-3-
3: 07 a.m.
Nagising ako, hindi pa nga pala ako kumakain ng panggabi. Eto na nga ako,kumukuha ng makakain sa ref. Nakita ko namang may adobo doon, itinabi ata ni Ate, kuha naman agad ako ng kanin, plato, kutsara't tinidor.
Nang matapos na akong kumain, medyo, pumipikit na din ang mata ko. Kaso, biglang napamulat dahil nahulog bigla yung libro doon sa may bandang kaliwa ko. Syempre napatayo naman agad ako sabay tingin ulit sa orasan.
"03: 07? Ow no?" pumasok agad sa isip ko yung ^Conjuring!^ nagsisitakbo ako papunta sa kwarto ko. Nagpailaw pa nga ako, tapos nilock ko yung pinto at nagcover ng kumot. Maya maya pa, may narinig akong yapak ng mga paa.
Grabe na ang takot ko, kaya kinuha ko yung gunting dun sa drawer..
"Tok-tok-tok!"
Nanginginig na ako sa takot lalo pa't pinagtutubtub yung pintuan ko.
Maya maya pa, bumukas yung pinto.
"AHHHHHHHHHH!!!" hawak hawak ko na yung gunting at animo'y sasaksakin ko na yung pesteng nilalang doon sa pinto.
"Hoy! Nepth! Papatayin mo ako? huh? Papatayin mo ako?" nagulat naman ako sa nakita ko. Si Tita pala. Woooohh. Nakahinga ako dun ng malalim.
"Nanggugulat kayo ee. Aatakihin ako sa puso neto." sabay hawak ko sa chest ko.
"Atakihin? Wala ka ngang sakit sa puso tapos aatakihin ka? Yan. sige, manood ka pa ng mga horror movies. Nepth, yung kinainan mo, iligpit mo yun." lumabas naman na si tita ng pinto. Binalik ko naman agad yung gunting sa drawer ko.
What a conjuring experience?
Bumaba naman ako, lahat nga nakabukas yung ilaw ee. Niligpit ko na yung kinainan ko tapos, akyat ulit sa kwarto.
Hindi tuloy ako makatulog dahil sa nangyare. Ano na lang ang gagawin ko? Magiinternet na naman at mag hahastag ng : #Nakaconjuringako.
Naglaro na lang ako ng candy crush, tutal madami pa naman akong lives. Nandoon na ako sa middle of concentration na tinatawag ng dahan dahang bumukas yung pintuan. Syempre, napaslow mo din akong tumingin dun.
Inaabangan ko kung sino na naman ang tao behind that stupid door.
Bigla namang huminto yung pagbukas ng pinto. Kaya, naalarma talaga ako. Agad agad kinuha ko ulit yung gunting at nagpwesto malapit sa door.
Bigla naman akong nakakita ng puting tela malapit sa may pintuan. Nanginginig na talaga ako sa sobrang kaba.
"Peste kang conjuring ka! Hindi ako sayo natatakot!!"pagsisigaw ko.
Bumukas ulit yung pinto ng malawak. Tapos nakita ko na naman yung white na tela. Nabitawan ko tuloy yung gunting sa sobrang kaba.
"Hail Mary.. full of grace t-the Lord is with you.. Blessed-- AHHHH!!"
"Hoy? Ang ingay mo! Ok ka lang? Nakalimutan ko palang sabihin na 7:00 daw ang pasok niyo sabi ni Lek. Kaya, magasikaso ka na." na naman?

BINABASA MO ANG
Habulin Mo Ako Babaeng Lumpo
Teen FictionThis story is dedicated to one of my classmate way back my College Years - Dominepth Penaflor. The title was given by Dominepth and was written by yours truly - @simply_akooo. I am not forcing you to like it or to love it. But please take time to...