---Keillame
Mali ba?
Mali bang hiwalayan ko siya dahil nabuntis niya ang bestfriend ko?
Mali ba ang ginawa ko na iwan siya kahit na mahal ko siya?
Masama ba ako kung hindi ko tinupad 'yung pangako ko sa kanyang hindi ako bibitiw sa relasyon namin kahit na ano ang mangyari?
Gusto ko lang naman talagang magkabati sila at hindi ko naman naisip na aabot sa puntong magtutukaan na sila
Isang pagkakamali na nagtiwala ako ng sobra
Isang pagkakamali na pinaglapit ko sila
Isang pagkakamali na nakilala ko pa si Fashion Faithellyn Fernaior, na napakawalang kwentang kaibigan na dinurog ako ng sobra.
Paano ko bubuoin ang sarili ko kung mismong mga taong sobrang mahal ko at pinahahalagahan ko ang dumurog sa akin?
Mali ba kung kinakain din ako ng galit at gusto kong gantihan sila?
---Mirko
Mali ba?
Mali ba ang itago ko siya, ang itago ko ang relasyon namin para maprotektahan siya?
Mala ba na pahalagahan ko ang trabahong kay tagal kong inasam gaya ng pagpapahalaga ko sa kanya?
Masama ba kung magkaroon ako ng ka-loveteam sa industriya ng showbiz kahit na may girlfriend ako sa totoong buhay?
Masakit. Lalo na nung nalaman kong buntis siya at ibang lalaki ang ama
Masasabi bang pagkakamali na iniwan ko siya dahil nasaktan ako ng sobra sa nangyari sa kanya?
Hindi ko kasi kinaya, para akong pinatay ng paulit-ulit, pero imbis na galit ang manaig ay mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya
Siguro eto na ang karma ko
Karma sa lahat ng mga nagawa ko bago ako naging artista
Karma sa lahat-lahat ng kasamaan ko noon
Paano ba tumakas sa karma?
Hanggang dito na lang ba talaga ako?
---Raze
Mali ba?
Mali ba ang pagpili kong makasama ang bestfriend ng girlfriend ko dahil nabuntis ko siya?
Mali bang mag-alala ako ng sobra sa kanya?
Mali bang gusto kong makita ang bata kahit na aksidente lang ang pagkakabuo sa kanya?
Alam ko, malaking pagkakamali ang nagawa ko pero hindi ko naman ito ginusto
Hindi ko ginustong maipit sa sitwasyon na ito
Pinagbigyan ko lang ang kasintahan ko sa gusto niyang makipaglapit ako sa kaibigan niya
Paanong ganito ang nangyayari? Anong klaseng tadhana ba ang meron sa akin?
Isang pagkakamali ba kung suyuin ko pa rin ang ex ko habang inaalagaan ko naman ang besfriend niya dahil sa may magiging anak kami neto?
---Fashion
Mali ba?
Mali ba kung gustuhin kong mawala na lang ang batang nasa tiyan ko para matapos ang problema?
Mali ba na nagalit ako ng sobra sa boyfriend ko kaya humalik ako ng ibang lalaki na nag-uwi para may ibang mangyari sa amin ng hinalikan ko?
Isang malaking pagkakamali nga ba ang batang nasa tiyan ko? Na simula noong nabuo siya sunod-sunod na ang kamalasan na natanggap ko?
Natatakot ako
Gusto kong sumuko
Mali ba kung titigil ako sa paglaban dahil parang hindi ko na alam ang gagawin ko?
Pagkakamali ba ang maging mahina sa ganitong klaseng sitwasyon?
Pagkakamali nga ba ang lahat ng nangyayari?
Pagkakamali nga ba siya?
Nagkakamali nga ba ang idinidikta ng tadhana?
-------
---rapfrocks
Mali ba?
Mali bang puro mali ba ang una ng mga sinabi nila?
Mali bang puro sabaw itong prologue?
Mali ba kung pati ako nakiki-emo sa mga characters ko?
Pagkakamali ba ang sumingit dito?
Pagkakamali bang gustuhin ko na may ganitong eksena din ako?
At mali din ba na mag-plug ako ng ibang stories ko dito?
LOL.
So eto na nga, sanay magustuhan mo ang panibagong story na ito na ginawa ko. Maari kang magbigay ng mga suggestion mo na sa tingin mo makakatulong sa flow ng story hahahaha. Enjoy :)
BINABASA MO ANG
Is That A Mistake?
RomanceFashion Faithellyn Fernarior is known as a Bad-ass Bitch in their campus. Her image is so strong at kilala talaga siya bilang isa sa pinakamalditang estudyante. Madami ang humahanga sa kanya at madami din naman ang naiinis, isa na doon si Jamsone Ra...