Argel?!?!?

720 19 0
                                    

ARGEL POV

2months na akong lumayo kay Jing, ang totoo nyan hindi talaga ako pumunta ng Canada. Nakiusap ako kay Vincent na itext si Jing na pumunta ako ng Canada.

Lumayo ako dahil siguro nasaktan ako nung nakita ko si Jing at Dammiel na magkayakap 3months ago.

*flashback*

"Jing,magbabago ako para sayo, titigil ako sa kakadota,mamahalin kita ng buong buong at hindi hindi iiwan maging akin kalang"

Yumakap si dammiel kay Jing. Sobrang sakit, parang dinudurog yung puso ko dahil sa sakit.

Umuwi ako ng luhaan, ngayon ko lang naramdaman tong sakit nato, sa lahat ng naging kaflings ko, at girlfriend ko sakanya ko lang naramdaman itong sakit na Ito.

Pumunta ako ng kusina at kumuha ng beer. Isang gabi, isang gabi ako nagpakalasing.

*morning 8:00 am*

Nagising ako dahil sa tawag. 15miss calls at 10text message.

15 miss calls. Umaasa akong isa ang galing kay Jing pero hindi puro Kay Vincent ang tawag.

10 messages mula kay Vincent pero hindi ko binasa,instead tinext ko sya.

To:Vincent

Pre, pakiusap itext mo si Jing. Eto number Nya +639356789**** pakisabi namang pumunta na ako ng Canada. Salamat pre.

From:Vincent

Pre? Problema nyo ni Jing? Tsaka Canada? Seryoso kaba?

To:Vincent

Pre, usap nalang tayo mamaya. 11pm sharp sa computer shop dito samin Dota tayo overnight. Sge pre. Salamat ulit.

Tama, sa Dota ko nalang ibubuhos ang sakit na nararamdaman ko.

*end of flashback*

Sobrang sakit hanggang ngayon pero. Magpapakita na ako. Sasabihin ko na ang tunay na nararamdaman ko Kay Jing, yung matagal ko ng tinatago sakanya. Hindi ko nakayang hindi sya makita.

JING POV.

Kumakain ako sa Sala habang nanood. Salamat sa diyos Medyo nawala na yung sakit. Thank you sa mga abnormal kong bestfriends. ^^ sabado ngayon Kaya walang pasok.

Habang na nonood ako may biglang kumatok. Tumayo ako at binuksan yung pinto.

Pagbukas ko napanganga at na tulala ako sa Sobrang gulat,saya,galit at kilig, mix diba? :3
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Si Argel Soriano.

May dalang heartbox with chocolates,life size baymax,2dozens of red roses.Yung signs na hiningi ko 2months ago.. Totoo ba to? O imagination ko Lang?

Kinurot ko ang sarili ko at 'aray!' Masakit!totoo nga na bumalik na sya.

"Jing can we talk? Please? "


-end of this chapter-

I'm inlove with a Gamer (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon