CZARINA'S POV
“Erica.” Sagot nung girl.
“Sorry guys, late kami ni Erica.” Singit naman ni Francis.
“Si Erica.” Pabulong na salita sakin ni Celine.
Oo alam niya kung sino yun.
At alam ko din kung sino siya.
Erica.. Paano ko ba naman hindi siya makikilala?
Siya ang first love ni Francis.
Ang babaeng minahal niya ng buong-buo at halos masira ang mundo niya ng mawala ito.
Ang babaeng nagpunta kay Francis sa miserableng buhay.
Bakit magkasama sila? Anong ginagawa niya dito? Nagkabalikan ba sila?
Pero…. Girlfriend niya ko diba?
“Tara sama na kayo dito samin.” Sabi ni Timothy
Nakatitig lang ako sakanilang dalawa ni Erica.
Konting-konti nalang papatak na yung luha ko.
Hindi ko mapigilan yung pag-iyak ko. Sobrang sakit :’(
Bakit ganito? Ako ang girlfriend niya pero kasama niya ngayon ang first love niya, sa harap ko pa.
“Bessie kaya mo pa ba? Sorry wala akong magawa.” Sabi sakin ni Celine.
Alam kong nag-aalala siya sakin.
Alam niyang nasasaktan ako ngayon sa mga nakikita ko.
“Oo naman. Okay lang ako.”
Yun nalang ang lumabas sa bibig ko.
Ayokong mag-alala siya sakin, ayokong madamay pa siya sa mga nararamdaman ko.
Pinagpatuloy lang nila yung spin the bottle game kanina.
At tumapat kay Timothy yun. Pati kay Erica..
Kaya si Erica yung magtatanong sakanya at siya naman ang sasagot.
“Truth or dare?” tanong ni Erica
“Dare.” Kampanteng sagot ni Timothy sakanya.
“Diba sleepover tayo ngayon? Magtabi kayo ni Czarina sa kama.”
“Wait what?!” sabi ko.
“Erica, ano ba yan?” sabi naman ni Francis
“What? Dare yun.”
“Sige okay lang. Si Timothy naman ang katabi ko. Tanong nyo lang sakanya.” Sabi ko para matapos na.
Alam ko sinasadya ni Erica yun.
At hindi ko siya uurungan.
“Okay lang.” sabi naman ni Timothy.
Habang nagtatagal ang game nagiging interesting kasi yung mga nagtatanong mag-sshot muna ng Baccardi 151.
Baliktad diba? Hahaha. Si Celine nag-isip niyan.
Hanggang sa matapos ang game, halos lasing na ang lahat.
Si Erica nasa balikat na ni Francis, si Charles naman akay na ni Mae, si Celine naman nakay Ronald at si Janice nakay Travis, si Timothy naman tahimik lang.
Hindi kasi ako masyado uminom eh. Kaya ako lang yung matino sakanilang lahat. Pero medyo nahihilo nadin ako.
“Beb, dali na kasi ha?.. Huy..” Charles
“Hahaha. Iba kasi eh. Ganon talaga.” Celine
“Hmmm baby.” Erica
“Sige na, dalhin nyo na sila sa rooms. Meron dun sa taas para sa girls then sa baba kayong boys.” Sabi ko sakanila.
“Sige pasensya ka na Czarina ha.” Sabi ni Mae
“Okay lang. Ako na bahala kay Timothy.”
Bumaba na silang lahat at kami nalang ni Timothy ang naiwan dito.
Pagtingin ko dun sa upuan wala na si Timothy dun at nakita ko siya sa tambayan ko.
Sa terrace.
“Huy Partner, bat ka andyan? Tara na.” pag-aya ko
“Mahal mo talaga siya kahit nasaktan ka na niya kanina?” habang nakatingin siya sa labas.
O_O
“Ha?”
Nakakagulat yung tanong niya.
“Si Francis. Bakit mahal mo siya? Sinaktan ka na nga nya oh.”
“Ah ehh hindi naman ah.”
“Sure ka? Anong na-feel mo nung nakita mo si Erica?”
“Wala.”
“Simpleng wala? Impossible yan Czarina, nasasaktan ka nakita ko.”
“Oo sige na. Ano ba naman magagawa ko?”
“May magagawa ka kasi girlfriend ka niya. Pero hindi talaga tama yung ginawa niya.”
“Hindi na kailangan. Tama na yung nakita ko. Tara na nga.” Pag-iiba ko ng topic
Tsaka ko siya inakay papuntang kwarto. Alam ko lasing na siya.
Hiniga ko na siya dun sa kama niya pero hinila niya ko..
“Timothy. Huy ano ka ba.”
“Alam mo ba? Kung totoo ka niyang mahal at kung lalaki talaga siya, hindi siya mananakit ng babae, kahit ano pa yung rason niya.”
Wala akong nasagot dun.
Tama nga siya.
“At naging girlfriend ka niya para mahalin, hindi saktan. Andito naman ako para sa’yo. Diba Partnersh tayo? Partnersh. Ganito oh.” tapos pinagdikit nya yung fingers nya.
“Hahaha. Partnersh ka jan? Oo sige na Timothy, salamat ha. Sige una na ko.”
“ Dito ka lang pleashhhhe.”
“Pero Timothy..”
“Dito ka lang.”
*KISS
o.O
o.O
o.O
Si Timothy!! Kiniss niya ko sa lips..
Dapat sinampal ko na siya sa ginawa niya. Pero bakit parang gusto ko?
Ayokong gumalaw dahil konting galaw ko lang baka mahalikan niya ulit ako.
Pinagmasdan ko lang siya buong gabi.
Para siyang bata, ang gwapo niya.. ang tangos ng ilong..
Bigla nalang ako napa-smile.
Naalala ko bigla yung sinabi niya sakin kanina..
“At naging girlfriend ka niya para mahalin, hindi saktan. Andito naman ako para sa’yo diba? Partnersh tayo. Partnersh.”
“At naging girlfriend ka niya para mahalin, hindi saktan. Andito naman ako para sa’yo diba? Partnersh tayo. Partnersh.”
“At naging girlfriend ka niya para mahalin, hindi saktan. Andito naman ako para sa’yo diba? Partnersh tayo. Partnersh.”
Ewan ko, nakaramdam ako ng gaan ng loob. Pagtapos niya sabihin yun.
Parang nawala na yung sakit na naramdaman ko kanina.
At ngayon, makakatulog na ko ng nakasmile. :-)
--
Nagustuhan nyo ba? Sorry kung pangit ha.
Hehe.
-jroselyndulay