Chapter 7

4 0 0
                                    

 CZARINA’S POV

Good morning!

Hayy prelims na.

Buti nalang talaga nag-review ako. Wohoo.

Simula nung isang araw di na ko tinetext ni Francis.

Bakit kaya? Baka busy sya.

Sabagay game nadin nila next month.

Bahala na hindi ko alam.

Yung exam muna yung aatupagin ko.

Kanina ko pa hinihintay dito sa hallway si Celine.

Sabi niya kasi maaga siya. At may ikkwento daw siya sakin.

Siguro gustong gusto niya yung nangyari kahapon

Paano kasi sabay sila nagreview ni Brandon.

“BESSIE!” tawag sakin ni Celine

“Oh?” sabi ko naman.

“Woooh, wait. Hoo! Ehem teka lang.” sabi nya ng hinihingal

“Ba’t ba kasi tumatakbo ka? Para namang may nahabol sa’yong aso.”

“Eh paano ba naman kasi late na ko sa usapan natin.”

“Ano bang nagbago dun? Haha. Tara na nga punta na tayo ng room.”

Nagreview muna kami kasi maaga pa naman. 9am pa start ng exams.

“Uy Bessie! Anong nangyari sa review ninyo ni Timothy?” tanong nya sakin

“Wala naman. Nagreview lang kami tapos umuwi na siya nung gumabi na.”

“Ah. Talaga?” tapos binigyan nya ko ng WEH-DI NGA? – LOOK.

“Ano? Hahaha. Wala nga talaga. Napaparanoid ka nanaman. Friends lang.”

“Baka friends with benefits yan ah.”

“Gagu. May Francis na ko.” Sabi ko sakanya. Loka loka talaga -___-

“Eh asan yung Francis mo? Sinabayan ka ba sa review?”

“Ah-ehh hindi. Busy kasi siya sa game nila.”

“Bahala ka. Ako gusto ko si Francis dati, pero ngayon? Ewan ko nalang kasi parang pinapabayaan ka na niya.”

Napaisip ako dun.

Mas mahalaga nga ba yung game nila kesa sakin?

Dati itinuturing niya kong princesa, pero ngayon? Para lang akong gamit na pagtapos niyang tignan, ibabalik nalang niya sa lalagyanan at hindi na titignan ulit.

Binabalewala na ba talaga niya ko?

Hindi naman siguro.

Mahal niya ko at iyon ang panghahawakan ko.

“Hindi naman siguro. Eh kayo kamusta naman ang date nyo ni Brandon?” pag-iiba ko ng usapan

“Hindi naman yun date. Nagreview kami Bessie. Nagreview.”

“Sus. Ikaw? Magseseryoso magreview eh katabi mo crush mo?”

“Eh oo kaya! Ang galing niya magturo.”

“Sabi mo eh. Hahaha. Tara review na nga tayo.”

Nagreview na kami. Baka bumagsak pa kami sa exams no. Mahirap na. Hahahaha

TIMOTHY’S POV

Preliminary exams na. Ang daming busy.

Buti nalang nakapagreview ako kagabi.

I'll be there (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon