||| Fashion |||
"Alam mo ikaw, ang OA mo! Ano bang masama sa pag kain ng streetfoods? Masasarap naman iyon ah" sabi ko kay Raze after niyang iend ang call kay Keilla
"Sinabi ko na, it's unhealthy"
"Hoy grabe ka!"
"Bilisan mo na lang ang pagkain diyan, gusto ko nang itry ang mga rides dito. Siguro naman safe ang mga rides dito?"
"Of course"
"Bakit ba kasi hindi na lang tayo sa Enchanted Kingdom?"
"Nakakasawa doon eh, tsaka mahaba pa masyado ang pila"
Mabilis kong inubos ang ice cream tapos ay tumayo na.
"So, ano muna ang sasakyan natin?"
"Uhm, Ferris wheel?" patanong din ang sagot niya, tch
"Tara"
Habang nakapila kami ay medyo naiilang ako, hindi dahil sa kanya kundi dahil sa mga nakapaligid sa amin. Gusto ko na ngang gulpihin.
"Bagay sila noh?" bagay din sa mukha mo itong kamao ko.
"Ang gwapo nung lalaki, sarap agawin" ikaw ang sarap mong sampalin. Taken na ito ng bestfriend ko gaga
"Cute couple" cute monkey
"Mukha silang mayaman, bakit kaya dito sila nagda-date?" mukha kang pating, bakit nasa lupa ka?
At ang dami pang ibang nagbubulungan na rinig din naman namin. Ugh, what they say made me want to hurl. Ang sarap pagsasagutin pero ayoko naming mag-eskandalo ditto.
Tumingin ako kay Raze and he looks uneasy.
"Do we really look like a couple?" he asked me, incredulous.
I frowned with disgust. "Of course not, stop bothering yourself"
"Really huh?"
Nang masakay na kami sa Ferris Wheel medyo nag-alangan pa siya.
"Are you sure that this is safe?"
"Oo, ilang beses na akong nakasakay dito at buhay pa ako, relax, okay?"
Nagstart ng umandar itong Ferris Wheel at siyempre para mag-enjoy nagsisigaw ako. It's been a month since the last time na nakasakay ako dito. Masyado akong naging busy sa pag-aaral.
I started shouting louder, wala na akong paki kahit mapagkamalan akong ewan. Iba na kasi ang tono ng pagsigaw ko, yung may galit.
Naglalabas ako ng sama ng loob, nabwibwisit pa din kasi ako sa nabasa ko tungkol kay Caithelyn at sa boyfriend kong si Mirko.
Raze looked at me with a flash of annoyance but I don't care, I continue shouting like I was telling the world how angry I am.
Mas gumaan ang pakiramdam ko, gusto ko ngang umulit ng isa pa eh pero dahil sumakit ang lalamunan ko I think next time na lang.
"What was that?" Raze asked me
"Naglalabas ako ng sama ng loob"
"Saan?"
"None of your business, don't worry hindi naman tungkol sayo at kay Keillame"
"Okay, saan tayo next?"
Kanina ang plano ko talaga ay sabihin sa kanya na umuwi na kami dahil tinatamad na ako at mukhang okay naman na kami after naming sumakay sa Ferris Wheel pero namiss ko masyado ang Perya kaya hinila ko siya sa susunod na gusto kong sakyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/78515269-288-k74188.jpg)
BINABASA MO ANG
Is That A Mistake?
RomanceFashion Faithellyn Fernarior is known as a Bad-ass Bitch in their campus. Her image is so strong at kilala talaga siya bilang isa sa pinakamalditang estudyante. Madami ang humahanga sa kanya at madami din naman ang naiinis, isa na doon si Jamsone Ra...