"Oy, diba si Dallien yon?" Tanong ni Nikki. "Hi Yen!"
Lumingon si Dallien. She smiled at us. "Hi Nikki, Agnes and Shar." Nong ngumiti siya, hindi na ako nagtaka kung bakit habol na habol si Par sa kanya. She looks so simple and sweet.
"Oy, kayo na pala?" Ang daldal naman ni Agnes, di na nahiya!
"Actually, nanliligaw pa." Sagot ni Aldrich.
Aldrich Donque is the captain of the basketball team. Kung may pumapangalawa sa kasikatan at kagwapohan ni Par, si Aldrich yon. The only difference is, napaka-humble at napakabait ni Aldrich. Unlike Par, he is an angel sent to Earth.
No, hindi basketball player si Par ng school. He is just a basketball player. Oo naglalaro, pero hindi para sa school. Just for fun lang kay Par yon. Volleyball talaga hilig non.
"Bagay kayo!" Sabi ni Agnes.
"I know, sana nga sagutin na niya ako." Malambing na sabi ni Aldrich. Tumawa lang si Dallien ng mahinhin.
---
"Ate, dala ko na foods mo!" Sabi ko.
"Hi bunso, buti naka uwi ka pa."
"Oo nga eh. Balak ko na nga talaga sanang maglayas, kaso naawa ako sayo. Mag-isa ka nalang." Malungkot kong sabi. "HAHAHA joke ate."
"Wow, Krispy Kreme! Saan ka kumuha ng pera pambili, huh?" Usisa ni ate, habang kumuha ng isa at kinagat ito.
"Leftover lang yan. Nanglibre kasi si Agnes. Tapos di ko maubos. Kaya ayan." Tugon ko.
"Kung makasabi naman na leftover na ito, para namang baboy talaga ako! Pero ganon naman talaga diba, pag tapos ka na at ayaw mo na, pinamimigay mo nalang sa iba?" Sabi ni ate. Nag e-emote naman to dun sa crush niya na di siya pinapansin.
"Hala si ate, humuhugot. Kumain ka na nga lang, gutom lang yan!" Sabi ko at pumunta na ako sa kwarto para magbihis.
Iisa lang ang kwarto namin ni ate. Iisa lang din kami ng higaan. Magkatabi kami nakahiga. Minsan, nagigising na lang ako na nasa sahig ako. Lakas makasipa kasi ni ate eh.
Habang nagbibihis ako, naalala ko si Par. Ang katawan niya. Ang kanyang masarap na abs. Ang kanyang nakakaakit na biceps. HAHAHA hoy ang laswa naman. Joke lang yon siyempre.
First time ko kasing nakita si Par na umiyak, at sa harap pa ng isang babae. Ang aura kasi ni Par ay yong tipong siya ang nagpapaiyak, hindi siya yong umiiyak. Yon din siguro ang dahilan kung bakit kahit anong tukso niya sakin, hindi ko siya pinapatolan. Kasi deep down, alam ko na may malambot din siya na side.
Alam kong masasaktan siya pag nalaman niya na nanliligaw ang ex-bestfriend niya sa ex-girlfriend niya. Oo, ex bestfriend. Hindi ko alam ang buong istorya. Ang alam ko, nag-away sila at di na nagkiboang muli.
Ewan, parang nag-aalala ako sa kanya. Parang.
---
"Hi Sharmaine, maaga ka ata ngayon ah." Bati ni Shaena, isa sa mga classmates ko. Siya ang pinakamaagang dumarating sa school. Natutulog palang ako, pero siya nag tetext na siya ng 'Good Morning. At School.'
"May tatapusin pa kasi ako na report na ipapass ngayong Huwebes." Kainis naman kasi sir Escalator, gusto agad agad ang assignment. Noong Friday pa binigay, tas Huwebes na agad ang deadline. Di kasi madali ang topic na binigay samin.
"Pupunta ka ng library diba? Tara, sama tayo." Pangyaya ni Claire. Sumang-ayon na rin ako at nagpunta na kami sa library.
Naghanap kami ng bakanteng upuan at nagsimula narin akong maghanap ng mga libro.
"Ano bang topic na assign sayo?" Tanong ni Claire habang nagbabasa ako.
"Area 51. Nahihirapan ako kasi kailangan may mga proweba at kailangan kong idefend. Alam mo namang hindi ako magaling magsalita." Sabi ko.
"Eh bakit ka nakakapagsalita?" Biro ni Claire.
"Mapagbiro ka talaga Claire. Dami ko tawa, mga bente." Pambabara ko. Pinisil niya naman ako. "Ikaw Claire, anong topic mo?"
"Watershed model. Takte, gagawa pa ako ng model." Reklamo ni Claire.
"Nasimulan mo na?"
"Di ko nga alam anong itsura non, wala pa din akong balak gumawa. Bahala si sir." Saba niya at tumawa naman ako sa pagkatamad niya.
"Sige, saglit lang ha, may kukunin pa akong libro." Paalam ko at tumayo na ako.
Pumunta ako sa may back portion ng library, yong parte na wala na masyadong tao.
"Nasan na ba kasi yong libro na yon? Nandito lang yon kanina ah." Bulong ko sa sarili ko. Hinanap ko to ng hinanap hanggang sa sumakit na ang leeg ko kakatingin sa baba at taas na mga shelves.
"ugh, aray, ugh, shit." Ungol ng isang boses.
Naphinto ako sa narinig ko.
"Aray. Ugh, takte, ugh." Dagdag pa nito.
Hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses.
"Shit, ugh." Ang bastos bastos naman ng taong ito. Sino kaya to?
Nahanap ko na ang nagmamay-ari ng boses. "Par?"
Lumingon si Par. Nakaupo kasi siya sa isang sulok habang hawak hawak ang kanyang kaliwang paa.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Ako dapat nagtatanong sayo niyan." Sagot ko. "Anong nangyari? Bakit ka ungol ng ungol? Nag-aano ka ba?" Awkward kong tanong.
"Anong nag-aano?" Kunot-noong tanong ni Par.
"Yong ano, yong ginagawa ng mga lalake." Sabi ko.
'Ano nga iyon?" Pilit niyang sabi.
"Yong ano-- ah basta! Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Sabi ko at nilapitan siya. Umupo ako sa tabi niya.
Tinignan ko ang mga paa na kanina pa niya hinahawakan. "May sugat ka?" Tanong ko. Don ko lang din napansin ang alcohol at cotton na nasa gilid niya.
"Ba't ikaw ang gumagamot diyan?" Sabi ko. Kumuha ako ng cotton at kinuha ang betadine na kasama sa kanyang cute na first aid kit.
"What are you doing?" He asked. Hinablot niya ang cotton sa kamay ko.
"Ako na ang gagamot ng sugat mo." Pilit kong inaabot ang cotton.
"Who tod you so? No." Sabi niya.
"Ako na."
"No."
"Sige na."
"No."
"Par."
"Sharmaine."
"Gago, akin na nga sabi eh!" Nakuha ko rin to at hindi na siya naka angal kasi nakuha ko na.
"Bakit hindi ka dumiretso ng clinic? Feeling pro ka rin ano?" Sabi ko habang pinapahid ang cotton sa sugat niya.
"I don't like attention. I don't like someone pitying me." He said coldly.
"Yan ang problema ng mga gwapo at sikat, ayaw nilang nalalaman na nasasaktan din sila kasi ayaw nilang kaawaan sila." Sagot ko habang nilalagyan ng band-aid ang sugat niya.
"Paki mo ba? You're just nothing." Sabi niya at tumayo.
"Hoy hindi ka ba magpapasalamat?" Sabi ko.
"Ano ba yan, tutulong ka na nga, may hinihingi pang kapalit? Di ka makatao." Sagot ni Par.
Inirapan ko nalang siya at umalis na papalayo.
"Oh nakita mo na ba ang lbrong hinahanap mo?" Tanong ni Calire.
"Hindi. May tinulungan kasi ako pero kahit thank you wala akong natanggap." Sabi ko at umalis na nang hindi man lang nagpaalam kay Claire.
Ilang minuto ang nakalipas, nag vibrate ang phone ko.
From: 09234567891
Thank you kanina. You know who this is.
Ewan ko pero bakit parang may mga paro-paro sa tiyan ko?