Gulong gulo.

2.6K 61 18
                                    


Dammiel Pov

papunta na sana ako ng bahay nila Jing, para ano? Para manligaw. Kaso may isang sasakyan na pumarada sa harapan mismo ng bahay nila. Color pink ito kaya sigurado na akong ang members ng LM4 ang nandun minus 1 na ha? Syempre nasa loob ng bahay pa si Jing, ano ba kayo. HAHAHAHAHA

Isang babaeng matangkad na medyo payat ang bumaba sa kotse, at tama nga hinala ko, ang LM4 minus 1 😂 tiningnan ko ng mabuti kung sinong bumaba at nakompirma kong si Cherrie iyon. Halata naman na kasi sa haba palang ng buhok e. sumunod na bumaba si Jewel at huli namang bumaba ay si Barbie. Nakikita kong naguusap sila, (aba kung di kaba naman tanga Dammiel, malamang makikita mo sila e may mata ka e) bulong ko sa sarili. Oh diba baliw lang? 😪 Pero mas baliw ako kay Jing e. para na nga akong stalker dito, imbis na aakyat ng ligaw e nang stalk nalang ako dito sakanya.

Actually hinihintay ko talaga syang lumabas e kaso wrong timing kase lumabas na sya ng bahay nila at nakaayos, simple lang sya kaya nga siguro sobrang nainlove ako sakanya e, kasi kuntento na sya sa kung ano talaga sya lalo na sa itsura, wala syang arte sa lahat ng bagay :)

'Okay Dam this is it. Lumabas kana ng kotse mo at harapin si Jing' sabi ko sa utak ko.

Hinga malamin Dam. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko ng tamaan nanaman ako ng KABA! ano ba yan! Kailan kaba magiging handa Dam? Aamin kalang at manliligaw pero di mo kaya?! Torpe ka talaga Dam kahit kailan 😪 (ayan na nabaliw na)

Napatingin ako sa passengers seat kung nasaan nakalagay ang Red Roses at isang malaking Baymax teddy bear. Magugustuhan nya kaya ito? Masyado kayang korni? Magpatu--

Natigil ako sa iniisip ko ng may magmessage sakin

+63935654****

Dammiel, laro tayo Dota 10k raw pusta.
Nandito kami sa computeran, malapit sa bakeshop na annabells. Be here in 30 mins.

Maglalaro ba ako? Hmmmm. Sge na nga pampawala ng kaba tsaka para narin siguro makahingi ako ng tulong sakatropa ko.

Bago ko inistart ang sasakyan ko at tumingin muna ako sa bahay nila Jing, wala na ang pink na kotse na nakaparada sa harap ng bahay nila. Hayys, sa sobrang kaba at pagiisip di ko na napansin na umalis na sila.

Jing POV

Hays. Di talaga ako mapalagay e, naguguluhan padin ako sa sarili ko, Am I really inlove with that dota player? Pano na si Dam? Pero diba dapat kay Dam ako mainlove hindi kay Argel? Kasi hate na hate ko sya? Ano ba to mababaliw ako kakaisip nyan e. I need to get out, pero di rin naman ako pwedeng umalis magisa, actually okay lang naman na umalis akong magisa, syempre teenager nako,pero wala lang talaga kuya kong gangster para bantayan ako natatakot ako baka kasi manakawan ako o kaya MARAPE!! O.A na Jing ha! O.a na!

I better message my bestfriends, baka pagshinare ko to maiintindihan nila nararamdaman ko.

Kinuha ko phone ko sa kama and I started typing a text.

Type

Type

Type

send!

Hays, makapagayos na nga para ready to go na ako mamaya.

Pagtapos kong magbihis napahiga ako sa kama. Nakatingin sa itaas, at may bigla akong naalala. Kinuha ko ang panyong naibigay sakin 1year ago, nung araw na tumakbo ako papuntang park nung nagbreak kami ni Angelo dahil sa DOTA.

I looked at the name written there. Argel Soriano.

Who are you? Yung totoo? Ikaw ba si Argel na kilala ko ngayon? Pero impossible yun e, kasi iba yung ugali ni Argel na kilala ko sa Argel na nagbigay nito..

Argel POV

Napagising ako sa lakas ng alarm ng phone ko. Ipinatay ko ang alarm. It's already 3:00pm. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung anong sign ang pinagusapan nila sa mall. Tas teka nga bat ko ba iniisip yun? E pretend boyfriend nya lang ako, bat ba ako naapektuhan nung May ibinigay si Dam kay Jing nung nakita ko sila sa mall?

Hays! Kesa magiisip ako dito ng magisip, bat diko nalang ayain si Jing lumabas?

I type a text then send!

Jing POV

Ng naglalakad kaming magbestfriends sa mall may natanggap akong message, nagulat ako sa nabasa ko, NGANGA! hindi ko kayang isipin na niyaya nya akong MAGDATE? As in?!

" bes what's with the smile? Ang saya saya mo ngayon ah anyare?! "

Lumapit sila at tumingin sa message.

"O TO THE M TO THE G"
"Go nayan bes!"
"Ayiee!"

Gusto ko silang sampalin promise e mas kinilig pa ata sila sakin e. WAIT WHAT!? Kinilig?? Ako?? Lokaret! No way!

I'm inlove with a Gamer (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon