1 month later...
Nandito na ako sa school. Nakaupo at nagbabasa dito sa classroom ng novel... Biglang dumating sa classroom namin ang the great 3, si Aliya,Peter at Ben. Ang tatlong kinaiinisan ko.
"Hi IV -Tulips, So nandito kami ngayon para mag-announce na meron tayong gaganapain na WHO WILL BE THE NEXT WRITERS? bukas sa school paper department, 2:00 pm sharp...So guys inaasahan ko na magpaparticipate kayong lahat...lalo ka na HACCI TOMKO" sabi ni Aliya...pakunwaring sweet.
Tumingin lang ako sa kanya. Siguro 1 seconds din yun. Kahit paulit-ulit niya akong tanungin...isa lang ang isasagot ko-- A-YAW-KO. Kaya bahala siya diyan. Maghintay siya magdamag...walang anino ni Hacci Tomko ang pupunta bukas.
Pagkaraan ng 5 minutes,dumating na si teacher. sinara ko na yung libro ko at tumingin sa labas sa bintana.
"Ok class,we have a new transferee here in our school... Meet your new classmate...Introduce yourself" sabi ni teacher.
Lumingon ako ng 1 seconds dahil biglang nag-ingay yung mga classmates kong girls...HALA! Parang familiar siya sa akin... Ah TAMA! yung lalaki sa bookstore...Ano nga bang name nun? Ahh bahala na...I DONT CARE...
"Hi! Im Enrique Lee... Yun lang" ang angas naman nito magsalita...Hindi tulad noong humingi siya ng tulong...
"Huh? ah ok...umupo ka na...mamili ka nalang sa isa sa mga bakanteng upuan diyan" sabi ni teacher.
Dumaan siya sa helera namin at tumingin sa akin...
"Nice meeting you again...Akala ko hindi na kita makikita? " nangiinis ba siya dahil sa sinabi ko dati?
"Magkakilala kayo?" tanong ni teacher
Nanahimik lang ako...
"Yes miss" sagot niya... Feeling close?
"Kung ganoon, diyan ka nalang umupo sa tabi niya Mr. Lee" sabi ni teacher
"Ok po miss"
---------------
Nagturo na si miss at nagsunuran na din ang ibang teachers...
BREAKTIME na!
Naglalakad na ako sa hallway ng biglang may kumuha ng kamay ko at nandito na ako sa isang empty room with this Enrique guy na to.
"Bakit?" tanong ko
"Wala lang...Ganyan ka ba bumati?" tanong niya
Ngumiti ako sa kanya ng napaka-fake "Bakit? sa tingin mo ba close tayo? Dont ever assume na close tayo...Bakit? kasi hindi naman and after all this is the second time na nakita kita"
"Fine then...bakit ba ang sungit mo?" lumapit siya sa akin.
"Eh bakit ba feeling ko ang yabang mong magsalita? and bakit ba nagfe-feeling kang close tayo? kahit naman" lumapit din ako.
"Anong name mo?" tanong niya. Agad-agad bago na ang topic?
"I dont know" sagot ko
Hinawakan niya yung noo ko "Bakit may sakit ka ba? may amnesia ka ba? para makalimutan mo yung name mo?"
"Wala ka ng pakealam...tigilan mo nga ako" sabi ko...
Naglakad na ako papuntang pinto,but he grab my wrist at napaikot ako. Ngayon kaharap ko na siya at feeling ko namumula ako...Hindi ako makatingin sa kanya...Eh ang gwapo niya kaya...Siguro mga 5 centimeters nalang yung pagitan ng mga mukha namin...
CLICK!CLICK!CLICK!
Tunog yun ng camera ah... tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko at lumabas na ng room...Hindi ko alam pero parang feeling ko may kumuha sa amin ng pictures...
--------
Hay salamat uwian na din...After ng mga nagyari, hindi ko na pinansin o kinausap man lang yung Enrique guy na yun...Grabe pinagkakaguluhan siya ng mga girls.
------
Hindi ko na nilahat yung chapter: IT WAS AN ACCIDENT...pakiantay nalang po yung chapter: IT WAS AN ACCIDENT part 2... Thank you po!
Pakiantay nalang po yung iba ko pang UD... :D
-rosevee
BINABASA MO ANG
IF I HAVE A LOVER...
أدب المراهقينAbout a girl who planned everything she want to do if she have her own boyfriend. And tada... instant boyfriend sa isang iglap... pero tanggapin niya kaya ito o hindi? Coz LOVE is masyadong paepal,nakakairita at higit sa lahat nakakasakit...