A/N: Hey guys! sorry for the late update~ TT^TT Jeongmal mianhae! Busy kasi ako... SUPER... Ngayon lang ulit ako nakahanap ng time para sa update. Well anyway, sana magustuhan niyo to! ENJOY READING!
Laurice's POV:
Ilang linggo na din akong manager ng CNBLUE. Masaya naman silang kasama-- Yun nga lang, nakakailang pa rin si Yong Hwa. May times kasi na nilalapitan nya ako pero umiiwas ako. Ganun lang ang routine naming everyday. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, iwas lang ang tanging ginagawa ko sa kaniya.
"Laurice-ssi, you look so good! Ddaebakk!" Bati sa akin ni Jung Shin oppa.
>////< Nag-blush naman ako doon.
"Thank You, oppa. You too, Neomu mojisaeyo~" Nag-bow ako at kinindatan sya.
(You're so handsome.)
Andito kami sa isang bar sa Gangnam, nagpaparty kami para sa successfulness ng concert nila sa Japan pati na rin sa Fan signing event nila. Tsss, Puro Japan naman sila eh, Kung hindi Korea, Japan! Japan! Japan! Bakit kaya hindi nila maisipang pumunta sa Pilipinas? Diba?
Anyway, kakarating ko lang dito sa bar, at naguwa-guwapuhang mga lalaki ang agad na sumalubong sa akin. Sama na rin natin siya.
Pag-upo ko sa table namin, napansin kong anim ang upuan. Nagtaka naman ako, ang alam ko kasi hindi makakapunta si Seung oppa dahil may mahalagang meeting pa sya.
Hmmm... Baka naman na-cancel. Or nagbago ang isip? haha~ Ewan.
Inalok nila ako ng drinks. Eh Tokwa naman eh. Puro hard drinks -_-
Ano tingin nila sa akin? Hard drinker? Manginginom? Araw-araw, gabi- gabi may katabing alak?
Manginginom lang ng Red Horse sa kanto ang Peg?
"No... I'm not drinking hard liquors. I'll just drink Margarita." Ngumiti ako sa kanila at naghanap ng waiter.
"Uhh. No. I'll just order at the counter." Tumayo si Jonghyun oppa.
Pagbalik niya nagulat na lang ako at....
....Kasama niya si Seo Hyun unnie.
Nagtatawanan sila nang dumating sila sa table namin.
Napatingin sa akin si Seo Hyun unnie at napangiti.
"Omo! Laurice-ssi! You're here! Nice to see you again!" At ibinigay niya sa akin ang napaka-tamis at napaka- sincere niyang ngiti. Alam ko na kung kanino yung isang upuan.
Hindi ko matatangging maganda nga siya. Ang ganda pa ng katawan nya at ang kinis.
Ano pa bang laban ko diba? Maganda, sexy, at mabait na nga, sikat pa. Matalino pa nga daw iyan sabi ng ka-Sone ko.
"Annyeong! How are you? Anyway, where's Jin Hee-ssi?" Nginitian ko din siya ng sincere. Ang bastos ko naman kung hindi diba? Inggit na nga ako sa kaniya, ang plastic ko pa. Napaka sama ko naman atang bida sa isang itsorya diba? Eh di sana kontrabida na lang role ko...
"I'm fine! Jin Hee's at home~ She's also doing fine." Nakangiti pa rin niyang sagot. Tumango tango naman ako.
Habang nagkaka-kwentuhan, ininom ko na lang yung margaritang inorder ni Jong Hyun oppa para sa akin. Napatingin naman ako sa dalawang naglalambingan sa harap ko.
Bakit ba kasi ikaw pa Seo Hyun unnie ang naging girlfriend ni Kevin? Ang hirap mong malampasan ng isang tulad ko. At isa pa, ikaw pa na idol ko ang kinaiinggitan ko... Unang tingin palang sa ating dalawa, wala na akong panlaban. Talo na ako.
Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Guys! We're getting attacked by ants! Yiieee~! YongSeo feels!" Pang-aasar ni Min Hyuk oppa sa dalawa.
Napatawa at nang-asar naman ang lahat maliban sa akin. "Yah! Stop that Minhyuk! You're ruining they're moment!"
At nagka kulitan na naman. Medyo nagiiba na ang pakiramdam ko. At baka mamaya, pagtaksilan na naman ako ng mga luha ko.
"Excuse me, I'll just go to the washroom." Paalam ko sa kanila.
Pagtapos kong mag-cr, hindi ako agad bumalik sa table namin. Dumeretso muna ako sa counter.
"Yes, ma'am?" Tanong sa akin ng isang bartender.
"One hard liquor please. Shots will do" Sagot ko.
"Right away ma'am" Ngiti nitong sagot.
Nag-enjoy naman ako sa pag-inom dito sa counter habang nanonood ng bartending. Ang galing ng mga bartenders talaga! walang hulog ni isa sa mga boteng inihahagis hagis nila. Medyo hilo na din ako at nakikipag-usap na rin ako sa mga kumakausap sa akin na hindi ko kakilala.
Inom lang ako ng inom. Naka-ilang shots na din ako.
Oorder pa sana ako ng isa pang shot, nang may pumatong na kamay sa kanang balikat ko.
Paglingon ko...."Y-yong Hwa?"
Anong ginagawa niya dito?
BINABASA MO ANG
"When I Was Fifteen"
Teen Fiction(NO SOFTCOPIES) Title: WHEN I WAS FIFTEEN (WIWF) Author: CNBLUEROCK Languages: TAGALOG-ENGLISH-KOREAN ALL RIGHTS RESERVED 2013 ©