"Kanina ka pa diyan?" Taranta kong tanong.
"Bakit? Are you stabbing me in the back, Sharmaine?"
"Ay grabe sha oh, ikaw? Pag uusapan?" Kalmado kong sagot kahit deep inside kinakabahan na ako kasi baka narinig niya ang pinag-uusapan namin ni Agnes.
"Then why are you so plae? Did you just saw a ghost? Or sadyang gwapo lang talaga ako?" He said and combed his hair.
"Mahangin besh, mahangin na mahangin talaga. Tara na nga, baka matangay pa tayo!" I took the chance and grabbed Agnes away from Par.
"Alam mo bes, halatang halata talaga. Ang putla mo kasi noong nakita mo si Par." Sabi ni Agnes.
"Totoo naman ah, hindi naman talaga natin siya pinag-uusapan. Yong panaginip ko naman kasi ang pinag-uusapan natin." Palusot ko.
"Asus, palusot ka pa. Pero teka, seryoso talaga? Si Par nasa panaginip mo?" Loading pa din to si Agnes no? Tsk.
"Oo nga, pa ulitulit ko naman eh. Kaso baka nandon lang siya kasiii.... ay ewan!" Sabi ko at niyaya nang umakyat si Agnes patungo sa langit, ah este sa fourth floor.
"Sharmaine...." Sabi ni Agnes.
"Hmmm?"
"May...gusto...ka...ba...kay...Par?" Tanong ni Agnes habang hinihingal. Sino ba naman ang hindi hihingalin? Hello? Nasa fourth floor kaya ang classroom namin!
Hindi ko siya sinagot hanggang nakarating kami sa classroom. Pinunasan ko ang pawis kong mukha. Kinulit naman ako ni Agnes.
"Hoy, ano naaaaa? May gusto ka nooo?" Sabi ni Agnes.
"Wala no, ano ka ba! Ako magkakagusto sa tipaklong na yon? Never ever!" Sagot ko.
"Alam mo, the more you keep your feelings, the stronger it'll get." Sabi niya.
"Huwaw! Saan ka galing non besh?"
"Got it from twitter!" Sabi niya at nagtawanan na kaming dalawa.
Dumating na si Par at nagsimula na ang klase at habang katabi ko siya, hindi ko pa rin maiwasan magtanong sa sarili ko kung bakit nandoon siya sa panaginip ko.
---
"Good afternoon Class!"
"Good afternoon Mrs. Kimilat!"
"Okay so this afternoon, we will have our groupings."
I yawned habang tinitignan si Mrs. Kims na may sinusulat sa blackboard. Hidi ko alam bakit antok na antok nako, and to think na last subject na natin to.
Teka, ano groupings? Yan na naman yang mga groupings na yan. Tapos yon parin, ang leader lang kumikilos sa mga gawain. Ang iba, wapakels. Hay.
"Okay class, this will be the leaders for this performance task. You can pick. Only 10-11 members only." Sabi ni Mrs. Kims.
At ganon-ganon lang, biglang naging Divisoria ang classroom namin.
"Hoy besh, diyan ako sa group mo!"
"AKO AKO AKO!"
"Omgeeeee diyan ako sa group mo omgeee!"
"Besh san tayo? Dapat magkasama tayo!"
Ano ba yan, ang iingay. Akala mo naman end of the world na, groupings lang naman pala. Tiignan ko ang mga pangalan na nasa blackboard.
Carmelle
Irish
James
Rodel
Raiza