Chapter IX - about time machine

418 15 3
                                    

Nabitin daw si Danielle, hehe. Ewan ko kung mabibitin ka ulit dito. Ganoon kasi ako eh. Sorry dear ~ Peace v ^_^ v

***9***

Nasaan ba yung aparador na iyon? Ayun nakita ko na! Ano ba naman ito parang masisira na. Tapos binuksan ko .. Aba may soung effects pa.. Creepy .. Baka may lumabas na paniki dito

Creeeeeeeeeeekkkkkkkkkkkkkk

"Ahhhh!" wooo nagulat ako doon, paano nangyari iyon? Yung kwintas ko nakapatong sa libro! Paano?! Waaah!!! May multo dito!!!

"Lolaaaaaa!!!!!!!!!!!" sigaw ko paakyat, shet! paano nangyari iyon? Yung kwintas ko nandoon, hindi ko naman tinatanggal iyon eh! Huhuhuhu, may multo pala dito. Shet nababading na ako! Wag naman, ayaw kong maging bestfriend si Ena. Gusto ko maging boyfriend niya ako. Hindi ako pwedeng mabakla! Wag po! 

"Ano ka naman ba?" tapos bumaba na din si Lola ako naman sumusunod sa kanya.

"Lola, kasi yung kwintas ko napunta dyan. Ano iyon magician?" tapos lumapit siya doon, hinawakan yung kwintas at tumawa ng nakaka takot. 

Lola naman eh, kinikilabutan na ako. Tawang pang mangkukulam kasi ang tawa niya "Bwahahahaha!" tapos tumitingala pa siya sa pagtawa. Huhuhu, May lahi pala akong mangkukulam.Paano na ako magugustuhan ni Ena nito?

I cried, Oo.. Alam mo yung feeling na takot na takot ka pero hindi ka makaalis kasi nanginginig ka.

Tapos tumawa pa ng pagkalakas lakas si Lola... 

"Apo, Are you crazy? Hindi ito yung kwintas mo. Look." ako naman si tanga, kinapa yung dibdib ko. Oo nga no, tapos tinignan ko yung kwintas ko doon sa isang kwintas. Mas maliit yung akin at color gold. Bakit di ko naisip iyon?

(Bobo ka nga kasi)

Fast Forward >

Nakaupo kami ni Lola sa may lamesa, habang kinekwento niya yung nasa libro. Hindi ko mabasa at hindi niyo rin mababasa dahil Alibata ang letters. Makaluma. 

"Nagsimula ito sa Asawa ng Lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng kabit ng anak ng lolo ng lolo na Tatay ko at ako. Intiendez?" Hala meganon? Wala akong naintindihan, kaya umiling na lang ako.

"I don't care,back to the topic. Pinapasa iyang kwintas na iyan para sa susunod na generation. Walang tamang tawag diyan, dahil iyang kwintas na iyan ay ang tanging pamilya lang natin ang nakakaalam. Maari mo yang tawaging Time Machine, pero wag na wag mong sasabihin sa iba dahil baka isipin nilang baliw ka. Maari kang bumalik sa nakaraan, pwede mong baguhin ang mga dati mong nagawa. Basta iisipin mo lang at hawakan mo iyong kwintas..."

"Ah kaya pala ako --"

"Hindi pa ako tapos, alam kong nagamit mo na iyan. Apo... Kapag ginamit mo iyan nanghihina ako.." 

"Lola bakit nangyayari iyon?" 

"Dahil sinusummon mo ako, pero ayos lang iyan nakasaad dito sa libro na dapat gamitin mo iyan sa nais mo kahit ano pwede mong gawin. Wag na wag mo lang ipapaalam sa iba. Kapag nalaman iyan ng iba, maaring ma-damage ang pagbalik mo sa nakaraan."

"Lola,. s-s-summon? I-Ibig sabihin parang pinapadala kita sa k-kamatayan?" 

"Oo, nanghihina ako kapag nagamit mo yan. Nasa akin pa kasi ang enerhiya ng kwintas na iyan. Pero sa tuwing ginagamit mo iyan lumilipat na sa iyo."

"Lola, di ko na lang gagamitin ito! " sigaw ko, sa susunod na gagamitin ko ito. Maaring mamatay si Lola hindi ako papayag na mangyari iyon. Nabibigyan ko ng kaligayahan ang sarili ko pero may nagbabayad. Hindi! Hindi ko ito gagamitin! Mas gugustuhin kong manatiling BOBO , TANGA at MALAS kaysa gamitin yang kwintas na iyan!

"Gamitin mo yan! Alam kong madaming kamalasan ang nangyayari sa'yo! Lahat ng angkan natin ganyan! Tayo'y pinanganak na MALAS, kaya nga may kwintas tayo para ibalik ang oras at ulitin ang mga pangyayari."

"Lola, di ko kayang matiis na mawawala ka dahil sa paggamit ko ng kwintas na ito! Bakit ba kasi napunta sa akin ito?!" huhubarin ko na itong kwintas na ito, ayaw ko na!

"Namatay na ang iyong Ama, dapat sa kanya iyan. Pero dahil anak ka niya sa'yo na ito mapupunta. Dapat ipasa mo rin yan sa susunod na henerasyon. Parang awa mo na Apo..Joshua..Tanggapin mo na iyan, alang-ala lang sa ama mo.."

"Lola ayaw ko! " pero pagkatapos noon, sinarado na niya ang libro at umalis sa hapag-kainan.

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon