang braso ko na hawak niya. "Ano na naman?"

"Bakit ka ba naglalasing? Ano ba nangyayari sa'yo? These past few days, iwas ka ng iwas sa akin. Kapag kinakausap kita, isang tanong isang sagot. Hi at ho lang tayo. Ni wala man lang usapang pang-kaibigan. Puro formal. Ano ba nangyayari sa'yo?" He's looking into my eyes directly.

Pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha sa mata ko habang tinititigan siya sa mata. "Sa tingin mo bakit? Sa tingin mo sinong magiging okay sa sitwasyong ito? Kung hanggang ngayon matapos lumipas ang ilang taong pag-iwan sa'yo ng isang lalaki na ngayon nakita mo ulit, ay wala pa ring kasagutan yung iniwan na tanong sa kaniya bago mag-hiwalay?" 

Nabigla siya sa sinabi ko. "Hindi ka pa rin ba nakamove-on?"

"Sino ba ang walang pakiramdam na makakamove-on agad? Lalo na kung hindi niya alam kung bakit nakipaghiwalay sa kaniya ang taong mahal nya?!" Nagsimula nang tumulo yung mga luha ko, pati uhog ko.

"Aly let me exp--" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Tapos makikita na lang nya na may asawa na pala to. May anak pa! Partida pa yan! Ang saya saya!!!! Grabe! Dapat talaga nakikinig sa mga magulang eh. Na ang mga lalaki pasakit! Laging pinapaiyak ang mga babae!" Iyak ko.

Napayuko siya. "....Hindi ko siya asawa."

Napatigil ako. Napatingin ako sa kaniya.

Iniangat nya ang ulo niya at tumingin sa akin. "At hindi ko tunay na anak si Jin Hee."

Nanlaki ang mga mata ko. "P-pano--"

"Anak ni Hyun yon sa ibang lalaki. Sa lalaking mahal niya talaga.Hindi rin alam ni Hyun na anak niya yun kay Kyuhyun. Ang alam niya, sa akin. Bago pa man magising si Seo Hyun nang manganak, pinakiusapan ako ng mga magulang nito na akuin ang bata dahil hindi mapanagutan ng tunay na ama ang bata dahil sa masisira ang karera nito. Ako ang tumayong ama simula pa lang sa pagkadilat ng mga mata ni Jin Hee. Ang alam ng lahat, ako ang tunay na ama. Hindi kami nagpakasal dahil...Alam ni Hyun na hindi ko siya mahal. Na parang kapatid lang ang pag-protekta ko sa kaniya. Ganoon rin siya, mahal pa rin niya ang tunay na ama ng bata." Paliwanag nya sa akin.

"S-so, ang pinapalabas dito... Ay ginagawa niyo yan para lang sa bata?" tanong ko sa kaniya.

Napatango sya ng kaunti, at tinitigan ako.

U-umiiyak siya?! 

Pulang pula ang mga mata nya at puno ng luha. "Aly.....

....

....

....

                    .......I....I...."

"When I Was Fifteen"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon