Chapter 12

2 0 0
                                    

TIMOTHY'S POV

Game day. Wohoo, after 1 week heto na.

Kailangan ko siyang matalo sa 1 on 1. Kailangan niyang mag-explain sakin kung bakit niya yun ginawa. Kailangan ko malaman kung mahal niya ba talaga si Czarina.

Andito na kami ngayon sa soccer field. Buti nalang pwede kami maglaro dito ng walang tao.

"Timothy! Game ka na ba?"

"Game."

At nag-start na yung laro, unang naka-goal syempre si Timothy. Hindi ko alam kung paano ko mananalo sakanya pero ginagawa ko naman yung best ko para maka-goal laban sakanya.

Nasakin yung bola at pinipilit kong makalagpas sakanya at maka-goal kahit isa lang. Pero nabigo ako at ayun, hindi ko nakuha ang bola laban sakanya.

Patindi ng patindi yung laban at nakagoal nadin ako ng isa. Siya naman ay dalawa.

Isang puntos nalang at panalo na siya. Hindi pwede, hindi yun pwedeng mangyari dahil ayokong matalo. Ayokong sayangin yung chance para makapag-explain siya sakin tungkol dun.

Nasa akin ulit ang bola at pinipilit niya itong kunin mula sakin pero this time hindi ko na hahayaan yun. Sinungkit niya ang bola gamit ang mga paa niya pero hindi niya nakuha yun at nadulas siya. Yun ang ginawa kong paraan para maka-goal.

At naka-goal nga ako. Yes! Wohoooooo.

Isa nalang at mananalo na ko. Isa nalang malalaman ko na.

Ngayon naman ay nasa kanya na ang bola. Hindi ko na siya hahayaan makalusot pa sa akin. Lalabanan ko siya ng buong makakaya ko. 

Konting konti nalang at malapit na siya sa goal. Nauna siya sakin sa pagtakbo agad akong kinabahan dun dahil makaka-goal na siya.

Binilisan ko ang takbo ko at naabutan ko naman siya. Nakuha ko ang bola sakanya. Pero nakuha niya ulit ito pabalik.

Huling-huli na ko sa pagtakbo dahil nauna na siya sakin ng ilang metro ngunit kakayanin ko kahit nakakapagod para kay Czarina.

Pinilit ko yung sarili kong tumakbo ng mabilis ngunit hindi ko siya naabutan.

Sisipa na siya para maka-goal siya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ngunit may bato dun na naging dahilan para madapa siya. Soccer player siya pero hindi niya man lang nakita yun. Tss.

Pagkakataon ko na para maka-goal.

Bago pa siya tumayo ay nakuha ko na ang bola sakanya at tumakbo na ko ng mabilis.

Konting konti nalang.

Goal na. Ayan naaaaaaaaa.

Then GOAL! WOHOOOOOOOOOOOO.

PANALO AKO! YES! NATALO KO SIYA.

"Bro ang galing mo. Natalo mo ang best player ng soccer sa Somerville University. Hahaha"

"Kailangan eh. Para sa bestfriend ko." Pero yung huling mga salita ay hindi na niya siguro narinig dahil umalis na siya agad.

Nag-ayos muna kami ng mga gamit at naligo bago nag-usap. Pumunta kami sa isang park na dati naming pinagtatambayan kasama ang dalawang babae nung bata pa kami.

"Bro, naalala mo pa to? Dito yun. Dito yung last na kita mo sakanya." sabi ni Francis.

"Oo naalala ko. Parang kahapon lang yung mga oras na yun. Ayoko sanang umalis pero kailangan."

"Dito din siya umiyak nun nung umalis ka.. dito mo siya sinaktan..."

"Alam ko, hanggang ngayon hindi ko makakalimutan yun pero mukhang nakalimutan na niya ko eh.. Tama na bro, kailangan mo nang mag-paliwanag."

"Alam mo kung paano ko nasaktan nung nawala si Erica. Sinundan ko pa siya nun sa Paris para lang balikan niya ko pero iba nakita ko. Simula nun hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Inom lang ako ng inom. Naglalasing lang ako palagi. Hindi ako lumapit sa ibang girls nun sa bar kasi baka balikan niya ko bigla."

"Hanggang sa isang araw, pinamukha mo sakin na hindi siya kawalan. Na hindi siya yung babae para sakin. Umuwi ako nun sa Pilipinas para magbagong buhay na din, hanggang sa nakilala ko si Czarina. Hindi siya ganyan nung una kaming nagkakilala, masyadong siyang tahimik, lagi lang si Celine ang kasama niya. Ako nga lang tong may lakas na mangulit sakanya kasi masungit siya ng sobra.. Isang araw, nung nakita ko siyang umiiyak, dun ko nalang naramdaman na dapat may nagpapahalaga sakanya, dapat may nag-aalaga kaya niligawan ko siya. Dito niya pa nga ako sinagot eh. Minahal ko siya gaya ng pagmamahal ko kay Erica, sobrang understanding niya, sobrang mahal na mahal niya din ako. At hindi ko makakayang saktan siya. Hanggang sa dumating si Erica dito sa Pilipinas, pinuntahan niya ko sa bahay nung dapat susunduin ko si Cza sa bahay nila. Nakikipag-balikan siya sakin dahil naging mali daw siya, mahal na mahal niya pa daw ako at hindi daw niya kayang mawala ako. Pero nawala na ko sakanya, nakay Czarina na ko pero gumawa siya ng paraan. Alam niyang sobra ko siyang minahal kaya ayun, inalagaan niya ko ulit. Yun yung mga time na sinasabi ko kay Czarina na busy ako, or may meeting kami ni Sir Reyes."

"Gago ka bro." sabi ko sakanya.

"Hahaha. I know. Hanggang sa bumaling na ulit kay Erica yung pagmamahal ko, wala eh first love ko siya. Alam kong alam ni Czarina yun, ayaw ko man siyang saktan pero wala akong magagawa. Mahal ko siya oo pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay Erica. At ngayon, alam kong nasasaktan siya dahil sa pinapakita ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya lahat. Hindi ko alam kung may mukha pa kong ihaharap sakanya. Yung party after exams? di ako nagpumilit na pumunta dun. Si Erica ang nagpumilit, eh ano namang magagawa ko? Mahal ko si Erica at susundin ko lahat ng gusto niya. Kaya yun, kahit sobrang kahihiyan na ginawa ko padin. Bro, alam kong nagagalit ka sakin ngayon kahit hindi mo ipakita, alam kong gustong gusto mo na kong suntukin. Sige lang bro, go na. Tatanggapin ko naman eh."

"Oo galit ako sayo sobra. Alam mo namang ayaw na ayaw kong may nasasaktan lalo na't babae pa. Sabihin mo sakanya yan lahat bukas. Ayokong suntukin ka ngayon dahil alam ko na magkikita kayo at ayokong makita ka niyang ganon ang itsura, kailangan mong iexplain mo sakanya lahat-lahat." sabi ko sakanya.

Napaka-gago niya, kundi nga lang kay Czarina eh binasag ko na bungo nito kahit pa kaibigan ko siya. 

"Yun nga ang gagawin ko bro. Pagtapos bukas, hahayaan ko na siyang maging masaya sa tunay na nagmamahal sakanya. Bro, para sakin pasayahin mo siya, hindi ko nagawa yun kaya ikaw gawin mo. Panahon na bro. Ikaw at si Celine nalang ang meron siya simula nung iwan sila ng mommy niya."

"Kahit hindi mo sabihin gagawin ko. Kung hindi mo siya binigyan ng importansya yun ang gagawin ko. Hindi ko siya sasaktan gaya ng ginawa mo." sagot ko.

"Salamat bro. Pasensya na. At nga pala, alam ko kung bakit ganyan ka sakanya. Kala mo di ko napansin? Bro mali ka."

-

Ano kaya yung nalaman ni Francis?

ABANGAN! =))

-JROSELYNDULAY :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll be there (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon