Epilogue

390 19 11
                                    

****

Hindi man nagtagal sa akin yung kwintas. Ayos lang hangga't masaya ang kapatid ko dito. Nagkaayos na pala ang pamilya namin. Napatawad ko na ang Mama ko pati si Rainiel. Kung nakagawa man sila ng kasalanan para sa akin hindi ganoon iyon kung hindi pagkukulang lang, pamilya ko pa din sila  kaya tatanggapin ko kung ano sila.

Maganda na ang buhay namin ngayon. May trabaho na ako tapos na din ako sa koleyiho. Hindi nga ako makapaniwala na makakagraduate ako sa University of the Philippines dahil di ba sabi nila matatalino daw ang mga nag aaral doon? Pero basta magsipag ka lang panigurado makakamit mo yun.

Naalala ko na naman yung mga nangyari sa akin nung Highschool. The best! Dami kong natutunan. Pero syempre hindi ko din makakalimutan yung mga nangyari sa akin..

Si Melody, hindi ko inaasahan na kaya pala niya ako ay iniiwasan ay dahil ayaw daw niyang mahulog sa akin :P Dahil alam naman niya na may gusto ako kay Ena.. At nakakatawa pa doon, naging magkaibigan sila ng kapatid kong si Rainiel at saan pa ba tumungo? Syempre naging sila...

Si Kryscel? Siya na yung lumaban doon sa Quiz Bee. Nung sinabi ko sa kanya na ayaw kong sumali. Aba! Niyakap ako! sabay inirapan ako. Hahaha.. Naging successful na din siya ngayon. Mayaman na businesswoman.

Si Lola? Di ba no one's last forever? Sad to say pero kinuha na siya ni Lord sa akin. Pero masaya na din ako para sa kanya dahil bago siya mamamatay ay naging maganda naman ang negosyo niya nagkaroon siya ng malaking sari-sari store kaya't hindi na din siya nagtitinda sa palengke. 

May huli pa nga siyang sinabi sa akin bago siya kunin eh: 'Makakasama ko na si Oliver! Sana hindi kami ma-Caught in a Bad Romance ♪'

"Josh!! Nandito na siya!!" pagkarinig kong sumigaw ang kapatid ko ay naramdaman ko na naman ang lakas ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko matatae ako heheh. Kinakabahan kasi ako eh. Baka hindi niya tanggapin...

Bigla siyang pumasok at naglakad palapit sa upuan sa harapan ko.

Mukha siyang nagtataka dahil palingon lingon siya sa paligid..

Nasa restaurant kami ngayon umarkila pa ako ng banda at pinalagyan ko ng kandila ang lamesa namin na natatangi sa iba. Kasama ko ngayon sila Melody at Rainiel.. Sila pala ay ikakasal na sa isang buwan...Eh di kayo na ..

"Bakit mo ako pinapunta dito?" pakiramdam ko na tumiklop ako dila ko... Panay ang bulong nung dalawa sa likod ko na kunin ko na daw..

"Uhmm kasi --- ano --- "

Bigla namang kumanta yung banda... Ang lakas! Maririnig kaya niya ako?

Cause she's bittersweet,

She knocks me off my feet

And I can't help myself, I dont want anyone else

She's a mystery. She's too much for me   .. Oo sobra sobra na siya, sa kanya palang sapat na ako eh. 

But I keep coming back for more...She's just the girl I'm looking for... Siya nga ang hinahanap ko, yung babaeng tatanggapin kung sino ako ng buong-buo. Kaya mahal na mahal kita eh. Hindi na kita papakawalan pa

"Will you marry me Krystal Ena?" hinawakan ko yung kanang kamay niya habang hawak ko sa kaliwa ko yung  singsing. Di kasi siya nakatingin sa akin nandoon ang mata niya sa banda. Oo nga pala favorite song niya yan :)

"ALAM MO BA NAKAKAASAR KA!!! PINAPUNTA MO LANG PALA AKO DITO PARA MAG PROPOSE KALA KO PA NAMAN KAYA MO AKO PINAPUNTA DITO AY PARA PAKAININ AKO! URGH!!!" 

Natahimik kaming lahat na nasa Resto pati yung banda. Nahinto sa pagtugtog.

Nagkatinginan ang lahat.

Nakatingin pa din sa akin ng masama si Ena...

"Yes I do.." sinabi niya sa akin ng nakangiti... 

"Rainiel!!!!! Umoo na siya!" Palundag lundag akong tumakbo kila Rainiel at Melody..

"Congrats bro!!" 

"I love you Krystal Ena!" nasa likod ko pala siya sumunod siya sa akin. HIndi ko napansin binuhat ko na pala siya at nagawa ko pang halikan.

"Ayieeeeeeeeeh."

"I love you too." 

Hindi na pala namin ginagamit yung Time Machine kasi sa totoo lang may Karma yun eh. Yung kapatid ko ginamit nya iyon noon para sa isang babae pero kamusta naman ang nangyari? Iyon hindi naging sila at tignan mo ang naging kapalit si Melody pa. 

Nagpapasalamat pa din ako sa kwintas na iyon. Dahil kung hindi ako nagkaroon noon wala sana ako sa lugar na ito. Hindi ko na siguro makikilala si Ena, ang Mama ko, si Rainiel, si Krystal at ang totoong Lola ko.

-FIN.

Want to see the Author's Note? Click the External Link from the side >> 

^__^ 

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon