Dahil sa malaking kahihiyan. Ng pamilya alentajan sa ginawa ni lyka .gusto na ni lusiano lamunin sya ng lupa lalo pat sa malaking pagbabago ni lyn mukhang naging bato na ang puso nito dahil sa kanilang kalupitan na aminado naman sya na kay tagal nya rin pinagsisihan simula ng pagkadaletse letse na buhay nila .
Halos di naman makaalis si hilda sa kinatatayuan nya dahil di nya pwedeng kalimutan ang mukha ng babaeng nakatayo sa harapan at galit na galit sa pamilya alentajan.nahimasmasan lamang sya ng mag pauwe na si kyle .
Di alam ni hilda kung ano mararamdaman ng oras na yun matutuwa ba sya o malulungkot dahil maaring kunin na nito si kyle wala naman sya magagawa dahil di naman sya kadugo.
Super inis naman ni kyle kay lyka dahil sa pagiging matapobre nito at masyadong makapanliit ng pagkatao .ang kaninang paghanga nya sa babae ay napalitan ng inis."Im sure nagkapera lamang sya kaya ganyan na sya ."
Saad ni kyle." kyle kailan ka pa natutung manghusga ng kapwa mo "
" pasensya na inang di ko na po napigilan ang inis ."
Di naman nya masisi ito kung ganun na lamang ang reaksyon nito .kaya gustong gusto ni kyle maging abogado pagnakapagtapos sya dahil ayaw na ayaw nyang may nakikita syang naapi likas ang pagiging mapakawanggawa nya sa taong katulad nya na mahirap dahil sa bayan na kinalakihan nya .
Mayayaman lang ang syang kinikilala .
Mayayaman lamang ang may batas.
Mayayaman lamang ang busog
Dahil ang mga katulad nilang mahihirap ay animo walang karapatan. At gusto nya iyun baguhin sayang lang ang pagiging genius nya kung tatahimik lamang sya .kung may pera lamang sya .itataas nya ang pagkatao ng mahirap yun bang pantay ang lahat. Pero paano nya iyun matutupad kung isa lamang syang 16yers old na teenager.Ngayong hawak na ni lyka sa leeg ang pamilya alentajan di na sya mahihirapan ipalasap sa mga ito ang hirap na dinanas nya sa mga kamay nito .pamamalupit na syang dumurog ng pagkatao nya dahilan para maging sing tigas ng bakal ang puso nya.
Pero syempre di papayag si carina .
Di pa lumilipat sila lusiano .lalo nat dun sa mansyon na matutulog si lyka kasama ang asawa nito at dahil gusto maging makakatotohanan ang pagiging mag asawa nila kailangan nila mag sama sa iisang kwarto ayaw nya mag tataka ang alentajan baka iyun pa ang maging dahilan para ipanlaban sa kanya.
Kaya si nhill papayag na maging panakip butas .dama nya na oras na magsama si janjan at lyka maaring bumugso ang damdamin at maging sanhi ng tuloyan syang isantabi ni lyka .na ayaw nyang mangyare
Para naman kay janjan ..di sya naniniwala na ganti lamang ang nais ni lyka. Alam nya na mahal pa sya nito kaya gagawin nya lahat mapatunayan lamang nya mahal pa rin nila ang isatisa
Sa unang gabi .pagtulog ni lyn sa mansion nag babalik gunita sa kanya ang mapait na alaala.magkatabi sila ni nhill sa kama nabahala sa pag iyak ni lyn.kaya naman niyakap nya ito para kumalma.
" bakit? Naalala ko parin ..tama na ayoko na tantanan nyo na ko...."
Pagwawala ni lyn habang yakap sya ni nhill kahit na sinasaktan nya likod ng binata wala sa kanya iyun. Mahalaga maging ok ito.." shhhhh!, tama na .di ba gusto mo ito ang maghiganti sa pamilyang iyan .dapat kayanin mo "
Mahinahon na pananalita ni nhill.
BINABASA MO ANG
Batas Ng Isang Api(#wattys2016)
Romance(Complete) Paano nga ba ! Kung ang mundong kinagagalawan mo ay nabubuhay sa pagdudusa at hirap.bulag ang katarungan .pipi ang batas. Dahil dun babalikan ni lyn ang mga taong umapi sa kanya at ipapalasap nya ang kanyang batas. Ang angkan ng alentajan...