HMABL 12

32 4 0
                                    

Mary's POV

Anak ng tinapa nga naman talaga at tawagin ba naman ako ng Dominepth Penaflor na yun na Babaeng Lumpo. Hindi naman literally na lumpo ako ee, may saklay lang ako dahil may bali yung kanang binti ko. At ngayon, nagpaparecover pa ako. Hindi ako lumpo ok??

Pagdating ko nga ng bahay, inilapag ko kaagad yung cellphone ni Nepth sa mesa. Paano ko yan maaayos, ee wala nga akong alam sa pagkumpuni ng cellphone ee. Tssss..

"O, ba't nakamusamot mukha mo jan huh? Kapatid."- pagtatanong sakin ni Kuya sabay upo sa katabi ko.

"Ee, kuya kasi hindi naman ako marunong mag-ayos ng cellphone ee."

"Sira yung cellphone mo? Ba't hindi ka nagsasabe? Akin na at ipapaayos ko.."

"Ah eee.. " Lagot. Sasabihin ko ba kay kuya na hindi ko cellphone yung nasira? Kundi dahil doon sa pesteng Dominepth??

"O? Eto pala ee." sabay kuha nung cellphone ni Nep sa lamesa. Pipigilan ko sana si Kuya kaso ayun tuloy tuloy ng lumabas ng bahay..

Bahala na. Hindi naman ata mahahalata ni Kuya na iba yung cellphone. Pumunta na nga ako ng kwarto at nakipaglaro kay Patotiee.. Yung bigay sakin ni Wen *Sweet! Ang bait talaga nun ni Wen. Makapag-facebook na nga lang.

Nakaopen na pala yung account ko. Owship! Nagmessage pala sakin si Wen.

Wen: Hi Mary, kamusta si Patotiee? Di naman ba pasaway?

Reply naman agad ako.

Me: Naku ang cute niya nga. Tsaka hindi naman pasaway. :))

Mininimize ko na yung chatbox. Sakto nakita ko sa news feeds ko yung kandamakmak na *Wen Nuyles comment on this photo. Yung photo ni Nep. Di ko pa pala friend tong mokong na to. Teka lang Mary, bakit ikaw ang magaadd sakanya. Wag siyang feeler. Masyado siya ah? Hmft..

"Mary!!" naku si Kuya yun.

"Bakit po?" nanginginig na tuhod. nanlalamig na mga kamay. anong gagawin ko? Mukhang galit si Kuya, at mukhang alam na niya..

"Pakiexplain nga kung kaninong phone ito?"

"uh- Kuya -- ganto kasi .. Uhmmm.."

"SAGOT! AYUSIN MO ANG PAGSASALITA MO!"

"Kuya, kay Dominepth po yan. Nasira ko po kaya nasa akin yang cellphone. Pero, promise hindi ko talaga yan sinira."

"Si Dominepth? Dominepth Penaflor. Bakit boyfriend mo ba yun?"

"Kuya? Hindi no' kaibigan ko lang siya ok? Tsaka kuya, sorry na naman o'."

ok 5 seconds bago magresponse.

Hinga ng malalim Mary. *Fingers crossed

"Sa susunod, sabihin mo agad saakin ok? Hindi yung ganto na nganga ako dahil pag open nung cellphone ee, picture ng dominepth na yun."

"Sorry naman kuya, bigla bigla ka kasing umalis kanina." sabay hug ko kay kuya.

"Hayyy, tigilan mo ako sa paglalambing mo. Akyat muna ako."

Si kuya  talaga o' sakto biglang tumunog yung phone ni Nep. May nagtext kasi. Hmft. bahala siya neto. 1 month ko itong hindi isasauli sakanya.

Umakyat na nga ako ng kwarto ko, haixt! ang boring! wala akong magawa. Hmmm. Ano kaya kung halungkatin ko ang cellphone ni Nep, tutal hindi namn niya mahahalata na pinakialaman ko phone niya hihihihi XD

Mabuti na lang wala tong password, syempre una kong iniscan yung sa gallery. Panigurado ako na marami raming selfie na mokong na yun dito hahahaha :-D

I knew it crazy potato hahahaha :-) Daig pa ako kung makapagselfie. Nasa 250 photos na puro siya lang. Aba! Matindi din tong mokong na to' ah?

Ata andaming kanta.. infairness naman at magaganda ang mga kanta niya, maisend ko nga.

Sa sobrang dami , nabobored na akong isa isahin pa hayyy. Isend all ko na lang ito. *Whistle Someone texted him. Ok, bright idea.. Makahalungkat nga ng mga messages niya dito hihihi XD

Puro si Wen ah? Don't tell me may something sila? Kaya pala galit na galit sakin si Nepth dahil.akala niya inaagaw ko sa kanya si Wen.

*Erase.. erase .. erase..

Mary? That's double barrel thinking. Hindi ka dapat nag-aasume agad hanggat hindi mo alam ang katotohanan.

Pero what if nga totoo?

Sayang naman ng pogi ni Nep. :-(

Pogi? Mary? Ano na yan? Gumising ka na sa bad dream mo okay? at dapat di mo na to pinakialaman kasi hindi naman to' sayo ee. Isauli ko na kaya? Kawawa naman yung tao, baka may mga importanteng messages na yun. Hindi man lang informed.

"Saan ka naman pupunta huh Mary?"- Kuya

"Uh' may iaabot lang ako, jan lang kila -- ano, Kris! Madali lang naman ako kuya ee. Okay lang ba?"

At nagisip pa talaga siya ng ilang minuto? Thup. Tae, Ano? 

"Sige, basta ba bilisan mo lang.." agad naman akong lumabas at papunta nga kila Dominepth para isauli yung "nasira" ko daw na phone niya. Tss..

Pagdating ko nga sa may kanila, sakto palabas na yung Tita niya.

"Uh, Hello po, andyan po ba si Dominepth?"

"Wala iha ee, nasa hospital, binabantayan yung mommy niya. Bakit?"

Binabantayan yung mommy niya? Hindi ko akalaing mabuting anak din pala tong si Dominepth. <3

"Uh, papunta po ba kayong hospital? Pwede ho akong sumama?"

"Uh' sige."

Patay ..

Patay talaga ako neto kay kuya, okay lang. Magiisip na lang ako ng napakagandang alibi para makaligtas sakanya. Whooot! Ee madali lang naman ako ee, iaabot ko lang tong cellphone niya tapos makikiintriga din ng konti tapos uwi na.. Yun!

Habulin Mo Ako Babaeng Lumpo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon