Masasanay Din Ako

3.2K 60 11
                                    


Masasanay din ako.

Masasanay din ako na wala ka na.

Masasanay din ako na sa bawat umaga ko, hindi ko na maririnig ang boses mo,

Ang boses mo na nagbibigay-ngiti sa'kin.

Masasanay din ako.

Masasanay din ako na wala ka ng pakialam.

Masasanay din ako na dinadaan-daanan mo na lang sa isang tabi,

Kasi masaya ka ng kasama siya.

Masasanay din ako.

Masasanay din ako na kapag umuulan ay tuluyan na akong mababasa.

Masasanay din ako na kapag umiiyak ako ay wala ng magpapahid ng mga luha,

Mga luhang ikaw ang dahilan.

Masasanay din ako.

Masasanay din ako na hindi ka nakakausap o nayayakap.

Masasanay din ako na hindi na tayo gaya ng dati,

Kasi iba naman talaga ang laman ng puso mo.


Masasanay din ako.

Masasanay din ako kahit mahirap at paunti-unti.

Masasanay din ako dahil ikaw sanay ka na.

Sanay ka na wala ako.

Sanay ka na hindi ako nakakausap.

Sanay ka na hindi tayo nagkakasama.

Sanay ka na hindi naririnig ang boses ko sa umaga.

Sanay ka na kaya masasanay din ako.

Masasanay din ako.

Kaunting panahon pa pero masasanay din ako.


kyeriella

Para Sa'yo | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon