CZARINA'S POV
Simula nung nangyari kagabi hanggang kanina hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin. Nawalan na ko ng gana kumain o lumabas man lang ng kwarto ko. Kahit si Celine, Timothy at ang buong barkada ay naghihintay nalang din sa labas. Gusto ko mapag-isa. Gusto ko mag-isip isip. Masyadong madami nang nangyari at hindi ko maipagkakailang nasasaktan ako. Bakit ba sa lahat ng tao sa mundo eh si Francis pa yung nagawang saktan ako ng ganito? Siya, hindi ko hiningi yung rason niya kung bakit kasama niya si Erica kahit sa loob ko sobrang sakit na. Pero ako, simpleng bagay lang yun samin ni Timothy eh hindi niya man lang ako inintindi?
Habang iniisip ko yun naramdaman kong may munting tubig na dumadaloy na sa mata ko. Hindi ko mapigilang umiyak, ni-hindi ko mapigilang masaktan. Minsan nga naisip ko, masaya naman kami dati ah. Pero bakit ngayon parang nagbago? Dati, pilit kong ipinapasok sa utak ko na busy si Francis dahil sa school at sa game nila pero iba naman pala ang inaatupag niya. Hindi pa ba siya kuntento sakin? Sobrang pagmamahal na yung ibinigay ko sakanya. Tapos ganito lang din ang mangyayari.
Tanga na nga kung tanga pero wala akong lakas na isumbat sakanya lahat yon. Ayoko pang mawala siya sa buhay ko. Siya nalang yung natitirang nagpapahalaga sakin pwera kila Manang, Daddy at Celine tapos mawawala pa siya? Hindi ko kaya. Wag ngayon please. Wag nyo po munang kunin siya sakin ngayon..
Tama! Makikipag-usap nalang ako sakanya mamaya at pipilitin ko siyang pakinggan ako. Sana pakinggan mo ko Francis. Sana paniwalaan mo ako.
To : Hon<3
Francis dun sa favorite kong place. Sana pumunta ka. May sasabihin ako sayo.
*Sent!
Bahala na, it's now or never Czarina. Kaya mo yan. Wag kang susuko ng basta basta. Kapag mahal mo ipaglaban mo hanggang sa makakaya mo.
TIMOTHY'S POV
Hanggang ngayon hinihintay padin naming bumaba si Czarina mula sa kwarto niya. Nag-aalala kaming mga barkada niya sakanya, sobrang nasaktan siya nung hindi siya pakinggan ni Francis kanina.
Aish! Kasalanan ko to eh, ako ang dapat sisihin. Ako yung nagpumilit na mag-stay siya sa tabi ko. Dapat hindi ko yon ginawa, dapat pinigilan ko nalang edi sana walang nangyari na ganito.
*FLASHBACK
"Erica." sagot nung girl
Oo tama, siya nga ang first love ni Francis. Saksi ako sa sobrang pagmamahal ni Francis non. Nagawa niya pang sundan si Erica sa ibang bansa para lang balikan siya nito. Nakita ko din kung paano siya nasaktan. Andun kami sa Paris nun nung gabi gabi siyang umiinom at naglalasing para makalimutan niya yung sakit nararamdaman niya. At ako yung taga-salo niya nun.
Pero bakit kasama niya yan ngayon? Hindi ba't si Czarina na ang mahal niya? Siya ang girlfriend niya. Agad akong napabaling kay Czarina na halos tutulo na yung luha niya. Ayaw niyang ipakitang nasasaktan siya sa iba. Pero ako, kitang kita ko yun. Hindi niya maitatago sakin yun.
Buti nalang at nakita siya ni Celine, at agad itong umalalay sakanya. Nakita ko ding tinanong niya ito kung okay lang siya at ang sinagot naman nito ay oo. Kahit halata naman na hindi.
Agad ding nakabawi ang buong barkada sa nakita nila at ayun, nagtuloy tuloy na ang game kanina.
“Truth or dare?” tanong ni Erica sakin.
“Dare.” Kampanteng kong sakanya.
“Diba sleepover tayo ngayon? Magtabi kayo ni Czarina sa kama.”