Czarina's POV
*Flashback
10 years ago..
"Mommy, di mo naman ako iiwan diba?"
"Yes baby, ba't mo naman natanong yan?"
"Wala lang po. Kasi may classmate ako na iniwan daw sila nung mommy niya."
"Promise princess, di kita iiwan."
And then one day..
"Celestine please, huwag mong gawin to."
"Ayoko na Anton. Pagod na pagod na ko sa'yo!"
"Please para kay Princess oh." lumuhod na si daddy para lang hindi kami iwan ni mommy.
"Mommy? Daddy?"
"Anak wala lang to, away lang namin to ni Daddy mo."
"No princess, iiwan na tayo ng mommy mo."
"Is it true mommy? Pero you promised me mommy! You promised na you'll never leave me! Huhuhu"
"Basta baby, be good ha? Maiintindihan mo din ako someday."
"Honey please! Wag mo kaming iwan ng anak mo."
"No Anton. Final na ang decision ko."
"No mommy! Don't leave me! Daddy, do something!! No mommy, noooooo--"
*knock knock
"PRINCESS? PRINCESS! PRINCESS! MALALATE KA NA FOR SCHOOL. GISING NA ANAK." sigaw ni Nanay Lerma sa labas ng kwarto ko.
*blag *blag *blag
"Aray!"
"Princess anong nangyari?! Princess buksan mo yung pinto."
"Aww. Teka lang po Nay. Nahulog kasi po ako sa kama. Aray.. Bababa narin po ako."
"Di ka kasi nag-iingat eh. Osiya sige na, baba na agad at maaga daw ang daddy mo."
"Opo nay. Pakisabi po kay Daddy saglit lang."
at dali-dali akong nag-ayos para sa school.
"Goodmorning daddy!" bati ko kay daddy pagka-baba ko. Tapos kiniss ko siya sa pisngi.
"Goodmorning princess! Ano bang nangyari sa'yo kanina? Sabi ni Manang nahulog ka daw sa kama."
"Ah eh wala lang yon dad."
Ayaw na ayaw kong sinasabi kay Daddy yung mga napapanaginipan ko. Ayoko kasing nag-aalala siya, stressed na nga siya sa companya eh dadagdag pa ba ko?
Nga pala, hindi pa pala ako nagpapakilala sainyo.
Hi! I'm Antonette Kaylee Czarina A. Anderson, 17 years old, nag-aaral ako sa Somerville University isa sa mga pinaka-kilalang University dito sa buong bansa and I'm taking Bachelor of Science in Psychology, 2nd year college na pala ko. Ayokong mag-take ng Business kasi for sure ako maghahawak ng mga company namin, hassle lang yon eh.
"Ah Dad, kamusta naman po yung company natin?"
"Okay naman Princess. Medyo nakakapagod nga lang. Actually, bukas pupunta ko ng London."
"Business trip nanaman Dad? Di ba pwedeng si Tito Alex nalang ang pumunta?"
"Hindi pwede baby eh. Si Tito Alex mo, busy din yun dito sa Philippines, madami din siyang inaasikaso."