CHAPTER 12

116 3 0
                                    

A/N: Hellooo mga aliens... joke... haha tawa tayo 5 times a day. -___-"

Anyways, namiss niyo ba ako? O ako lang nakamiss sa inyo? Sorry sa late updates ha? Estudyante pa lang kasi si otor eh kaya nagbi-busy busyhan... hahah enywey, Enjoy this chapter mga gwapot magaganda~ Happy New Year pala xD hindi ako nakabati!

Laurice's POV:

"You may go now." Ngiting sabi ni Seung oppa.

Nag-bow naman ako at lumabas na sa office. Di-diretso na lang ako sa may mall pero parang gusto ko dumaan muna sa cafe at mag-relax doon. Wala naman silang schedule ngayon eh, anyway it's weekend and it is a rest day diba? So I think it is better if I'll give myself a break. Puro stress na rin kasi ang nakukuha ko. Kabata bata ko pa, ito na ang nararanasan ko. 

So, ganito pala kapag independent.

I was about to close the elevator nang may humabol pang passenger.

Wow! Just, wow. Damn it's him. Hindi na lang ako umimik habang tumayo siya sa tabi ko pagkatapos niyang pindutin ang level button. 

And double fudge. We're on the same level. So From 5th floor hanggang ground kasama ko sya? Aba! Big deal sa akin iyon ah! Ilang segundo ko ring titiisin ang awkward atmosphere.

4th floor...

3th floor...

2nd floor...

Ground floor... 

*TING*

Shet! Salamat! Nakaraos rin!

Yes! Wala kaming imikan kanina, it's been a week nang hindi talaga kami magpansinan dahil sa nangyari sa labas ng bar. Nagtataka na nga ang ibang members dahil para daw kaming mga dati nang magkakilala at may tinatagong sikreto.

Hayyyy... Kung alam lang nila. Better not to go back to the past. Mas sumasakit eh. Lalo na kung malaman mong hindi nila anak si Jin Hee... Shit lang. Tapos matapos niyang sabihin ang lahat lahat sasabihan niya ako ng I---

FLASHBACK

".......I....I....I-I'm sorry, I was a fool. I hurt you. And I guess ito na ang kabayaran sa lahat ng mga naging kasalanan ko sa'yo..."  Na nakapagpataka sa akin. 

Kabayaran? Bakit ano ba ang meron kami ngayon?

"H-ha? Kabayaran? Ano ba ang nangyayari sa atin ngayon?" Diretsuhan kong tanong sa kaniya.

"Liyah...

.....Mahal pa rin kita hanggang ngayon. At hindi nawala iyon. Pero....hindi ko sila kayang iwan..." At dahil doon, parang hindi ko na talaga kinaya kung ano ang nararamdaman ko.

"Eh g*go ka pala eh! Sasabihin mong mahal mo pa rin ako at kahit kailan hindi nawala pero hindi mo sila kayang iwan?! Panaglolo-loko mo na naman ba ako?! Nakakasakit na iyang biro ma ha! Sa tingin mo paniniwalaan pa kita?!" Parang gusto ko siyang patayin! Ang sama niya kahit kailan!

"Hindi mo ma-aalis sa akin ang mapalapit sa kanila. Mahal ko si Jin Hee at itinuring kong tunay na anak. Siya ang naging libangan ko at natuon sa kaniya ang atensyon ko noong mga panahon na wala na akong ginawa kung di isipin ka..." Pilit niyang ipinapaliwanag sa akin.

"Aba kung ganon! Kaya mo naman pala na mabuhay nang wala ako eh! Ginawa mo nga na libangan si Jin Hee 'diba? Parang laruan lang!" Loko to eh! Pati bata!

"Aly! Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para hindi ka na magalit?" tanong niya sa akin. Nanggigigil na rin siya eh. Halata naman. Baka naiinis --ay hindi. Naiinis na talaga siya sa akin.

"Ang slow mo rin talaga eh no?! Ipaintindi mo kaya sa akin!" sigaw ko sa kaniya.

"Mahirap!"

"Ipaliwanag mo kasi!"

"It's complicated Aly!"

"Eh talaga naman palang g*go ka eh!" sigaw ko sa kaniya.

Nanahimik naman siya. 

Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa amin. 

"Isang tanong, isang sagot. Kevin... Ano ba talaga ang nararamdaman mo sa akin ngayon?" Pambabasag ko ng katahimikan.

"I..I still love you. But parang hindi ko kayang iwan si Jin Hee." sagot niya.

"Si Jin Hee lang ba talaga ang dahilan mo?" Napapikit ako ng mariin.

"Aly... Napag-usapan na natin ito hindi ba?" Medyo iritable niyang tanong.

"Bakit ba?! Eh hindi mo naman tunay na anak si Jin Hee ah! Parang..Parang mas mahalaga pa siya kaysa sa akin! Ikaw na ang nagsabing mahal mo pa ako diba?!" Tumataas na naman ang boses ko.

"Pati ba naman bata pinagseselosan mo?!" This time. Inis na talaga siya.

"Anong pinagseselosan?! HOY! Kevin! Hindi ako ganon kababa ha! Sinasabi ko lang na parang mas mahalaga pa siya sa akin! Hindi mo siya tunay na anak! Puwede mo naman siyang bisitahin kung gusto mo! Yun lang naman eh! Makipaghiwalay ka kay Seo Hyun unnie at bumalik ka sa akin!" paliwanag ko.

"Aly, hindi 'yon ganon kadali! Kasal kami! At isa pa nasa showbiz kami!" sigaw niya.

Aba at sisigawan pa niya ako?!

"Oh tingnan mo! Lumabas din ang katotohanan! Hindi mo sila kayang iwan hindi lang dahil kay Jin Hee!" Hindi na ata mauubos tong luha ko. 

"Ano ba iyang iniisip mo Laurice?!" This time tinawag niya akong Laurice at sa t'wing ganon iba na talaga ang aura niya. Nakakatakot na. 

Pero hindi ako natakot. Galit ako eh. Hindi ko alam kung bakit hindi niya maiwan iwanan iyan. Nadadamay pa tuloy sila sa usapan. Kung tutuusin wala naman silang kasalanan dito.

Nanahimik ako saglit at nakipagtitigan sa kaniya. Nagtatantyahan kami. 

"Ano ba talaga tayo Kevin?" Panimula ko.

"Bakit? Ano ba tayo? Ano bang nasa isip mo na tayo Laurice? Alam mo? Ewan ko kung anong nangyayari. Wala na naman tayo diba? Kaya nakakapagtaka kung bakit ka ganyan kagalit." At iniwan na niya ako sa gilid ng kalsada.

Boom... Ang sakit non ah..

OO nga naman.. Wala namang kami ah, bakit pa ako umaasa?

Katangahang taglay naman Laurice Aly Park!

Ikaw tuloy nasasaktan ngayon... Nasobrahan ata ako sa mga pinagsasasabi ko.

Yan tuloy. Napahiya na nga ako, nasaktan pa ako...

END of FLASHBACK

Masakit pala ang malaman ang katotohanan no?

Yung tipong alam mo na na ganon na nga pero hindi mo pa rin inaasahan na yun yung nangyayari kasi pinipilit mong ipaniwala sa sarili mo na hindi totoo ang mga iyon at puro kalokohan? Yung parang nabubuhay ka sa kasinungalingan?

Lumabas na ako ng building at dumeretso sa isang cafe. Magpapahimasmas muna ako dito.

Nakakapagod na rin eh. Minsan nga naiisip ko na na bumalik na lang sa Pilipinas. Pero hindi. Ginusto ko to eh. Kaya paninindigan ko to.

Habang nakaupo ako sa isang side ng cafe may isang pumasok na lalaki.

Napalingon siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko.

"...Oppa!" sigaw ko.

"When I Was Fifteen"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon