@ kabanata 1

571 12 4
                                    


Sa murang isipan ni lyn.nagisnan nya ang pamumuhay ng kanyang pamilya na isang kahig isang tuka.dalawa silang magkapatid si ivona ang bunso nyang kapatid ang kanyang ama ay isang magsasaka sa villa nang alentajan .malawak ang lupain ng mga ito.kilalang matapobre at sakim ang angkan ng mga alentajan .kaya maraming maliliit na tao ang nagrereklamo sa kanila pero patuloy pa rin nagtyatyaga dahil sila lang masasandalan ng mga ito kahit na masasama rin ang ugali.lalo nilang ginigipit ang mga tao para sa ganun pag nagipit na maibente ang lupain ng mga ito sa kanila.dahil kahit paano may mga lupain ang bawat magsasaka na pag mamay are nila .nakakalungkot man isipin wala rin silang magawa kundi ibenta dahil kailangan din nila ng pera para mabuhay.

Pero iba ang pamilya ni lyn.ang kinatitirikan ng kanilang bahay ay sarili nilang lupain sa kanila na lamang ang di pa nabibili ni don lusiano.

Dahil ayaw ni elias ang ama ni lyn .na ibenta ang lupa dahil iyun lamang ang pamana ng kanilang angkan sa kanila may kuro kuro pa nga na may kayamanan daw naibaon ang mga kastila sa mismong kinatitirikan ng bahay nila pero di sila naniniwala .dahil mahalaga para sa kanila iyun.kaya kahit anung mangyare walang bentahan magaganap.

Sa maliit na kubo na iyun kahit mahirap ang buhay nila.di dahilan iyun para di sila maging masaya .mababait ang magulang ni lyn masisipag para lang sa may magandang kinabukasan silang magkapatid .lagi silang pinaalalahanan ng kanilang ina na si celia na magmahalan kaya lumaki silang may mabuting kalooban hanggang isang gabi.

Nagising si lyn edad 10 .ng galit na galit umuwe ang kanyang ama na pilit naman pinakakalma ng kanyang ina nakasilip lamang sya sa maliit na siwang ng pinto .

" talagang napakasama ng ugali ng lusiano na yan abot hanggang buto ang kasamaan"saad ni elias.

" bakit ? Mahal ko ano bang nangyare at halos umusok ang ilong mo sa galit."
Saad ni celia.

" paano di magagalit .akalain mo ba naman nag alok ng malaking halaga para lang ibenta ni pareng padring ang lupain nya .kapalit ng bayad na ang utang nito di pa iyun pwede daw sila dun na tumira sa maynila ."
Saad ni elias.

" pumayag naman ba si pareng padring"
Saad ni celia

" oo pumayag dahil wala na rin syang magagawa kahit sya ay nagulat din akalain mo na may pinirmahan daw syang papel di naman sya nakatanggi dahil sabi ng tauhan ni lusiano para daw iyun sa sahod .alam mo naman si padring ni di marunong magbasa.kaya iyun basta basta na lamang pumirma kaya ng malaman nya gulat na gulat sya.di nya akalain na iyun pala nakasaad sa papel."
Saad ni elias .

" kawawa naman ang pamilya ni pareng padring kabuwanan pa naman ng asawa nya hindi pa pwedeng ibiyahe di ba .paano na sila saan sila titira."
Saad ni celia.

" kaya nga talagang likas na masama ang ugali ni lusiano na yan"
Saad ni elias.

" tama na yan mabuti pa kumain ka na tulog na ang mga bata at magpahinga ka na rin "
Pinagsilbihan ni celia ang asawa.

" bakit ikaw di ka pa magpahinga"
Saad ni elias.

" tatapusin ko lamang itong labahin ko bukas kasi kailangan ko na ibigay to ke ninay ei ."

" ganun ba sige basta pagtapos mo dyan magpahinga ka na wag na kung ano ano pa ang pinag kakabalahan mo ."

" hayaan mo na ko mahal para kahit paano makatulong ako sa iyo.sa gastusin sa bahay."
Saad ni celia.

Batas Ng Isang Api(#wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon