||| Raze |||
"Wow pare, nagluluto ka ng sinangag na kanin? Diba hindi ka naman kumakain niyan? Hindi din naman mahilig si Keillame niyan, anong trip iyan?" tanong ng tukmol kong kaibigan na si Khade
"Oo nga, huwag mong sabihin na you're cooking that para sa amin ni Khade? Infairness pre, it smells good" matawa-tawang sabi ni Tristan.
"Sira-ulo kayo, this is for Keilla's bestfriend" walang kabuhay-buhay kong sabi.
Buti nalang at fried rice lang ang hilig ng babaeng 'yun
"Putang-ina mo Raze, tinutuhog mo yung magkaibigan?" OA na pagreact ni Tristan
"Tarantado ka pre, akala ko ayaw mo doon sa bestfriend ng shota mo?" sabi naman ni Khade
"Mga gago, I'm doing this for Keilla's favor and wish, she wants me to be close with her bestfriend. Gusto ko naman maging masaya siya specially na mage-18 na siya at puta kasabay naming maglulunch si Fashion so eto, Keilla told me that Fashion loves fried rice"
Handa na akong pagtyagaan ang ugali ng Fashion na iyon, kitang-kita ko sa mga mata ni Keilla kahapon kung gaano niya kami kagusto na magkaayos ng kaibigan niya, kung tutuusin napakaliit na sakripisyo lang naman nun at wala namang mawawala. Kailangan ko lang talaga ng matinding pasensya at ibaba ng konti ang pride ko. Kung para kay Keilla naman ang gagawin ko ay walang sayang sa pagt-try.
Pumalakpak ang dalawang tukmol. Yung slow clap habang nakatingin sila sa akin na akala mo ay namamangha.
"Damn, how sweet" rinig na rinig ko ang sarcasm sa pagkakasabi ni Tristan
"Isa kang huwaran. Simbolo ng pagiging tapat at pagmamahal. Pagagawan kita ng rebulto, anong kulay ang gusto mo?" sabi naman ni Khade
"Gago!" iyon lang ang sagot at nag-iiling.
tawang-tawa naman silang dalawa. Ang sarap hampasin ng frying pan sa mukha.
Napakasimple lang maggawa ng fried rice pero dahil ako ang nagluluto ay talagang magiging special eto, tignan natin kung hindi niya malimutan ang pangalan niya kapag natikman niya ito.
"Speaking of sweetness, Khade is dating someone" Tristan said
"Hahahaha, someone? Ilan naman ang someone na iyan? Baka naman sometwo yan o somefive" sabi ko habang patuloy pa rin sa pagluluto
"Nakakatawa ka magjoke noh? Magluto ka nalang pre"
"Oy balita ko pinuntahan mo pa daw iyon sa bahay niya just to apologize, nahuli ka daw kasing nambababae" Tristan said and he laugh louder
this time napatingin na ako sa kanila, lalo na kay Khade
"Wow pre, nainlove ka na?" sabi ko
"Mga gago nilalandi ko lang iyon, I just don't wanna lose her for some reason at wala akong ibalak ishare sa inyo" sabi niya.
Tinignan namin siya ng may mapang-asar na titig at nagwalk-out na nga ang tukmol.
||| Keillame |||
Excited na akong maglunch kasi nga ngayon sisimulan ni Raze at Fashion na maging okay sa isa't-isa, one week na lang at Birthday ko na at okay na siguro ang 7 days para maging ayos sila diba?
Katabi ko na si Fashion ngayon na busy sa pagkutkot sa cellphone niya, mukha siyang sobrang worried. Dumating na yung mga pagkaing inorder ko
"Fash, ano? Parang ang laki-laki ng problema mo, is it because of---" she cut me off
BINABASA MO ANG
Is That A Mistake?
RomansaFashion Faithellyn Fernarior is known as a Bad-ass Bitch in their campus. Her image is so strong at kilala talaga siya bilang isa sa pinakamalditang estudyante. Madami ang humahanga sa kanya at madami din naman ang naiinis, isa na doon si Jamsone Ra...