-2-
Takbo ako ng takbo hanggang sa makalabas na ako ng main gate. Diyahe yan, akala ko tunay na babae yun pala artificial. Inis yan, makapunta na nga lang ng seven eleven bili lang din ng slurpee.
Pagpasok ko nga ng seven eleven, di magkamaliw ang mga tao sa kakatitig sakin, ganyan talaga pag nakakita ng pogi XD. Pumunta na nga ako doon sa slurpee section kaso naman at 'not available' pa yung slurpee. Ganon na ba ako ngayon kamalas huh?
"Not available? Effort kong pumunta dito tapos not available?" tinginan na naman ulit sakin yung mga tao.
Lumabas na nga lang ako ng seven eleven. Nakakainis talaga tong araw na to' ee I hate this day tapos may nagkikilbit pa sakin.
"Ano?"pero hindi ko nilingunan pero patuloy pa din sa pagkilbit sakin.
"Ano ba? Ang kulit mo huh?" paglingon ko isang babaeng lumpo pala.
"Makikidaan lang naman ee' hello? Nakaharang ka kaya sa pinto ng seven eleven?" now ko lang na realize na nasa harapan nga pala ako ng pinto ng seven eleven.
"Sorry." tinarayan lang ako nung lumpong yun. Nagsorry na nga, arte pa? Grabe naman.
Maganda sana ee' kaso ang arte din. Makaturn off lang :'-/
Sinimulan ko ng maglakad papunta ng bahay tutal malapit lang naman ang bahay namin dito sa school. Bago pa man ako magliko papunta ng bahay ee, bumili muna ako ng Nova nagugutom kasi ako. Pagkatapos kong bumili, nakita ko na naman yung lumpo kanina magisa nga ee. Hindi ko na lang pinasin at pumunta na ako ng bahay. Naabutan ko nga si Ate Vain na nanonood ng paborito niyang Kris TV, hindi nga ako pinansin dahil concentrate na concentrate siya doon sa pinapanood niya. Umakyat na nga lang ako ng kwarto ko at makapanood na lang ng pokemon hihi :)
Nagbihis muna ako, tapos kinuha ko yung netbook ko then, bumaba ulit dahil kumuha ako sa kusina ng chips then juice. Tapos eto na' ready to watch multiple episodes of my favorite pokemon.
Ikiclick ko na sana yung folder ng pokemon bwisit naman at.. at..
"O' Hindiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!"
Nawala yung laman nung folder ko. Anong bang nangyare sa earth at lahat na ata ng kamalasan ay nasalo ko na. Hindi naman ako ang nauna sa pila nung nagpasabog ang Diyos ng kamalasan..
"Wag mo akong iiwan... maawa ka sakin... hindi ko kayang mabuhay ng wala ka!! Please!!" bumukas bigla yung pinto.
"Anong nagyayare sayo? Anong nangyare?" nakita nga ako ni ateng umiiyak. Agad naman niya akong nilapitan at niyakap. "Bakit Nepth? Ano bang nangyare huh? MAgsalita ka!"
"Yung-- y-ung huhu yung pokemon episodes ko nawala!" bigla akong tinulak ni Ate.
"Naman Nepth ee, kala ko kung ano na nangyare sayo? Yun pala ee, dahil lang diyan sa sa-- uh' pokemon mo? My God Nepth, grow up!" binalabag niya yung pinto pagkalabas niya.
Hindi lang naman simpleng pokemon to ee? Wala kayong alam! Wala Wala! Wala! Hihi, Carlo Aquino lang ang peg? Well, back to normal, nagdownload na lang ulit ako tutal open naman yung wifi ng kapitbahay namin ee. Kaya nga ang moto in life ko ee: "Mabait ang kapitbahay kapang ang wifi ay walang password."
BINABASA MO ANG
Habulin Mo Ako Babaeng Lumpo
Teen FictionThis story is dedicated to one of my classmate way back my College Years - Dominepth Penaflor. The title was given by Dominepth and was written by yours truly - @simply_akooo. I am not forcing you to like it or to love it. But please take time to...