"Murthan!"
"Murthan, ako!"
"Murthan, ako may suggestion ako!"
Ang ingay naman. Ano bang nangyayari?
"Class, silence! Isa-isa lang! Raise your hand if may suggestion kayo!" Sigaw ng presidente namin.
Napabalikwas ako. Teka, bakit ba ang iingay? Wala ba kaming klase? Nakita ko si Sir Escalator sa may pintuan, may kausap. Wow, chilling like a pro si sir ha.
Kinalabit ko si Par. He glared at me. "What?"
"Anong nangyayari? Bakit ang iingay niyo?"
His angry eyes turned into a wide gasp. "May sunog Taba!"
Agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko. "SUNOG? HA? ANO? SAAN? SHET LORD WAG MO MUNA AKONG KUNIN! MAY PANGARAP PA AKO! AATAKIHIN SA PUSO ANG MGA MAGULANG KO KAPAG NALAMAN NILA NA WALA NA AKO! CLASSMATES TARA! ALIS NA TAYO! CLASS---" Napatigil ako sa kinatatayuan ko at tumingin sa mga kaklase ko. Bakit ang kalmado lang nila?
"Sharmaine, anong sabi mo?" Murthan asked. Parang galit na ata.
"Sunog?" I squeaked.
"Anong sunog?" Murthan glared.
"Sunog ka na raw bro! HAHAHAHAHA!" Hiyaw ni Raya. Napatawa banab aji bf jaubti, Naitin kasi si Murtha. Pero natigil yon kasi tumingin ulit siya sakin. If only looks could kill.
"S-sabi kasi ni Par na k-kaya kayo maingay k-kasi may s-sunog..." Sabi ko at naghiyawan naman silang lahat. Mga may topak talaga ang mga kaklase ko.
"I was fooling with you, idiot." Bulong ni Par.
Kumulo ang dugo ko. Sumurok ang mga mata ko. Nang-aapoy ang buong katawan ko sa galit. Gago siya. Pinahiya niya ako. Alam niyo ba ano ang ginawa ko?
Wala.
Wala kasi wala naman talaga akong kalaban-laban sa kanya. Alangan naman suntukin ko. Kahit mataba ako, ang tangkad naman niya. Wala, wala talaga eh.
Kaya bumalik nalang ako sa upuan ako nakinig nalang ako sa pinag-uusapan nila.
"Okay, sorry for the interruption. Nasaan na nga tayo?" Murthan asked Wenica, ang secretary namin. Bumulong namin si Wenica kay Murthan. "Ahh, tama. We were deciding if may theme ba tayo para sa Christmas Party. At kung meron man, ano naman yon?"
"Murthan ako!" Sabi ni Porsha.
"Ha? Ikaw ang theme ng party?" Litong tanong ni Murthan. Enebeyen, eng slew nemen neng presedente nemen.
"Ulol, hindi. May suggestion ako. Coachella." Porsha said and everyone murmured in agreement.
Sinulat naman ni Wenica sa blackboard ang suggestion ni Porsha. "Okay, ano pa?" Murthan asked the class.
"Princess theme." Suggest ni Nikki.
"Eh, pano naman kaming mga lalaki? Princess rin?" Tanong ni John Lloyd.
"Bakit, lalaki ka ba?" Sagot ni Harry at nagtawanan ang lahat.
Lumingolingo si Murthan. Pikon na ata pero ipinagpatuloy parin niya ang meeting. "Sige, ano pa?"
Marami pang nag suggest. May nag suggest ng Halloween Party, mag nag suggest ng denim theme, may nag suggest ng normal party. At alam niyo ba ano ang napili namin?
Wala.
Wala kasi nag-aaway na kaming lahat. Pantay ang boto ng bawat isang theme kaya naman bawat isa ipinaglalaban ang gusto nilang theme. Kaya muntik nang magsuntukan, maghablotan ng buhok. Chos joke lang. Naniwala naman kayo. Basta nag-aaway na.
Kaya wala nalang. Efforts wasted.
"Okay, move on na tayo. Sa games nalang." Sabi ni Murthan.
"Chubby Bunny!"
"Paper dance!"
"Mannequin Challenge!" (Ulol talaga. Hindi naman yon laro eh!)
"Touch my body!" (Insert Sistar)
"Trip to jerusalem!"
"Paper Kiss!"
"Patintero!"
"Chinese Garter!"
"Bato Lata!"
"Teka teka, ano ba yang mga suggestion niyo. Mag papatintero tayo sa loob ng classroom?!" Galit na sabi ni Murthan. Mukang stress na si Mr. Pres.
Kaya napagpasiyahan na ang mga laro. Mga officers na sa room ang bahala sa prizes.
"Okay next, sa foods naman tayo."
"SPAGHETTI! LECHON! LUMPIA! HA-"
"HAHAMPASIN TALAGA KITA PAG DI KA TUMIGIL! HINDI PA NGA AKO NAKAKAPAGSALITA EH!" Sigaw ni Murthan.
Pano ba naman kasi, umeksena si Xavier. Pag pagkain talaga, active na active si Xavier.
Murthan composed himself at nagsalita. "So anong mas better, BYOP, Cater, or Fast food na order?"
"Teka, ano ba yong BYOP?" Tanong ni Jhudiel.
"Bring your own pood." Pasimpleng sagot ni Vince.
"Pack yon ulol." Sabi ni Murthan.
At the end, napagpasiyahan namin na mag order nalang sa Greenwhich.
"Magkano ang babayaran natin?" Tanong ng mga kaklase ko.
"200." Sagot ni Murthan.
"200 lang?"
Wow, feeling rich din tong mga kaklase ko. Nagrereklamo na nga kayong magbayad ng limang piso para sa xerox copy ng mga lessons natin tapos nila-lang niyo lang ang 200? Palakpakan.
"Ah, bago ko makalimutan. Ang sa exchange gift natin, walang amount. Bahala na kayo kung ano ang ibibigay niyo sa manito o manita ninyo. Diyan natin masusukat ang kaya niyong ibigay para sa ibang tao ngayong pasko." Sabi ni Murthan.
Bongga naman. Parang charity foundation lang.
Isa-isa kaming nilapitan ni Wenica para bumunot ng pangalan ng maigiging manito o manita namin.
Tinignan ko si Par nong bumunot siya. He unroll the paper at nag smile. Sino kaya ang nakuha niya?
"Sharmaine, bunot ka na." Sabi ni Wenica.
Bumunot na ako. Tinawag ko lahat ng santo at santa sa mga langit. Sana yong mabunutan ko ay isang tao na hindi masyadong ambisyosya o ambisyoso. Wala naman kasi talaga akong pera.
Binuksan ko ang papel at nagulat kasi ang nabunot ko ay...
Wala.
Walang sulat ang papel. Pochang ina.
"Wenica! Walang sulat ang papel!" Tawag ko sa kanya.
Lumapit naman siya. "Ay sorry. Nasali kasi yan kanina. Tinamad na akong hanapin yan eh."
Tumango nalang ako. "Okay lang. Bubunot nalang ako uli."
"Actually, isang papel nalang ang natitira." Sabi niya.
Kinuha ko ito at umalis na si Wenica.
Binuksan ko ang papel at muntik ko nang itapon.
Justin Rosales.
Charot lang! Bakit ko naman mabubunot ang pangalan niya na hindi ko naman siya kaklase?
Actually ang nabunot kong pangalan ay si-- Teka, pano mo nalaman? Hay.
Par Gonzales.