-HMABL- 7

87 6 0
                                    

-7-

-- Meoww! 

-- Meoww!

Urgh! Anong ingay yan?

--Meow!

--Meow!

Pagdilat ko ng mata ko--- ANAK NG TINAPA NGA NAMAN! Ba't may pusa dito sa higaan ko? Kailan pa nagkaroon ng garfield sa loob ng bahay namin?

--Meow!

--Meow!

"Che! Wala akong pagkain kaya shu-shu! Layas nga!" pagtataboy ko. Pero anef talaga at pati pusa marunong mag puffy eyes. Bwisit! 

"Attttteeeeeeeeeee!!!"pagsisigaw ko.

"Ano?" tinuro turo ko yung pusang kulay orange na pawang ngang si Garfield. "Cute naman neto, sayo? Sinong nagregalo? Teka, may note sa collar niya o'?"

"Hindi akin yan no? Tss, kailan naman ako nagkainteres sa mga hayop? Ano bag nakalagay huh?"

"Ang sabi dito: Dear Nep, alagaan mo siyang mabuti.. Iyo yan kahit magpaDNA ka pa .. ikaw ang ama niyan.."

Ano? Ama ng pusang to? Loko ah'.

"Kaya pls, alagaan mo siyang mabuti. Ikaw na bahala sa kanya, wag mo siyang ipamimigay. Tandaan mo anak mo siya sakin. Yours truly Wen :P"

Anak ng--- Bwisit yang Wen Nuyles na yan? Gagamitin niya pa talaga ang female name niya sa pagtitrip sakin?

"Wen? Wendy ba ang true name niya? Nakabuntis ka pala ng pusa nep ee. Hala! Panagutan mo yan."

"'Thup! Si Wen ate, yung kaklase ko nung HS? Yung may malaking nunal sa mukha? Lalake yun di yan babae, Pahamak talaga kahit kailan!"

"Whatever with a capital W. Basta sayo yang pusa alagaan mo huh?" lumabas na nga si Ate. Ano namang gagawin ko dito sa pusang to? Bwisit ka talaga Wen Nuyles! Pwede niyo po bang ihunt yang Wen Nuyles na yan para sakin? Paki-PM po sa fb! Bwisit!

"Nepth! Kain na!" dali dali naman akong bumaba kaso naman talaga yung pusang to' sunod ng sunod sakin.

"Hoy! Potatoo! Diyan ka lang ok? hindi ka kasama sa kainan namin. Maya ka na! Yung tira tira sayo." isinara ko na lang yung pinto para hindi na makalabas yung pusang yun.

"Wow! Fried chicken!" kukuha na sana ako kaso, biglang hinawakan ni Tita yung kamay ko. "Bakit?"

"Anong bakit? Maghugas ka nga muna! Humawak ka di ba sa pusa mo?" tapos tumawa taw si Ate. Naghugas na lang ako ng kamay ko, with safeguard pang sabon yun huh?

"So, pwede na ba akong kumain?" kumuha naman ako ng kanin at yung pinakamalaking fried chicken yung kinuha ko. Grabe kain lang ako ng kain. Actually naka-limang plato nga ako ee. 

"Bluuurrpp!"

"Yuck Nep! Ikaw maghuhugas huh? Bilisan mo na diyan at eto pala, dala nung lalake kanina, pagkain daw ng alaga mo."

Cat food? 

Aba! Sosyal naman ng pusang yan? 

Dugi na lang ibahog ko duman! = Tinik ng isda na lang ang ipapakin ko dun.

Natapos naman din akong maghugas, konti lang naman ee, tapos toothbrush man ngaya tapos hilamos. At eto na! Pagbukas ko ng pinto ko, Asan na kaya yung potatooo na yun? 

"Ming! Ming ming ming ming! Potatoo, eto na pagkain mo o' sosyal pa to, catfood to." Asan na yun? Kukunin ko sana yung unan ko. Takte naman talaga at---

HIGAAN BA NAMAN NG PUSANG POTATOO NA TO YUNG UNAN KO?

"HOY! Alis nga!" umalis naman yung potatooo. "Kadiri ka! Eto pagkain mo! Kumain ka na at, diyan ka sa basahan mahiga! wala akog paki kung nilalamig ka! Problema mo na yun kaya wag mo akong distorbuhin!." bwisit tong pusang to? Inalis ko na lang yung punda nung unan ko. Aasthmahin ako neto ee. Pweste ka Wen Nuyles.

Habulin Mo Ako Babaeng Lumpo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon