Bababababa... bananana.. potattooooo naaanaannaa.. Bananaana hahaha..
Anong ingay yan? Bwisit ! Nakapikit pa ako habang pinagkakapa kapa ko kung nasan yung cellphone ko. Malamang yun ang tumutunog, nag-aalarm na naman kasi..
Huli ka!
Nahuli ko din sa wakas, pagtingin ko..
Alarm!
Wake-up!
07:00 a.m.
Ang aga huh? 07:00 pa lang pala---?
07:00 na?! Owship! Late na ako, agad agad kinuha ko yung towel ko tapos bumaba at pumasok agad sa banyo para maligo. Hindi na nga ako naghilod sa sobrang pagmamadali ko. Hamakin niyo naman kasi magbibiyahe pa ako, ilang minuto pa yun.
"Nepth, hindi ka mag-aalmusal?"pagtatanong ni Tita.
"Hindi na po, sa school na lang. Late na kasi ako ee." palabas na sana ako ng pinto ng biglang tinawag ulit ako ni Tita. Binigyan ako ng 200.00.
Naks! Nakakotong ako haha:) Dali dali naman na akong sumakay dahilsuper late na ako.
Pagbaba ko nga sa may IPESR, nagsisitakbo na ako para makaabot lang on time. Pagdating ko nga, nakita ko yung mga classmates kong nagsihelera na. PE pa naman to' inilapag ko na lang yung bag ko doon sa kiosk at nagpwesto na sa line.
Warm up
Warm up then, takbo sa oval. Hindi ako nagtatakbo dito para tumakbo ulit.
Ano ako shunga?
Nagshortcut ako ng hindi nalalaman nung prof. namin. Buti nga, blepph :p
Kakapagod ang warm up, nagpaexcuse muna ako kay sir, gutom na ako ee, sumama naman sakin si Lek.
"Lek, alamo hindi pa ako nag-aalmusal, pwede burger?' with puffy eyes pa ako nun.
"Sige." napatalon naman ako sa sobrang tuwa. Yes! Libre na naman ako. hihi M_M
"Thanks Lek." pabalik na sana kami kaso lumapit naman si Lek dun sa babaeng nakaupo dun sa canteen.
"Lek?" teka ? Yun yung lumpo huh? Friend ni Lek? Tss.
"Hi Mary. haha :) Uh' si Nepth pala." nagulat naman ako nung ipakilala ako ni Lek.
"Hi." sabi ko. Tapos nagsmile back naman siya sakin. Pagkatapos ng kamustahan, balik na kami dun sa oval. Mary pala name niya? Tsk. Hindi halata.
Pagkatapos ng soccer namin, diretso kami ng computer laboratory.. nagugutom na naman ako, sumama nga ako kila April ee, shh quiet lang kayo, magpapalibre ulit ako XD.
"Sige na April, libre mo na ako?"
"Ako man babe, please.." sabay sabay naman tong si Pamela. Ako lang ang napapalibre , may kahati pa ako ee.
"Ai wow? May pinatago kayo sakin na pera huh? Ang saklap huh? Wala na akong datung! Pamasahe na lang to? tapos magpapalibre pa kayo?"
Blah-blah-blah-...
Nagalaw ko na lang yung 200.00 ko, kaysa namang tumunog yung tiyan ko.. Hindi kaya ng mga bulate sa tuyan ko ang magutom..
Pagdating namin sa lab, hindi pa naman nagiistart ee kaya ok lang na kumain kain sa loob ng computer lab.
Isang pirasong piatos na lang...
"Mr. Dominepth? Bakit kumakain ka dito sa loob? Ubusin mo yan sa labas." isang piraso na lang palalabasin pa ako? Lumabas naman ako para itapon yung balot.
Pagkalabas ko nga, nakita ko na naman yung babaeng lumpo.. Laugh out Loud dun sa kasama niya.. Tshh.
Natapos na din yung computer lab namin, kasabay ko sila Rolan palabas na ng BU. Pero, nanlibre muna si Marian yung classmate ko, birthday kasi ee--punta kami ng McDo ayos! PAgkain na naman, busog sarap na naman ako neto hihi ^__^
"Salamat Marian! Sana laging ganto hahaha:)"sabi ko habang kinakain ko yung fires. Maya maya pa nagorder pa si Marian ng chicken burger at sundae..
MAbuti na lang at sumama ako.
"Blurrppphh!"
"Yuck Nepth, di man lang mag-excuse me?"- Pamela.
"Ee, sa busog ako ee, thank you talaga Marian, sana bukas ulit."tapos binatukan ako ni April pero hindi naman masakit ee.
Pauwi na nga ako ngayon ,nang bigla akong masubsob sa daan, hussel naman yan ee. Mabuti na lang at walang nakakita sakin.. Kaya, agad akong tumayo pero maya maya pa ee may humalakhak-- boses babae.. Lingon lingon naman ako tapos nakita ko yung Mary na yun.. yung babaeng lumpo.. Ang kapal ng mukha niya para pagtawanan ako? >____<
"Hoy! Anong nakakatawa huh?"
"Yung hitsura mo, nakakatuwa." agad ko namang hinawakan yung mukha ko.
"Ang sama ng ugali mo! Akala mo naman kung sino kang kagandahan?"
"Heez, mabuti na lang kamo ee, hindi nasugatan yung daan, kawawa naman kung matutusok siya ng matulis mong baba." Ang diyahe at? T___T Mahaba daw baba ko?
Mapepektusan ko na to ee, pigilan niyo ako..
"Hoy! Pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa babae. Diyan ka na nga! Panira ka ng araw ee." paliko na sana ako ng madulas ulit ako at masubsob yung mukha ko dun sa pupo ng aso.. <excuse me po.> Yuck!
Kaya takbo ako ng takbo papunta ng bahay para maligo. Bwisit talaga yung babaeng yun kahit kailan!
Y____Y
BINABASA MO ANG
Habulin Mo Ako Babaeng Lumpo
Teen FictionThis story is dedicated to one of my classmate way back my College Years - Dominepth Penaflor. The title was given by Dominepth and was written by yours truly - @simply_akooo. I am not forcing you to like it or to love it. But please take time to...