Chapter 10

1 0 0
                                    

CHAPTER 10

 TIMOTHY'S POV

"Manang, ba't nyo po binuksan yung bintana. Matutulog pa po ako." nagising ako sa sinag ng araw. Ano ba naman talaga ito si Manang.

Wait lang. Diba nasa bahay ako nila Czarina ah?

"Hoy, ang ingay ingay mo naman. Natutulog yun tao." sabi nang nakapikit ni Czarina.

Ha? Andito siya?! O_O

Ba't wala akong maalala? Ano bang nangyari kagabi?

"Psst, gising na huy." sabi ko sakanya

"Hmmmm?"

"Czarina..."

"Ano ba yun? Aaaaaaaaahhhhhhhh! Ba't andito kaaaaaaaa?!!!" sigaw nya sakin sabay tulak.

*boogsh

"Ahhhhh aray! Masakit na nga yung ulo ko tas itutulak mo pa ko? Ugh." sabi ko.

"Ay sorry. Hindi ko alam. Teka masakit ba?" pumunta siya sakin tapos tinignan nya yung ulo ko. Aww. Ang sakit pa naman din tumama sa table yung ulo mo. 

"Eh kasi bakit andito ka? tsaka bakit magkatabi tayo? Ano bang nangyari?!" - Czarina

"Teka nga, wag ka ngang sumigaw. Aba eh ewan ko sayo. Ang alam ko lang lasing ako kagabi pag tapos nun wala na. Siguro naman natatandaan mo kasi ikaw lang yung di uminom. Tss."

*door opens

"Omg bessie. What happened? Wha--t. Oh " - Celine

O___O <-- Czarina

-_____- - ako

"Wait lang guys, mali yung iniisip mo. Kasi ganto yan e, ahh ganito ah di ko maalala. Ugh!" pag eexplain ni Czarina.

Sus. Wala ding magagawa yan.

Parang hindi naman siya pinakinggan ng barkada na ngayon ay nakanganga padin sa nakita nila. Ano bang nakakagulat dun? Nasa sahig naman ako ah. Tss. Wala naman kaming ginawa.

"What's happening? Ang ingay nyo. Oh my gosh!" sabi ni Erica.

Sasali nanaman tong babaeng to. Tss. Eh ikaw ba't mo kasama yung boyfriend nito? At talagang ang lakas ng loob mong pumunta dito. Gusto ko sanang sabihin kaso hindi naman ako nananakit ng babae no. Di katulad nung gagong Francis na yon.

"Hindi. Nag-bato bato pick kami magdamag hanggang sa mapuyat. Nakita mo na nga diba." sabi ko nalang sakanya.

"Hmmp!" - Erica

"BOOOOOOOM!" - Celine

Pahiya siya ngayon. Haha ;D Buti lang yun sakanya kasi sinaktan nya yung partner ko.

"Good morning guys. Ano bang pinagkakaguluhan nyo jan? Patingin nga."

Tapos nakita niya kaming dalawa ni Czarina..

Nakita kong may galit na naramdaman si Francis ng mga panahong yun. Hindi ko kasi alam kung bakit ang bait bait ni Czarina pero tignan mo yung ginawa nya. Tapos siya pang may karapatang magalit ngayon? Dapat nga si Czarina nagagalit sakanya dahil sa mga ginawa nya. Pasalamat lang talaga siya mahal siya nung babaeng yon.

At agad kong tinignan si Czarina na parang hindi niya alam kung anong sasabihin kay Francis.

"Let's go Erica." sabi ni Francis

"Wait lang. Di ba may gagawin pa tayo mamaya?" sabi naman ni Erica sakanya.

"Damn Erica! I said let's go!!" sigaw ni Francis.

"Francis! It's not what you think....."

"Sapat na yung nakita ko." malamig na tugon naman sakanya nito.

"Francis I can explain!"

Hahabulin sana siya ni Czarina pero hindi ko siya pinayagan. Napakakitid naman ng utak ng boyfriend nya. Kahit tropa ko si Francis, hindi padin sapat na kampihan ko siya. Nanakit padin siya ng babae. Yun ang bagay na kinaaayawan ko sa lahat. Pinaghirapan mong kunin tapos pag may bago iiwan mo lang? Hindi ganun yun.

"Bakit ba Timothy ha? Hahabulin ko si Francis. I need to explain. Bitiwan mo ko." sabi niya sakin.

"Sa tingin mo ba papakinggan niya yung mga sasabihin mo? Alam kong alam mo na makitid ang utak ng boyfriend mo. Hindi siya nakikinig sa ibang tao kundi sa sarili nya lang. Kung ako sayo palipasin mo muna dahil galit pa siya ngayon. At bakit ba kailangan mong mag-explain? May ginawa ba tayong masama para magalit siya ng ganun? Eh bakit siya? Bat hindi niya magawang mag-explain sayo?"

"Tama siya bessie. Palipasin mo muna. Dito ka nalang muna, sasamahan nalang kita." - Celine

Patuloy lang na umiiyak si Czarina habang nakayakap kay Celine. Nasasaktan nanaman siya sa mga nangyayari. Bakit ba tuwing nakikita ko siya, hindi na siya ganun kasaya katulad ng dati?

Hay, ang hirap talaga kapag may nakikita akong babaeng nasasaktan, sobrang affected ako sa mga ganyan. At lalong si Czarina pa ang nasasaktan ngayon. 

Bakit parang wala akong magawa? Bakit parang hindi ako makaisip ng paraan para pasayahin siya?

Sana kaya kong kunin lahat-lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon at ilipat nalang sakin para hindi ko na siya makitang umiiyak.

-

HI GUYS! SORRY SA LATE UPDATE.

Vote din kayo and tell me kung nagugustuhan niyo yung flow ng story.

Thank you! :)

-jroselyndulay

I'll be there (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon