Chapter XIV

309 9 5
                                    

Pansit daw.. 

"Wag na Bobo naman ako eh"

***14***

"Bakit ako nalipat dito sa section na ito?" bulong ni Josh sa sarili niya, lilingon siya sa mga kaklase ko at iiwas naman ng tingin dahil pinag tatawanan siya ng mga ito. Sana pala hindi ko na lang siya pinalipat dito kung ganito lang pala ang magiging trato sa kanya.

"Sorry..." sabi ko ng mahina. Tumingin naman siya sa akin pero nawala ang mga tingin niya dahil may nag interrupt na naman sa harapan. 

"Class lilipat na din sa classroom na ito si Melody Guevarra from 4-C! Tumaas naman ang mga grades niya kaya acceptable na din." Tapos naghiyawan na ang mga kaklase kong lalaki. Naririnig ko pa silang nagbubulungan 'Dito ka na lang umupo' 

Sa kasagsagan ng pag-iingay nila. It's time for me na magsabi ng totoo kay Josh. "Ako ang may dahilan kaya ka napalipat dito."mahina kong sinabi, tumingin ako sa direksyon niya at nakangiti lang siya :)

Joshua's POV

Nakakagulat. Late na nga akong pumasok tapos pagkadating ko sa room. Hinarang agad ako ng Adviser namin. Baka madedention ako sabi ko sa sarili ko. Pero ayos lang naman yan :P Ibabalik ko ang oras sa madaling araw at kikilos ng mabilis para hindi malate.

Pero nagulat ako ng dalhin niya ako sa room ng 4-B. Natutuwa lang ako dahil doon ang room ni Ena. At lalong kinagulat ko ay yung pinapasok ako doon at pinag bu-bully ako using words ng mga tao doon. Pero at least si Ena ay hindi :)) At lalo pa akong nagulat ng pumasok sa room si Melody at pinagtanggol ako sa buong 4-B

"KAYONG MGA 4-B ! WAG NIYONG BUBULLYHIN SI JOSHUA MENDEZ! HUMANDA KAYO SA AKIN!"

Hanggang ngayon nasa isip ko pa din yan. Ano bang meron doon at over makareact? Nakakahiya talaga! At ito pa, lumipat siya dito sa 4-B!

Fasat Forward >

Magkasama kami ni Ena na nag lu-lunch. At ako'y sobrang natutuwa dahil pinagluto daw niya ako ng pagkain! Kaya ako naman nagkaroon ng apetitie kumain! Yummy! Sarap niyang magluto!!! Pwede ng maging misis ko! Joke~

"Masarap ba?"tanong niya

"Oo super!!!!" kahit hindi na siya mainit masarap pa din, at kahit mawalan ito ng paminta, asin at kung ano-ano pa. Basta luto ni Ena masarap sa akin!

"Thanks.. Ikaw lang nakakaappreciate ng gawa ko." napahinto naman ako sa pagkain at napalingon sa kanya. Nakatungo siya at malungkot, nang may tumulong luha sa mata niya na mabilis niyang pinunasan.

"Ok ka lang ba Ena?" 

She nodded. There's something wrong here.

"Bakit ka naluluha?" tumingin siya sa akin at nakita ko na namumuo ang mga luha niya na pinipigilan niya. Pero dahil napuno na ito nagbagsakan na ang mga luha niya.

"Wala.Wala..Kumain ka na lang :)" Since ayaw naman niya sa aking sabihin, ire-respect ko na lang iyon.

"-Kamusta na pala si Lola? At yung Time Machine?" napalakas ang pagkakasabi niya nung Time Machine kaya yung mga tao sa canteen ay napalingon sa amin at biglang natawa. Oo na.. Weird na nga.. 

Hinawakan ko ang dibdib ko. At binulong ko sa sarili ko na gusto kong ibalik yung oras na kakain palang ako. 

Bumilis ang lakad ng mga taong naglalakad sa canteen pero pabalik ang mga ito. Mga ilang sandali bumalik na nga ulit ako.

Binigay sa akin ni Ena yung lunchbox at nilabas ko yung tupperware.

Alam nga pala ni Ena na may Time Machine ako.. Kaya alam niya na binalik ko ulit yung pangyayari.

Nakatingin siya sa akin na nagtataka.

"Ayaw kong lumuluha ka. Pati pinagtatawan ka ng iba kaya binalik ko ulit ang oras. Para ulitin at itama natin yung mga mali natin..." kumain na ulit ako, hindi na umimik si Ena. Mabuti at nawala na din yung pagkakaluha niya at hindi na din niya nabanggit yung Time Machine.

"Josh, pwede ba kitang maging----" naputol ang sasabihin niya dahil dumating si Melody at umupo si bakanteng upuan ng table namin sa gilid.

"Hi Josh! :)" ang lapad ng ngiti niya at lumingon naman ito kay Ena at ngumiti din. Hindi nakangiti si Ena at walang expression ang mukha.

"Krystal, alam mo na ba yung balita kanina? Tungkol sa ate mo?" tanong ni Melody kay Krystal. Si Ena naman ay nagbago na ang expression

"Ano yun?" mayhalong pag-aalala ang mukha niya

"Ayun muntik ng magkarambulan sa room nila kanina dahil si Kryscel daw ay sinumbatan nung classmate niyang babae na bakit daw hindi gumagawa ng Crouchet." Kala ko naman kung ano iyon tapos yun lang pala..Hahaha, kahit kailan talaga.. Basta may kutob na ako dyan sa Kryscel na iyan na masama ang budhi nya.

Siguro siya ang dahilan kung bakit umiiyak si Ena...

"Si Ate talaga.."sabi ni Ena

"Narinig ko pa ngang sumigaw si Kryscel na bakit daw siya gagawa noon eh kung sa ayaw niyang gumawa." hindi lang chikadora itong si Melody. Usisera at chismosa pa.

"Sige. Alis na ako.. " tinapik naman ni Melody ang balikat ko.. "--Kumain ka ng madami ha?" at bago siya umalis kumindat pa sa akin ito...

>://  <--- Mukha ni Ena

<___< >___< >____<  <-- Mukha ko, dahil maraming nagbubulungan sa paligid.  

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon