Masakit pala talaga.
Masakit pala talaga na umasa sa wala.
Masakit pala talaga na ngumiti kahit alam mong nasasaktan ka na.
Masakit pala talaga na umasang magiging maayos din ang lahat.
Kasi ang totoo, hindi na. Wala na. Ikaw na lang mag-isa.
Masakit pala talaga na malamang mag-isa ka na lang.
Noon kasi ang sabi niya'y walang iwanan, pero ano't siya pa pala ang mang-iiwan sa'yo sa ere?
Masakit pala talaga. Akala ko rin kasi hindi.
Masakit pala talaga.
'Yong tipo ng sakit na paunti-unti hanggang sa hindi mo namamalayan, umiiyak ka na pala.
Umiiyak ka hindi lang dahil sa sakit, kundi dahil na rin sa mga kasabay na alaala.
Masakit pala talaga kahit hindi na 'to bago sa pakiramdam mo.
Kahapon lang ganito ka rin pero ano't ngayon ganito na naman?
Masarap magmahal pero masakit pala talaga.
Sige, sa susunod babalaan kita.
Kasi masakit pala talaga.
kyeriella