***3***
Heto ako ngayon pauwi na galing school.
Walking distance lang naman.
Hayss, may kalbaryo na naman ako bukas. 3 Days ang detention namin ni Angel from above(I still don't her name), na mag huhugas ng plato sa Canteen. OKay na siguro yun di ba? Pero sa akin hindi. Lalo na kapag ganito kasama mo sa bahay >:(
I'm home..
Kabubukas ko pa lang ng gate yan ha
"Joshua!!!!!!!!!" ganda ng entrance ng Lola ko.
"-bakit ngayon ka lang?" maaga naman akong umuwi eh.
Nagkamot ako ng ulo .. "Eh kasi Lola ...-"
"Eh. ikaw n bata ka bakit gusot na yang Polo. Ika'y pumasok n nga sa loob at mag bihis." At ako'y tinulak na sa loob. Astig Lola ko no? Baby baby ako.
Sya na lang kasi natitira kong Pamilya. My Father already died in a Car Accident at pagkatapos noon sumama na ang Mama ko sa ibang lalaki which means may iba na siyang pamilya ngaun. Si Lola Rosalie na lang ang natira. Wala din akong kapatid.
Meron pala!
Yung aso kong askal si Oliver. Kadiri pangalan no? Paano si Lola ampon yan , yan din ang pinangalan. Yan daw kasi yung Pers Lab niya na patay na! >:D
Back to reality tayo.
Kinuwento ko kay Lola yung nangyari simula umaga hanggang ngayon.
"Mag iingat ka naman Apo."
"Ginagawa ko naman po eh.." naka upo kami dito sa lamesa. Meryenda time
"--Hay nako Lola, napaka malas ko talaga.. Sana pwedeng ibalik ang oras."
Tumahimik sandali si Lola at heto na naman nag dadakdak na naman.
"Joshua! walang mangyayari sa'yo kung dyan k n lang laging umaasa!" galit ka n nyan Lola? Ako naman pasok sa kanan labas sa kaliwa.
"Eh Lola Rosalie...♪Libre lang mangarap♪" At ako'y pumasok na sa aking kwarto.
***********************************************************************************
First day na aming Detention.
Habang nasa room pa ako Trending Topic nila ako. Naka huli daw ng isda ako. Akalain mo iyon? Eh sa pagkaka alam ko Angel iyon at hindi ISDA!
Krystal Ena Fabin.
That's her name .
Fast Forward>
Magkasama kami ngayon dito sa likod ng Canteen. Maghuhugas pa lang nang pinggan.
"Hi.." sabi niya.. shet! it's very angelic. hayss crush ko na ata ito.
"Hello.. bakit ka pala napunta sa C.R kahapon?" tapos nag blush siya.
"Eh kasi ---" biglang may sumulpot.
"KAYONG DALAWA. WAG NGA KAYONG MAG-CHISMISAN! MAG UMPISA NA KAYO! PARA MAHUGASAN AGAD YANG MGA PINGGAN! BWAL LOVE BORDS DITO!!" yung cook lang naman yung nag bunga-nga. Katawa BORDS pa talaga ang pronounciation sa Birds. Epic lang eh!
"Ikaw Angry Birds." bulong ng katabi ko. may pagka loka din pala ito >:D
"Let's start na nga." at iyon nag hugas na kami ng plato.
Di ko maiwasan mapatingin sa kanya. Kasi naman nagkakalapit yung mga braso namin.Ay, hindi pala, nagkakabanggaan kasi yung mga braso namin. Siya kasi yung naglalagay sa tray nung hugas na plato at ako naman ang naghuhugas.
At sa pagkatanga - tanga ko .
Nadulas sa kamay ko iyong hawak kong Plato.
at nabasag!!! bakit naman kasi hindi gawing plastik ang plato dito eh. Hindi gawing Plato yung mga taong PLASTIK! Para sa ganoon hindi na nagkakabasag! Pssh!
"SINASABI NA NGA BA EH." sabi nung cook na biglang sumulpot parang kabute lang eh.
Nagkatinginan na lang kami ni Krystal at natawa .
"Ako pala si Joshua Mendez in short Josh :)" at hinila na ako palabas nung cook
"Puro ka kalandian! Ang kiri mong bata ka!" sabi niya sa akin, hindi na ako sumagot syempre igui-guidance na nga ako eh. Pero kung hindi lang ako natutuwa baka napag-initan ko na ito. Mabuti na lang nagkatinginan kami ni Krystal. Awieeh! Para akong bading nito!
Tapos narinig ko pa siyang nag salita.
"Pati apron . Angry Birds." :DDDDD
![](https://img.wattpad.com/cover/795098-288-k375838.jpg)
BINABASA MO ANG
Time Machine
Science FictionSi Josh ay malas na lalaki, or let's say ta-tanga-tanga. Then dumating sa point na binigyan siya ng Lola niya ng kwintas para matama ang mga pagkakamali niya.