The break-up

4.3K 50 16
                                    

-1year Ago-

I was about to surprise my boyfriend 😁 gusto ko kasing magdate kami e. Kaya eto ako naglalakad papasok sa subdivision Nila. Habang papunta nako sakanila. I type a text to him .
Me: mahal punta tayo ng mall.?
After 5 minutes nagreply sya :) sana pumayag sya. :) Inopen ko yung natanggap Kong message. Sa pagbasa ko. Halo halong emotion ang naramdaman ko. May galit,Tampo at sakit.
Sya:may laro pa kami ng tropa. Ikaw nalang pumunta magpasama ka Kay cherry tsaka jewel.
Sino ba naman Hindi magtatampo. -.- sa paglakad ko Hindi ko na napansin nasa harap nako ng bahay Nila. Sakto namang lumabas mama ni Angelo. Magdidilig ata ng halaman Nila.
"Oh Jing nandito ka pala. Pasok ka muna nasa loob si Angelo. " sabi ni tita ng may mga ngiti sa mga labi Nya.
"Ahy sge po tita, salamat po " sabi ko sabay fake smile. Syempre sira na mood Kong masaya kanina ng dahil sa bwsit Kong Boyfriend. -.- sa pagpasok ko ng bahay Nila Angelo dumeretso ako sa kwarto Nya. Sure akong nandon sya. Papasok palang sana ako ng narinig ko syang sumisigaw at nagmumura. Nako naman naglalaro nanaman to ng dota -.- lagot sya sakin ngayon. Pagpasok ko tinanggal ko kaagad ang suot nyang headset. Halata namang nagulat sya sa ginawa ko. At syempre nagalit din. Nako lagot nakakatakot pa naman tong magalit parang dragon na nagtime travel dito sa bahay Nila.

" Jing naman !! Bat mo tinanggal. ?! Ayan tuloy namatay nako! Diba sabi ko pumunta ka ng mall magisa mo o magpasama ka.! Nakakainis ka naman talaga oo! May Lakad nga kami ng tropa di mo ba gets ha!! Umalis kana nga naglalaro pako dito e!"

Dahil sa sinabi Nya di ko na napigilan Umiyak. Sa pagupo Nya sa upuan Nya. Sinampal ko sya. Mas lalo ko syang nagalit.

"Ano ba jing! Putragis naman oo! "

"Nagbago kana Angelo! Hindi na ikaw yung lalaking minahal ko.! Hindi na ikaw yung angelo na nakilala ko. Nagbago kana ng dahil sa dota!"

"Andrama mo ! Alis nga dyan!"

"Mamili ka Angelo. dota o Ako?!"

"Nagbibiro kaba?"

"Mukha ba akong nagbibiro ha Mr. Angelo Gamboa"

Ilang minuto syang hindi umimik.

"Nakikipagbreak kaba sakin?"

"Oo! Kung pipiliin mo yang lecheng laro mo."

" edi break. Mas pipiliin ko pa ang dota kesa sayo."

"Edi syotain mo yang laro mo"

"Talaga!"

Paglabas ko ng kwarto Ni angelo. Nakita ako ng nanay nya. Halatang nagtataka kung bat ako umiiyak. "Oh? Anyare sayo?" Sabi Nya.
"Wala po ito tita. Aalis napo ako" sabi ko sabay takbo palabas ng bahay ng umiiyak. Di ko na alam ang gagawin ko. Di ko alam san ako dadalhin ng mga paa ko. Hanggang sa nasa park napala ako Kung San kami laging pumupunta ni Angelo. Dun ako umupo sa duyan at hinayaan ang sarili kong Umiyak.
May naramdaman akong kamay na nagbibigay ng panyo sakin. Tiningnan ko sya pero napakablurred ng mata ko kakaiyak. Hanggang sa hindi ko namalayan na wala na sya. Basta isang lalaking mabait na nagbigay ng panyo na may nakasulat na Argel Soriano...

I'm inlove with a Gamer (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon