CHAPTER 14

92 4 1
                                    

A/N: Soooryy :( Sabi ko nung last chapter mapapadalas ang update ko. hindi ko naman aakalain na magiging busy rin pala ako ngayong Vacation. Mag aaudition na kasi ako as a trainee sa isang Entertainment so wish me goodluck ~

So here it is! Enjoy Reading!

NOTE: I changed CEO's name here. Wala lang hehe xD Nang maiba naman. Wag na natin guluhin si CEO Han Seung Ho ~

Laurice's POV:

"So, Ms. Park. How's your work?" Nandito ako sa may office ni Geum oppa. Pinapunta niya kasi ako dito para kamustahin DAW ako.

"I'm fine Geum oppa." Napangiti naman siya at tumayo.

"So how's the boys?" kinamusta naman nya ang apat na pasaway.

"They are doing well Geum oppa." Nanahimik na lamang sya at tumalikod sa akin.

May kinuha siya hindi ko maintindihan at Iniabot sa akin.

"what's this oppa?" Tanong ko ng maabot ko ang puting sobre.

Open it. Ngiti niya at bumalik sa upuan niya at dumekwatro.

Nanlaki ang mata ko nang buksan ko ang white envelope.

Ticket sa Lotte World?

"Go enjoy today with the boys. I know that you're too busy with their schedule. So forget your work for a while and relax!" Palakpak pa niya.

ENJOY?! Lotte World? Masaya na sana ako nang malaman kong Lotte World ang pupuntahan. 

Kaya lang kasama sila?! KASAMA SI KEVIN?!

"Gooo! go! go! Hurry! that tickets are only for today!" pagmamadali niya sa akin.

Wala na akong magawa kundi tanggapin yon. Tumayo ako at nag-bow. "Thank you Geum oppa." at saka na ako lumabas ng opisina niya.

Kinakabahan akong pumunta sa studio nila. Kahit kasi manager nila ako eh, napakabihira mo akong makikitang pumupunta dito. Kung makikita mo man ako, hindi sila kumpleto o wala si Kev--Yong Hwa. 

Wala pa atang tatlong katok eh binuksan na nila ang pinto. "Oh! You're here Laurice-ssi! Come in!" tuwang sabi ni Jung Shin.

"Oh, thank you Shin-a!" Papasok na sana ako nang iharang niya ang mahabang braso niya sa pintuan. "OPPA!" pagtatama niya sa akin.

"Haha! Okay! Okay!" Itinaas ko ang dalawa kong kamay na para bang sumusuko. "Thank you Jung Shin OPPA." Inemphasize ko talaga ang oppa para wala na siyang reklamo.

Dahan dahan naman akong pumasok sa studio nila at namataan si Jong Hyun oppa na nakasalampak sa sahig at tumutugtog ng gitara. Tumabi naman si Jung Shin OPPA na kakabukas lang ng pinto para sa akin.

At ito na nga ba ang ayaw ko eh. Nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa swivel chair at may Iced Americano sa table habang may kinakalikot na kung ano sa computer niya. Gumagawa siguro ng kanta. Sino pa ba? Eh di si Kevin aka Jung Yong Hwa.

Agad naman niya akong napansin at nginitian lang tapos bumalik ulit sa kanyang ginagawa.

Ganun lang. Masyado nga ata syang busy kaya sya ganyan. 

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa ang iniiwas iwasan kong tao. Si Min Hyuk oppa! 

Simula kasi nung nakita niya ako na kasama si Hong Ki oppa sa may cafe, natatakot na akong makasalubong o makasama sya dahil baka tanungin na naman niya ako about sa nakita niya. Jusko. Baka hindi magtagal eh mapa-amin ako ng wala sa oras about sa past namin ni Kevin.

"When I Was Fifteen"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon