"Ate, I'm home!" Bungad ko sa kanya pagdating ko sa bahay.
"Walang nagtatanong." Sagot niya.
"Ang harsh ni ate, bitter." Sabi ko at tumawa. Bumangon si ate. Nakahiga kasi siya sa sofa habang kumakain. Ang baboy talaga.
"Ang saya saya mo ata, aking mahal na kapatid? Anong himala ang nangyari? Nagpasiya na ba ang Panginoon na gawin kang tao?" Mapang-asar na tanong ni ate.
"Ate, baka nakakalimotan mong magkapatid tayo? Kung ano ako, ganyan ka rin."
"Sharmaine, oras na para malaman mo na... ampon ka lang."
"Kaya pala maganda ako." Tawa kong sabi.
"Ah, so pangit si nanay at tatay? Isusumbong kita!"
"Ate, di mabiro. Pangit ko kaya, ganda mo. Hehehehe." Paglalambing kong saad sa kanya.
"Oh, ano nga? Ba't ang saya saya mo?" Pangungulit ni ate.
"Keshe nelebre eke ne cresh kenene." Sebe ke, este, sabi ko.
"Elem me keng de ke megseselete neng meeyes, kekelbehen kete." Sebe ne ete.
"Keshe nemen eh!" Kilig kong sabi tas tinakpan ang mukha ko at humiyaw. Kinikilig talaga ako eh.
"Alam mo, pag si Kathryn Bernardo kinikilig, pati ang mga nanonood kinikilig. Pero bakit pag ikaw, nakakasuka? Ang laswa laswa? Para kang nakuryente?"
"Kasi ate, may kuryente naman talaga eh! May spark!" Hiyaw ko. Eeeeeh, don't me.
Ganito kasi yon. Di naman talaga ako hinimatay. Pero almost. Eh kasi nagsmile siya sakin tapos sabi niya ililibre niya ako. Nagtanong din siya bakit daw tubig lang iniinom ko, baka daw pumayat ako. Kaya ayon, binilhan niya ako ng...
Juice.
Juice daw kasi atleast ang juice may flavor daw.
Oo, nakakainis pero nakakakilig. Kasi iniisip niya yong kapakanan mo. Kasi nilibre ka ng ultimate crush mo. Jusko Lord, is he the one?
"Pag nilibre ka, he's the one agad? Juice pa nilibre. Cheap." Sabi ni ate sabay irap.
"Atleast ako, nilibre. Ikaw, kahit hi galing sa crush mo, wala parin. Saklap." Pang-aasar ko.
"Eh kasi busy siya!" Pagtatanggol ni ate sa soon-to-be engineer niya na crush.
"Gaano kahirap mag hi ate? Kailangan ng rehearsal?" Pangangantiyaw ko.
"Alam mo, kumain ka na. Para matapos tapos na yang mga day dreams mo." Sabi ni ate at bumalik sa pagkakahiga.
"Bitter." Sabi ko sabay ngiwi sa kanya.
---
"Besh, ayan na si Justin!" Uyog sa akin ni Nikki.
Nasa may pintoan kami habang inaabangan ko ang pagdating ni Justin. May maganda naman kasing naidulot ang pagkakalipat ng room namin sa fourth floor. Magkatabi kasi ang room namin sa room nila ni Justin! Pag siniswerte ka nga naman!
Ano ba kasing nagustuhan ko kay Justin? Una ko siyang nakita nong Intrams namin, a year ago. He was drenched in sweat, and his shirt was dripping wet. Ang hot niya tignan. Hindi siya matangkad, hindi din siya masyadong sporty. Pero Boy Scout siya, cool at ang friendly niya.
Di katulad ng iba diyan, di na nga nagpapakoypa, di pa gentlemen. Hay nako.
Speaking of the devil.
"Goodmorning, shtmate! Este, seatmate." Bati ko.
"Out of my way." Sabi niya.
"Huh?"
"Ang laki mo, nakaharang ka pa diyan. Di ka ba nahihiya?" Sungit talaga niya.
"Edi mag excuse ka! Simple lang non."
"Ang excuse, para sa tao. Hindi ka naman tao. So di ako mag e-excuse sayo."
"FYI, ine-excuse nga ang mga multo. Yong ano 'tabi tabi po'. Diba excuse yon?" Pagmamalaki ko. Hah! Kala mo makakalusot ka sa akin ha!
"So inaamin mo nga na hindi ka tao?" Sabi niya.
Ayan na naman, umagang umaga pa lang inis na inis na ako. Siya palagi ang dahilan.
"Pasensya na po senyor ha? Oy Nikki, alis ka diyan. Dadaan ang mahal na prinsipe." Sabi ko sabay tayo.
Dumaan siya at umupo ako ulit. Pinagmasdan ko na naman ulit si Justin myloves.
"Stop looking at him as if he will be yours. Ikaw lang ang pinapaasa niyan." Narinig kong sabi ni Par. But he was already in his seat when I looked back at him.
---
"Sharmaine, tapos ka na ba sa report mo?" Tanong ni Agnes, ang cute ko na classmate.
"Di pa eh. Mag reresearch pa ako ng author. Ikaw?" Sagot ko.
"Di padin eh. Nagdala ka ba ng materials?"
"Oo, may manila paper ako, pentelpen, gunting..." Sabi ko.
"Ganon ba? Pwede hati tayo ng manila paper? Tas pahiram ng pentelpen at iba pa. Please Shar? Mabait ka naman diba?" Sabi niya sabay beautiful eyes. Ang cute niya. As in. Sa sobrang cute niya, gusto ko siyang pektosan. Gaga tong babaeng to, ginamit pa ako.
"Okay." Sabi ko. Aba, mabait kaya ito.
"Ikaw par, tapos ka na sa report mo?" Taning ko.
"Mind your own business, taba." He said.
"Nagtatanong lang naman ako eh, may dalaw ka ba? O sadyang bakla ka?" Biro ko.
"Taba."
"Bakla."
"Taba."
"COOPERATION! MAGSITAHIMIK NA NGA KAYO! MGA WALA KAYONG RESPETO! DI BA KAYO NAHIHIYA? ANG IINGAY NIYO!" Sigaw ni Mr. Pres., Murthan.
"Sharmaine, ang ingay mo." Sigaw ni Par.
"Ha? Bakit ako? Ikaw kaya na una!" Depensa ko.
"AYEEEEE, MAY NABUBUO!" Sigaw ni Excelsy.
Naghiyawan na ang lahat at tinukso kami. Natahimik lang nang pumasok na si Mrs. Umali.
"Okay class, ngayong araw na ito, may groupings tayo. Ang magiging group niyo ngayon ay ang magiging group niyo sa buong taon." Sabi ni ma'am.
"Walang forever!" Sigaw ni Syd. Queen of bitters.
"Wala ka ring group Ms. Prayon." Sabi ni ma'am.Nagtawanan kaming lahat.
"Si ma'am naman, di mabiro. Wala hong forever sa pag-ibig, pero sa groupings, meron!" Sabi niya.
Umiling si Ma'am, at binasa ang groups. May 7 group at each group ay may 7 members.
"Group six: Levie, Erikka, Jhelian, Xavier, Carmelle, Marianny, Par at Sharmaine." Announce ni ma'am.
"Ikaw na naman?" Maktol ko.
"Wag kang mag-alala, di lang ikaw ang nangdidiri." Sagot ni Par. Konti na lang, kakalbohan ko na siya.
"Each group will meet. Mag ro-role play kayo about Kupido at Psyche." You have 3 weeks to prepare."
----
"Besh, uwi na ako ha? Galit na si mommy kasi late na late na!" Paalam ni Nikki.
Matagal kasi kaming naka uwi kasi gumawa pa kami ng assignment sa library. Kailangan ko kasi tapusin yon ngayon kasi gusto kong matulog ng maaga ngayon. Lately, I've been losing sleep. HAHAHAHA.
"Sige, mag ingat ka ha?" I said at naglakad nadin sa kabilang daan.
I was humming nang may narinig ako.
"Dallien, please..."
Teka, classmate ko yong Dallien ah.
Tsaka kilala ko yong boses na yon. Di ako pwedeng magkamali.
Hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses.
Tumpak. Sakto nga!
"Dallien, please, come back to me."
Is this for real? Si par, nakaluhod sa harap ni Dallien at.... umiiyak?
OH MY GOD!