HMABL-5-

111 5 0
                                    

-5-

"Ate! Bilisan mo na diyan! Kailangan ko ulit maligo bilis!" pagsisigaw ko sa labas ng C.R. Ayokong mastuck ng ilang minutes sa katawan ko yung pupo, baka kumalat.. kadiri!

"O'! Kung maka sigaw ka naman?"dali dali na akong pumasok sa C.R. hindi ko na nga pinansin si Ate ee, hilod ako ng hilod, grabe, kadiri talaga.. hindi to lahat mangyayare kung wala yung babaeng yun. Malas talaga yung babaeng yun sa buhay ko. 

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na din ako at kinuha yung netbook ko para tingnan yung progress ng mga pinagdodownload ko. Medyo, matagal tagal pa to para matapos, makapanood na nga lang muna ng horror movie

Ipipiplay ko na sana yung Insidious 1, kaso, naiisip ko na baka, hindi ako makatulog neto, kaya ipinlay ko  na lang yung Warm bodies..Maganda daw to ee, kaso love story..

<snoring..> ..<snoring..> ..<snoring..> ..<snoring..> ..<snoring..>

"Ui, Nepth! Gumising ka na diyan!"

Urgh! Ano ba yan! Ang sarap na ng tulog ko ee. Dahan dahan kong idinilat yung mga mata ko, kaharap ko palan yung netbook ko. Tapos nakita ko si Ate na nakapameywang.

"Tapos na pala yung movie?"

"Ai, malamang, tinulugan mo ee? Bumili ka sa tindahan ng magic sarap, bilisan mo huh? Malapit ng maluto yung niluluto ni tita." lumabas naman si Ate, ako na naman ang inutusan.. Ba't hindi na lang siya?

Sinuot ko na yung tsinelas ko at bumaba na. Humingi ng pambili at lumabas na ng bahay.. 

"Ate, pabili po ng magic sarap 2 po." "Eto ho, bayad." pabalik na sana ako,kaso nakita ko na naman yung Mary na friend ni Lek. Tsh..

"Hi Nepth."

"Mukha mo." sabi ko.

"Grabe, ang sungit?" blah-blah-blah-blah-blah.. Sungit daw? Kung alam mo lang kung gano kaswerte na ng araw ko, kaso bumara ka pa ee. Urgh!

"Paki mo? huh? I don't talk to imprudent persons ok? So please shu shu!" Kalain niyo nakaenglish ako? Hihi XD.

Palakad na nga ako pabalik kaso naman talaga at may biglang tumawag sakin..

"Nepth?" slow motion naman akong lumingon at... ... ..

Anong ginagawa ng mokong na to dito?

Pano niya nalaman address ko?

Don't tell me may gusto siya sakin?

Bading siya? 

Ow no? U___U

"W-wen?"

"Yes? Whazzup bro? Whacha doing?" 

"Ok lang ako. Anong ginagawa mo dito?"

"Well, may ibibigay sana ako sayo ee.." Ibibigay? Ano naman kaya? "Kaso, nakalimutan ko." Ai tanga! 

"Buang ka! " sabay batok ko. "Nagsayang ka lang ng effort no? Ok lang ikaw naman ee." 

"Hindi naman ako nagsayang nageffort ee, uh' nepth, favor naman oh' please?" 

"Ano?"

"Pakilala mo naman ako dun sa kausap mo kanina please? Hindi naman pupwedeng ikaw lang ang nabibigyan ng biyaya di ba? Minsan share share din huh?" Ah' kaya pala..

"Hindi naman pala ako ang ipinunta mo dito ee, yung lumpong yun? Tss, sige na sayo na. Sobrang compatible talaga kayo sa isa't isa. Honesto promise!"

Akalain mo? Tong Wen na to? Magkakagusto sa babaeng lumpong Mary na yun? Aixt.. buhay nga naman o' kung alam lang na walangjong Wen na to kung gano kasama ng ugali ng babaeng yan.

Umuwi naman agad si Wen, kaya agad kong tinext si Lek-- ee' siya naman ang original na nakakakilala kay Mary ee. Kaya dapat siya unang maka-alam neto.

-->Me: Lek, si Wen may crush dun kay Mary

-->Lek: Si Wen talaga. 

-->Me: Ilakad ko daw siya kay Mary, ika na Lek-- please?

-->Lek: Aw inda, ika na... kaya mo na yan! Goodluck!

Anong hussel at? Tong walangjong Boolek na to? Wala nga akong pakialam doon sa babaeng yun ee.

Dinner time na. 

Mabuti naman at masarap ang ulam kaya naka-5 plato ako ng kanin. Kaso, ako daw ang maghuhugas ngayon. Nag-alibi naman ako na mayeedit pa ako ng video para kuno sa project namin. Pero hindi naman talaga totoo ee, kaya shhh.. Siklet lang huh?

Pagpasok ko nga ng kwarto ko, kinuha ko kaagad yung netbook ko at inopen yung video editor, edi ba nga kunwari'y may iiedit akong video?

I'm on my middle of concentration doon sa 4pics ng biglang sumilip si Ate sa kwarto, kaya agad ko namang kinlick yung video editor..

"Shocks! Ang hirap mag-adjust ng audio nila huh? Hindi nagtutugma" kuwari'y  sabi sabi ko..

"Uy Nepth, may cake pa doon sa ref, incase na magutom ka. Baka kasi gabihin ka nanamang matulog."

"Uh' thanks Ate, mukha nga ee, ang hirap talaga." lumabas na nga si Ate at nilock yung pinto. Whooh! Pangbest actor na ba ang drama ko? Pwede na ba haha :D 

Habulin Mo Ako Babaeng Lumpo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon