Chapter XIX Right - Wrong

341 12 3
                                    

***19***

Author's Point of View

Umuwi ng malungkot si Josh sa bahay nila. Nasa isip pa din niya ang mga sinabi sa kanya nila Krystal, Kryscel at Melody. Dahil sa malalim na pag-iisip din niya namalayan na nauntog pala siya sa may pader katabi ng pintuan.

"Josh! Kamusta na ang Quiz Bee?" kaysa tanungin ni Lola Rosalie ang pagkauntog ni Josh ay yung Quiz Bee ang tinanung niya. Nagdalawang isip pa si Josh kung sasabihin niya oh hindi pero sa huli naisip niyang sabihin nga ito.

"Lola!! Nanalo ako sa Quiz Bee!.." hindi pa tapos magpaliwanag si Josh ay sumabat na si Lola Rosalie

"Wow apo!!Ang galing galing mo talaga! Sandali kukuha ako ng pera bumili tayo ng Cake, celebration natin! Pati dapat papuntahin si Ena dito para masaya! Hindi naman natin kayang ubusin yung cake eh!" Biglang naalala ulit ni Josh yung mga sinabi ni Ena sa kanya.

"-Oh bakit ka nalungkot? Magkaaway ba kayo ni Ena?" tanong ni Lola Rosalie.

"Eh kasi Lola gumamit ako ng Time Machine kanina dapat talaga talo ako at panalo yung ate ni Ena pero dahil kinutsa ako ng mga classmate ko. Naisipan kong ibalik yung oras. Kaya ako ang nanalo, alam ko na kasi lahat ng sagot. Nagalit sa akin si Ena, sinabihan nya ako ng madaya daw ako. T.T"

"Oo tama nga si Ena. Mali ka Joshua apo, hindi naman kasi tama yung ginawa mo. Oo nga't may time machine ka pero hindi naman ata tama yung ginawa mo. Ang kwintas na yan ay ginagamit sa tama at hindi sa mali. "

"-Mandaraya ka nga." pagkatapos marinig ni Josh yun ay tumakbo siya sa labas..

Tumakbo lang siya ng tumakbo.

"AHHHHHHHH!!!" sigaw niya, "-bakit kasi ako pa?! bakit nagkaroon pa ako nyan! kung ganito din naman pala ang mangyayari!!! Urgh!" ngayon lang niya napansin na nasa park pala siya. Lahat ng taong nasa bench na nagdadate ay nakatingin sa kanya.

"Ahehehe, sorry po." dahil napahiya na siya, humanap na lang siya ng ibang lugar na walang masyadong tao.

Josh's POV

Para sa akin, sinumpa nga ako ng langit at lupa! Ako na ang Bobo,Tanga, Walang kwenta, panget, nakakadiri, at lalong lalo na mandaraya lang ako! Nakakaasar naman kasi eh, ang tanga tanga ko. Hindi ko man lang naisip na ganito pala ang Karma ko. Si Lola at si Ena pa ang naging kapalit. Napakasakit! Sila na nga lang ang nakakaintindi sa akin, lumayo pa ang loob nila sa akin.

Pinanganak ba talaga ako para maging ganito?

Ano sagutin mo ako! Tumingin ako sa kalangitan.

Mas gugustuhin ko pang maging malas araw araw wag lang mawala sila Lola sa akin.

Di ko napansin na may tumabi na pala sa akin.

"Problemado?" nagulat naman ako doon, paglingon ko doon sa nagsalita na nasa gilid ko. O_O

Si Boy Salamin este Rainiel pala ito. Stalker nga.

"Oo, kaya iwanan mo na ako."

"Tara nomo tayo?" tama, yan nga siguro ang magpapagaan sa loob ko. Kahit isang gabi lang makalimutan ko man lang yung mga nangyari sa akin.

"Sige."

* * *

Panay lang ang tungga ko.* Lagay ng alak sa baso kapag puno na inomin agad. .* Lagay ng alak sa baso kapag puno na inomin agad.

Ang sarap naman. Parang nalalasahan ko ang sarap ng buhay... Kahit nahihilo na ako, ayos lang masarap naman.

"Pare, alam mo ba ako ang pinaka bobo sa lahat?" alam kong nasa harapan ko pa si Rainiel kahit mukhang may ipo ipo na yung mukha niya.

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon