Chapter 3

5 0 0
                                    

CELINE'S POV

Binilisan ko mag-ayos ng mga gamit ko na dadalhin sa bahay nila Czarina. Parang may outing lang. Haha.

Ayoko na kasi bumalik pa kung may nakalimutan ako. Nakakatamad yun.

Ilang kanto din yung layo ng bahay namin sa bahay nila.

Iisang village lang kasi kami nakatira. Kaya nga laging nasa bahay nga namin yan si Czarina.

At dahil nga tamad ako, magkokotse nalang ako. Para pag ginabi nadin ako diba?

"Kuya Jezz, aalis muna ko ha? Punta lang ako kila Czarina." paalam ko sa pinsan ko.

"Okay. Wag papagabi bunso ah. Delikado."

"Yes kuya. Dala ko naman si Patchi eh."

(Si Patchi, kotse ko yon.)

"Eh dyan lang naman yon ah? Tamad mo talaga. Sige na, ingat ka."

"Eh kuya malayo. Haha. Sige bye! Pasabi nalang kay Mom and Dad."

"Okay."

Tapos umalis na agad ako.

Mahirap na, konti nalang yung oras.

For sure, chikahan muna ang gagawin namin ni Bessie bago magreview. Hay.

"Uy teka..

Yung guy yun!

Siya yun! Yung may atraso kay Bessie. Dito din pala siya nakatira."

sabi ko sa sarili ko.

Hindi pwedeng makalimutan ko siya. Sobrang sungit nya. Ughh.

Kala mo naman pogi. Tss.

Pero sige, cute siya.

Slight.

Slight lang. Di ko siya type. Ayoko sa masungit.

Ilang sandali pa, dumating na ko sa bahay nila Bessie.

*beep beep

*beep beep

*beep beep

Czarina's POV

*knock knock

"Pasok po Nay."

"Princess, kanina pa nandyan si Celine may review daw kayo sabi niya. Dali na mag-ayos ka na at maghahanda ako ng makakain nyo."

"Ang aga naman niya. Psh. Sige po nay. Paakyatin nyo nalang po siya dito. Salamat po."

"Sige. Mag-ayos ka na ha."

.

.

.

.

.

"Celine iha, akyat ka na daw  don sa kwarto. Ayun! Gisingin mo at tinatamad pa ata tumayo. Maghahanda lang ako ng kakainin nyo."

"Nako si Bessie talaga. Sige po nay! Salamat po."

Narinig kong usapan nila Nanay galing sa baba. Bahala sila.

zZzZ

ZzzZZ

ZZzZ

zZzz

"HAY JUSKO PO ANTONETTE KAYLEE CZARINA! ANG TIGAS NG ULO MO. SABI KO TUMAYO KA NA EH. HALA SIGE BANGON NA!"

Teka?! Sino ba yun? Ba't may megaphone dito sa kwarto ko?

"Nay! Paki-tanggal nga po yung megaphone dito. Ang ingay!"

Bigla nalang niya ko binato ng unan.

"Aray! Bakit ba?! --- Oh ba't ang aga mo?"

"Sinong megaphone ha?! Hello, kanina pa kita tinawagan. Anong maaga?!"

"Wag kang sumigaw pwede? Magkalapit lang tayo oh. Walang nakaharang na bundok."

"Ikaw kasi eh. Gising na dyan at tuturuan mo pa ko. Magrereview pa tayo Bessie."

"Dalawang araw pa bago yung exams natin. Wag ka ngang exagge."

"Aba't loka loka ka talaga. Okay lang sana kung matalino ako kagaya mo, kaso hindi! Hindi!"

"Dinown pa yung sarili. Sus. Review lang ba punta mo dito? O pati kain tsaka chismis?"

"Uhh pwedeng all of the above? Haha. Hoy wag mong ibahin yung usapan, tayo na dyan."

"Tignan mo. Tinatamad pa ko eh! Ouch. Grabe ka! Ba't ka nang babatok?! Oo na, sige na mag-aayos na ko." 

Aray! Napaka-sadista talaga nitong bestfriend ko. Batukan ba naman ako?! kung hindi ko lang talaga bestfriend to, malamang sinapak ko na. Hay

"Ang tagal mo kasi! Sayang oras. Haha. Sorry! Ay bessie may chika ko sayo."

"Nako! Nakakailan ka na ah! Ano yon?"

"Pero mamaya na, maligo ka muna! Tingnan mo nga yung itsura mo. Mukha kang pfft hahahaha wait. Ano, mukha kang manang! hahahahaha"

"Ang kapal ng mukha mo! Nakakainis to! Bwisit! Dyan ka na nga."

Makaligo na nga. Nakakabwisit talaga to si Celine! Wala nang ibang alam kundi mangbulabog. Bahala siya jan. Psh -__-

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Hoy Czarina! Napaka-tagal mo namang maligo! Anong petsa na?!"

"Sus. Eto na! Di ka pa nasanay eh. Ikaw kasi ang aga aga mo." sabi ko sakanya pag labas ng pinto.

"Ako pa talaga sinisi mo eh ikaw nga tong ang bagal bagal kumilos!"

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wag ka nga sumigaw. Masakit nga sa tenga. Ano yung chika mo?"

"Sorry. Di ko mapigilan eh. So ayun nga, nung papunta ako dito kanina nakita ko yung guy kanina sa food hub."

"Sino? Ang daming guy dun Celine. Be specific."

"Yung nakatapon sayo ng frappe niya. Si Mr. Masungit"

"Really? Si Timothy yun."

"Kilala mo siya?!"

"Ah oo, bukod sa nabasa ko sa calling card niya pinakilala din siya sakin ni Francis."

"Kilala din siya ni Francis?"

"Oo. Friend niya yun from Paris. Sa school nadin siya mag-aaral. Buti nga di nagselos si Francis kanina eh. Siya pala yung bagong player ng basketball."

"Kaya pala nagtitilian yung girls nung dumaan tayo sa gym. Ano daw course niya?"

"Malalandi naman yon. Aba ewan ko. Tatanungin ko pa ba yon? Kanina nga ang sungit niya eh. Pero nung nasa food hub tayo mabait siya sakin. Ang weird."

"Masungit naman talaga siya no! Tss. Dito din pala siya nakatira."

"Malamang! Makakapasok ba yon kung hindi taga dito? Psh. Alam mo, magreview nalang tayo. Sayang oras natin."

"Oo nga. Tara madami-dami pa to. Pero bessie alam mo, he looks familiar. Parang nakita ko siya kung saan."

"Sakin nga din eh. Hindi ko lang alam kung kelan or saan. Yaan mo na nga."

Napaka-familiar talaga ni Timothy sakin.

Nakita ko na siya somewhere eh.

Hay bahala na nga.

Makikilala din kita.

I'll be there (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon