SOAL#6: ROOM MATE

133 20 17
                                    

Isabella Point Of View

Bigla ko nalang minulat ang mga mata ko. Nakatulog pala ako. Nilibot ko ang paningin ko. Nandito pala ako sa dormitory. Yah, sa school of all ugly. May dormitory, kaso once a week kalang pwedeng lumabas ng academy.
May biglang kumatok sa pinto.

"Bella? Kakain na!"sabi ni Jas habang kumakatok.

Bigla ko nalang binuksan ang pinto. Actually, Hindi ko naman talaga yun nilock.

"Ah, sige!"sabi ko naman.

Nandito kami ngayon sa kitchen. Malawak din tong kitchen, Hindi naman gaanong masikip.
Nang tingnan ko yung kabilang side. May nakita akong lalaking payat,

"Hi, Ako nga pala si Philip!"masayang bati niya.

"Ako naman si Isabella, Bella for short."sabi ko naman dun sa lalaking na ngangalang Philip. Maputi siya kaso, nerdy look din ang style. Tumingin naman ako sa kabilang side ko. At biglang nanlaki yung mata ko.

Nakita ko yung lalaking na halfnake kanina. MY GOSH! Nakanerdy look din siya. Ewan ko ba pero parang bigla nalang akong namula.

"Okay ka lang?"tanong ni jes. Tumango nalang ako.

"Yan si Kiel."sabi niya sabay turo dun sa lalaking nakahalfnake kanina. Actually, Hindi naman siya tuluyang naka halfnake. May tuwalya naman siya sa pang ibaba ng lumabas siya ng bathroom. Masyado lang talaga akong OA, pero para kasing.. Hayyy.. Never mind.
Bigla siyang lumapit sa akin.

"Oh, Hi miss Nerdy!"sabi niya. Tila kumunot ang noo ko. Miss nerdy? Never pa akong natawag ng ganyan.

"Excuse me? Sinong nerdy?!"may halong pagkainis ang boses ko.

"Ikaw! Sino pa bang nerdy dito kung hin-----"Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang takpan ni jes yung bibig ni Kiel.

"Wag mo nalang intindihin yung sinabi niya."mabilis na sabi ni jes.

Nalito ako, pero tumango nalang ako.

"Tara guys, nagluto ako ng sinigang. Siguradong magugustuhan niyo ito."masayang sabi ni Philip.

"Marunong kang magluto?"takang tanong ko. Wow, marunong pala siyang nagluto. Pero ako? Ni prito nga Hindi ko kaya, baka kasi 'you know' matalsikan ako ng mantika.

"Ah oo. Bata palang ako, mahilig na akong magluto."sabi niya.

"Buti kapa. Eh ako? Ni prito nga hindi ko kaya eh."sabi ko naman.

"RK ka pala?"sabi ni Kiel.
Nagtaka naman ako. RK ? Ano yun?

"RK?"tanong ko sakanya.

"RK means Rich Kid. Grabe, lumaki ka sigurong mayaman no? Teka? Parehas lang pala tayo!"sabi ni Jes.

Parehas pala kami. Sa bagay, madami sigurong nag aaral dito na rich kid.

"Guys, May audition bukas. Sali tayo?!"masayang sabi ni jes.

"Audition?"tanong ko naman. Ang dami ko talagang tanong. Sa bagay, bago palang ako. Kaya wala pa akong masyadong alam sa school na ito.

"May singing audition kasi bukas sa Academy, kaya naisipan naming apat na gumawa ulit ng banda."sabi ni Jes.

"Marunong kayong kumanta?"tanong ko. Wow! Nakakabilib naman pala ng mga kasama ko. Kung hindi lang siguro sila nerd, siguradong perfectionist na sila.

"Oo, hobby naming kumanta minsan. Marunong ka bang kumanta?"tanong ni Philip. Nag isip ako kung sasabihin ko ba sa kanila na ako si Almost Perfect?!
Actually, I love singing. Kaso, hininto ko na yung pagkanta ko nung naghiwalay na kami ni Kil. Magsimula ng umalis siya, nawalan na ako ng ganang kumanta.

"Hindi!"mabilis na sabi ko. Ayaw ko lang talaga na mabuko nila ako. Dapat, madami akong hindi kaya.

"Ganun ba? Sayang naman."mukhang nadissapoint si Jes. Ewan ko ba pero parang sobra naman yata dinibdib yun.

"Ayos kalang?"tanong ko sakanya.

"Akala ko kasi marunong kang kumanta. Kanina kasi nung marinig ko ang Boses mo, parang anghel na umaawit kahit na nagsasalita kalang. In expect ko na ikaw na ang magiging bagong miyembro namin magsimula ng umalis si Dianne."sabi niya. Nalungkot naman ako. Pero nagtaka naman ako sa huling word na sinabi niya. Dianne? Parang narinig ko na yun dati. Ewan ko lang pero parang sobrang lakas ng impak.

"Dianne?"takang tanong ko naman.

"Ah oo, si Diane yung ka room mate namin dati. Naging friend din namin siya. Kaso bigla nalang siyang nag back out sa band namin for unknown reason."paliwanag niya. Bigla akong may na alala.

"Oo, pupunta na kami sa state ni Dianne. Doon na kami mag aaral, at doon na din kami titira."-sabi ni kil.

Oo nga. Naalala ko na. Dianne ang pangalan nung kapatid ni kil. Kailangan kong makasigurado.

"Pwedeng magtanong? Anong last name nung dianne?"takang tanong ko naman. Ewan ko ba pero bigla nalang akong kinabahan ng sa isasagot niya.

"Si Dianne Montello."sabi naman ni Philip.

Bigla nalang akong nabuhayan ng loob.

Sa wakas! Konti nalang Kil.. Makikita narin kita..

=========

A/N:Marami pong salamat sa lahat ng nagbabasa ng mga story ko. Paki follow nalanang po ako. Just comment and vote. Thanks!

SCHOOL OF ALL UGLY #WATTYS2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon