-HMABL- 8

94 5 0
                                    

-8-

Salamat naman at after an epic hours, naiserve na yung inorder namin. #KainanNa 

"Ano man to' Wen? Ang panget ko dito, di mo man  lang ako pinapaputi.."-Lek. Natawa ako bigla sa sinabi ni Lek "Pinapaputi puti"

"Ngenge Lek Boolek, wala ng ieedit yan, accept the fact na maitim ka talaga! Ok?"- Wen.

Kain lang ako ng kain, ito naman talaga ang ipinunta ko dito ee, kaso, nahalata ko atang awkward na si Mary samin. Ano naman sayo Nep? Di ba ayaw mo nga sakanya di ba? Ba't parang naawa ka sakanya ngayon?

"Ui, Mary, kain ka lang. Wag kang mahiya samin.. Tingnan mo si Nep walang hiya hahaha :D" tawanan na naman lahat. Kahit kailan KSP talaga. Hindi ko na lang inintindi si Wen, pagbigyan na lang ang KSP. 

"Thank You Mon, sa libre, the best ka talaga! Ikaw na ang malupit!"-Wen.

"Ah' Lek, Wen, Nep, mauna na ako huh? Hinahanap na kasi ako ni Mommy. Thank you ulit sa paginvite, I really enjoy you guys." Aalis na agad siya? Mabuti yan para hindi na siya maawkward pa.

"Ah' Ganon ba Mary? Sige, teka, Nep, sabay na kayo ni Mary tutal magkalapit bahay lang naman kayo di ba?"

WHUATT??

"Naku, wag na Mon, mukhang ayaw pa umuwi ni Nep. Mauna na talaga ako."

"Wait. Kung ayaw ni Nep, ako na lang ang maghahatid sayo" -Wen. 

Turn on: Diskarteng Wen --Gentleman

"Sure ka? Baka maabala lang kita."

"Naku, basta pagdating sayo walang salitang busy."

Yun o' Banat ni Wen. Tsk tsk..

"Hahaha :D Palabiro ka talaga. O, sige, tara sabay na tayo."

"Bye guys." umalis na nga yung dalawa. Yung dalawa naman tinginan sakin.

"Bakit?"

'Ang sama mo talaga nep, bakit hindi mo na lang sinamahan si Mary huh?"-Lek

"Oo nga, kahit kailan talaga hindi ka Gentleman! Palabas ko sayo lahat ng pinakain ko ee' . -Mon.

Teka? Ako itong barkada nila tapos mas kakampihan pa talaga nila yung babaeng yun? 

(y)

"Wow! Ba't parang ako pa ata ngayon ang masama? Guys, kung alam niyo lang talaga ang lahat! Naku,"

"Ang mabuti pang gawin mo ee, sundan mo na yung dalawa para may nagawa ka namang mabuti. Sige uwi na kami."

Yung dalawang yun? Iniwan ako? Ayoko ngang sundan sila. Baka sabihin pa ng feeling na Wen na susunod din naman pala ako, ee aarte pa? Ayoko kaya ng ganun. Tsk.

Mabuti na lang at may jeep agad kaya nakasakay ako, medyo puno na nga kaya doon ako sa malapit sa babaan nakaupo. 

Now Playing: Ikaw Na Na Na by: G2B Band

Teka lang (4x)

Meron akong nakita

Pare Ko (4x)

Oh kay gandang dalaga

Sandali, sandali lang, sandali

At aking lalapitan

Kay bilis kaagad umalis

At bigla akong naiwanan

Pre Chorus I

Tuwing umaga'y nakikita

Pagpasok sa eskwela

Lahat sa kanya'y napapalinga oh

Bago pa'ko maunahan

Akin nang lalapitan

Miss miss ano nga bang pangalan?

Oh

Chorus:

Ikaw na na na na

Pwede bang magpakilala

Larawan mong magara

Hindi na mabura

Sa sa sa isip ko, na na na

Pwede bang magpakilala

Gandang aking nakita

Sadyang nakaka-halina na na na

Na na na na na na na

"Alamo yang kantang yan? Paborito ko Sobra!"

Bastardong? Agaw eksena sa imaginations ko. di ba pwedeng hinaan niya boses niya? At kailangan pang iloudspeak? Tsk. tsk. tsk.

"Eto na (4x)

Muli ko s'yang nakita

Pano na (4x)

Kailangang magpabida

Biglang nagkabanggan

Siya'y aking nahawakan

Kay gandang talaga

Lalo sa malapitan"

Wala man lang hiya? Sinabayan pa talaga yung tugtog? As if naman ang ganda ganda ng boses niya? Ee, sintonado naman? 

"Para!" 

halos maubos yung tao sa jeep huh? nagsibabaan na kasi, naingayan din ata sa lalakeng kung maka-kanta kala mo may concert sa jeep? Kapal muks talaga.

Nakatulog na lang ako dahil sa tagal ng biyahe, mabuti na lang at hindi ako nakalagpas.

"Para!" napasabay pa kami ng kung sino mang lalake yun. Baba naman agad ako at, pagkakita ko, sa binabaan kong jeep nakasakay din sila Wen at Mary.. 

O_o Whuaatt?

Ibig sabihin nasa iisang jeep lang kaming tatlo?

At teteka? Hindi kaya etong si Wen yung feeling singer kanina sa jeep? Huh' gago talaga. Gagawin lahat para lang magpasikat kay Mary. Tsk tsk. Kawawang Wen.

"Uh' di ba si Nep yun?" narinig kong sabi ni MAry kaya dali dali akong naglakad papasok ..

"Oo ng! Ui Nep!" tawag ni Wen. Patuloy pa din ako sa paglakad. Ayoko ngang makita sila.

"Hayaan mo na, baka pagod na din naman siya. By the way, thank you sa paghatid sakin. Sige, una na din ako.. Ingat ka!" 

"No problem. Sige, bye! Ingat ka din at wag mo na lang pansinin yan si Nepthuna! Meron ata  kaya bad mood hahaha :D"

PEsteng Wen? Humanda ka sakin.. Tatadtadin kita sa facebook makita mo.

Pagpasok ko nga ng bahay, nanonood na ng news sila Tita. Akyat naman agad ako sa kwuarto ko, nakita ko agad si potatooo..

"O' kamusta araw mo?" kausapin ba naman ang pusa? As if namang magsasalita siya di ba? Magugulat talaga ako kung magreresponse siya sakin. 

"meow, Meow." 

"Siguro nga ok ka. Bakit ba ako nakikipagusap sayo? Hindi dapat ako nakikipagusap sa alam kong hindi naman ako sasagutin sa lahat ng tanong ko."

"Every question has an answer."

Teka? Sang galing yun? Hindi naman siguro nagsalita ang pusa di ba? Imposible! 

"May tao ba diyan huh? Magsalita ka! Wag kang mananakot dahil matagal na akong takot!"

Agad ko namang niyakap si potatoo.. May bigla ba naman kasing nagsalita? Sino ba naman ang hindi matatakot nun.

"Wag kang matakot ako lang yun." Parang ang lakas ng boses ah'? Dahan dahan akong tumingin kay potatoo..

"Hi." 

AHHHHHHHHHHHHHH!!!

Natapon ko bigla si potatoo ng hindi sinasadya at nagsisitalon sa kama ko.

"I-i-ikaw?? May sa demonyo pala tong pusang to ee, katulad din ng amo niya.. Lumayo ka sakin baka mapatay kita!! Ahhhhhhh!!!"

"Wag ka ngang matakot! OA mo bro'!"

Ako pa ngayon ang OA? Wow! PEsteng pusa to' pano naman kaya nagsasalita ang pusa..

"Imposible! imaginations ko lang to' nahahalucinate lang ako dahil sa kakapanood ng Pokemon. Si Meow ba to??

Habulin Mo Ako Babaeng Lumpo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon