2:00 pm
Naglalakad na ako. May gigirahin lang ako saglit. Ipapamukha ko sa kanya yang kamalian niya--- Na dapat hindi niya ako binabangga…
Pumunta ako kung saan niya ako gustong papuntahin. Yeah right! Nandito na ako sa School Paper Department aka SPD room.
“Woah! I thought you’re not coming… but you came” pambungad sa akin ni Aliya Tan.
“Well yes I came…to see you…pero hindi para makipagparticipate sa inyo…” sabi ko while faking my smile. Siya naman natanggal yung sweet smile niya.
“Then why are you here?” tanong niya.
“I think you already know the reason…” I said
“Oh really? Oh! Tungkol ba to sa scandal ng pinakamatalino at pinakamagaling na estudyante sa campus?” tanong niya… BITTER!
“Well yes… But hindi mo pwedeng sabihing scandal yun dahil hindi naman talaga totoo at kulang ang ebidensya mo para patunayan na I really kissed him” sagot ko
“Talaga? Kasi ang pagkaka-alam ko, pinatawag ka ng principal sa office…Kayong dalawa ni Enrique” sagot niya
Fine! Kung ayaw mong magpatalo…hindi kita uurungan… Aliya Tan “ Oo naman… And I think alam ko na kung saan mo nakuha yang kwentong-barbero na pinost mo sa web… Chismosang palaka” sagot ko.
“What? Anong sinabi mo?” tanong niya with irritated face.
“Bingi lang? Try mo kayang maglinis ng tenga mo… Chismosang palaka” sagot ko
Hindi na siya nakapagpigil pa. Sinabunutan niya ako. Sinabunutan ko din siya. Sa tingin ba niya magpapatalo ako? NO WAY! Pero dahil nga nandito kami sa SPD room kung saan maraming students ang nandito para sa kalandiang gustong isagawa ni Aliya, maraming nakakita sa amin at pilit kaming inaawat. At nung naawat na kami…
“Alam mo matuto kang kumilatis ng babanggain mo” sabi niya.
“Talaga? Baka dapat ikaw ang kumilatis… Bakit? Coz I made you a favor… Sa tingin mo bakit ako pinapasali ng mga teachers hanggang ngayon kahit nandyan ka naman? Bakit? Sa tingin mo ba kung magiging part ako ng SPD, makukuha mo pa din yang position mo? No…A BIG NO! Malamang kung saan ka pulutin… Kaya dapat maging thankful ka pa nga sa akin because ginawa ko to for your own sake din naman” sabi ko sabay labas ng room. Mukha namang naisip na niya yung point ko. And mukha naman din na napahiya na siya sa ginawa ko.
---
Naglalakad na ako papuntang… hehehe hindi ko pala alam kung saan ako pupunta.Bahala na…pwede namang gumala ngayon. Tapos na din naman ang klase ko… Hanggang saan kaya ako madadala ng mga paa ko? Ah! Alam ko na! pupunta ako ng library.
Papunta na ako ng library ng biglang…
“Hoy!” panggulat sa akin nitong Mr. Lee na ito.
“Ay! Butiki!” jokes hindi naman talaga ako nagulat. --___--
“Saan ka pupunta?” tanong niya. Anong nangyari? Bakit ang bait na naman niya?
“None Of Your Business… Teka nga, anong nangyari sayo? Bakit parang nagtransform ka na naman?” tanong ko.
“None of your business” sabi niya din sa akin. Pilosopo!
“Fine then…” sabi ko
“Nga pala, pinatawag ako ni miss kasi nga diba nagcutting ako---“ hindi na niya natapos yung sentence niya kasi biglang may nangyari…
May biglang sumulpot na red car galing sa likod namin. Buti nalang pala at nandito tong si Mr. Lee na to dahil hinila niya ako,kaya naman hindi ako nasagasaan ng car nung baliw na babaeng nagmamaneho. Pero teka ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko naman talaga kailangan ng tulong nung Enrique na yun…waaahhhh…Bakit ko ba siya tinatawag na Enrique…Mr. Lee..MR. LEE ang name niya…Bakit ko ba siya iniisip? Kainis!
BINABASA MO ANG
IF I HAVE A LOVER...
Teen FictionAbout a girl who planned everything she want to do if she have her own boyfriend. And tada... instant boyfriend sa isang iglap... pero tanggapin niya kaya ito o hindi? Coz LOVE is masyadong paepal,nakakairita at higit sa lahat nakakasakit...