Isabella Point Of View
Maaga akong nagising. Pagkalabas ko ng kwarto ay wala pang tao sa kusina. Siguradong natutulog pa sila. Bukas na yung pasukan namin. Actually, sembreak namin ito. Kaya wala kaming pasok ngayon.
Gusto ko talagang magluto. Masaya ako na malapit ko ng mahanap si Kil.
Sabi ni Jes, mabait naman daw si Dianne. Yung kapatid ni Kil. May pagkamataray daw pero cute naman daw siya. Tinanong ko nga sa kanila kung ano yung itsura niya, sabi niya nerd din daw siya tulad ng sa kanila.
Nagtataka nga ako kung matagal na ba silang magkakilala. Ang sabi lang nila, ngayon lang daw. Naniwala naman agad ako, baka kasi tanungin nila ako sa personal life ko. Sa totoo lang, ayaw na ayaw kong magsinungaling. Hindi naman siguro masama ang white lies diba?!
Magluluto sana ako kaso kulang yung mga ingredients. Kaya nag order nalang ako. Sa house kasi namin, sina yaya yung nagluluto. Kaya hindi ako sanay.
"Good Morning, wow mukhang masarap yan ah!"masayang sabi ni Jes sabay hikab.
Ilang araw palang kaming magkakilala ni Jas. Naging magaan na agad ang loob ko sakanya.
Bigla nalang lumabas ng kwarto si Philip kasama si Kiel.
"Akala ko hindi ka marunong magluto?"takang tanong ni Philip.
"Nag order lang ako."sabi ko. Mukhang na gets niya.
"Okay, kainan na!"sabi naman ni Kiel.
Sabay-sabay na kaming kumain.
"Bakit mo nga pala tinatanong yung tungkol kay dianne, kakilala mo ba siya?"biglang tanong ni Kiel.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya kung ano nalang ang lumabas sa bibig ko.
"K-kaibigan k-ko kasi siya d-dati."nauutal na sabi ko. 'Sorry lord sa pagsisinungaling ko.'
Gusto ko sanang sabihin sa kanila na ang kaibigan ko ang kapatid niya. Kaso parang wala naman silang alam tungkol don kaya hindi ko na tinanong. Baka kasi mahalata pa nila ako.
"Kaibigan? Wala naman siyang nababanggit na kaibigan sa 'min ah.?!"takang sabi ni Kiel.
"Baka ayaw lang talagang sabihin sayo ni Dianne, yihhh''sabi naman ni Jes.
Bigla akong nalito sa mga pinaguusapan nila."Bakit? Sobrang close mo ba si Dianne?" Tanong ko Kay Kiel.
"Sobrang-sobra, baka nga higit pa don eh,"singit naman ni Jes. Hindi ko narinig yung last na sinabi niya kasi pabulong. Ibig sabihin, may relasyon sila?
Kailangan ko talagang makipag close sa Kiel na ito upang malaman ko pa ang tungkol kay Dianne.
"Wala kana bang alam tungkol sakanya? May sinabi ba siya about sa family niya, relatives or siblings?"sunod na tanong ko sakanya. Bigla nalang kumunot ang noo niya. Nabigla yata siya sa mga tanong ko.
"Teka, bakit ang dami mong tanong?"inis na sabi ni Kiel.
"Importante lang talaga eh."sabi ko naman. Mukhang naniwala siya kaya nagsimula na siyang magkwento.
"Bagong lipat palang si Dianne ng doorm ay nabighani na ako sakanya. Una, naiinis ako sakanya dahil sa pagkamaarte niya. Parang hindi siya komportable sa mga kilos, suot niya. Kaya naghinala na ako. Sabi ko sa sarili ko na hindi siya totoong nerd, na nagdisguise lang siya. Isang araw, nagkaroon ako ng pagkakataong kausapin siya.. Tinanong ko sakanya kung totoo ba siyang nerd, ang sabi niya lang ay "Oo naman." Hindi ako naniwala sakanya. Pero sa huli ay napaniwala niya ako."
Kwento niya."Anong nangyari? Totoo ba siyang nerd?"tanong ko naman.
"Hindi pa kasi ako tapos,"sabi niya. At nagsimula na ulit siyang magkwento.
"Napaniwala niya ako. At ako naman, naniwala. Naging magkaibigan kami. Gumawa kami ng grupo na nangangalang perfectionist band. Nung battle of the band na ay siya nalang ang kulang.. Hinanap ko siya, kaso hindi ko siya makita. Huminto muna ako para magpahinga ng may narinig ako umiiyak sa stock room ng academy. Pumasok ako dun at nakita ko si Dianne na umiiyak."
"Tinanong ko kung bakit siya umiiyak, ang sabi lang niya ay kasalanan niya daw kung bakit namatay ang kuya niya." Sabi ni Kiel.
Bigla akong nanlumo. Gusto Kong umiyak. Para nabingi ako sa last word na sinabi ni Kiel. Kuya? Namatay?
"Tinanong ko kung ano ang-------" Hindi ko na piantapos ang sasabihin ni Kiel. Ayaw kong marinig kung ano man ang sasabihin niya. Para akong sinasaksak ng paulit ulit. Ewan ko ba pero ang nagawa ko nalang ay tumakbo.
Tumakbo..
Tumakbo..
Tumakbo..
Umiiyak ako habang tumatakbo.. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tumatakbo lang ako..
Kala ko ba papakasalan mo pa ako Kil? Kala ko ba magiging tayo din? Alam kong buhay ka.. Hindi kapa Patay.. Naniniwala akong buhay ka.. Buhay ka!
=======
A/N: salamat po sa pagbabasa.. Don't forget to comment and vote.. Thanks!

BINABASA MO ANG
SCHOOL OF ALL UGLY #WATTYS2016
Teen FictionThe School Of Ugly are school of all ugly where they want to learn independently they can learn nothing without insulting them with special, cubit teeth, flat,dark, stocky, nerd or else you look ugly. Kung ikaw ay mayaman ay makakapasok ka dito sa p...