Hindi mo man sabihin ang salitang "mahal kita", na hinahangad kong marinig mula sa'yo,
Hindi titigil magmahal ang puso ko, ang puso ko na ikaw lamang ang gusto.
Hindi mo man sabihin ang salitang "mahal kita", patuloy akong magtitiwala sa'yo.
Magtitiwala ako kahit kabaligtaran ng mga ipinapakita mo sa'kin ang tunay na nararamdaman mo.
Hindi mo man sabihin ang salitang "mahal kita",
Hindi mo man tanggapin ang pagmamahal ko sa'yo,
Hindi man ako ang kasama mong haharap sa altar balang araw,
Mananatiling ikaw lang ang mamahalin ko.
Dahil hindi nasusukat ng simpleng "mahal kita" ang pag-ibig,
Pag-ibig na kasinlalim ng karagatan at kasinlawak ng kalawakan.
Pag-ibig na hindi mahahadlangan ng kamatayan.
Ito ang klase ng pag-ibig na sa'yo ko ipinagkaloob at patuloy na ipinaglalaban.
kyeriella